CHAPTER 9

187 14 1
                                    

Anaïs POV

"Bal"
Naiyak niyang tawag habang nakayakap sakin

"Bal ano ka ba,laban lang nandito ako oh kasama niyo hindi ko hahayaan na merong mangyaring masama kay Eli"
Pagpapagaan ko pa ng kaniyang pakiramdam

"Goy,salamat sobra kasi hindi ka nawawala sa tabi ni Eli ngayon. Siguro kung wala ka baka hindi namin alam ang gagawin"
Seryoso pa niyang sabi

Yung gusto kong umiyak pero hindi ko magawa dahil gusto kong maging malakas sa harap nila para mabawasan ang takot na nararamdaman nilang mag asawa

"Everything will be okay,we'll do everything and Pray lang tayo. Okay naman na si Eli kailangan nalang ng oras at panahon para maging maayos na siyang lubusan."

"Kaya kayong dalawa pakatatagan niyo lang kasi kung magiging mahina kayo paano na si Eli,mahirap lumaban mag isa kaya hanggat maaga pa at kaya lumaban kayo kasama siya."
Dagdag ko pa

"Thank Bal sobra,mahal na mahal kita"

"Sige na,maiwan ko muna kayo kung magkaproblema tawagan niyo lang ako ha"
Pag papaalam ko at kaagad naman ako lumabas ng room kasama si Eric

"Mauna na ako ha,bantayan mo ang mag ina mo kilala mo naman si Angelina matapang yan pero sobrang hina pagdating kay Eli. Nadala ng takot kaya sana wag ka mawawala sa tabi nila ha Goy"
Pagpapaalala ko pa sa baliw kong pinsan

"Opo Doctora,pero seryoso Goy sobrang salamat ha hindi ko alam kung paano mabawi sayo"
Naiiyak pa niyang sabi

Mukhang ngayon ko lang nakitang seryoso ang pinsan kong ito ha

Natawa nalang ako sa tinuring niya at binigyan ng mahigpit na yakap

"Hay naku Goy kilalang kilala talaga kita. Wala yun ano ka ba pinsan kita at inaanak ko si Eli and syemre kambal ko si Angelina kaya lahat gagawin ko para matulungan kayo"
Mahaba ko pang lintaya

"Babawi kami sayo Goy promise,ingat ka!"

Ngumiti na lang ako at nagpatiuna ng umalis






"Babaita"
pagtawag pa ni Gabrian na nakasunod lang sa akin

Nalingon naman ako at sinalubong ako ng ngiti niyang parang tuwang tuwa

"What's with that crazy smile aber"
Nagtataka ko pang sabi

Yung ngiti niya nakakaloka mukhang inlove kahit na alam kong imposible

"Nothing it's just that I found someone who's perfect for you"
Kinikilig pa niyang sabi

Perfect?

Para sakin?

As far as I know walang taong perfect at kahit kailan ata walang taong makakatiis sa ugali ng isang Anaïs Green maliban nalang sa babaeng katabi ko ngayon

"Nahihibang ka na naman Gabriana,ganyan ba ang naidulot ng meeting sayo ha kung ano ano sinasabi mo"
Natatawa ko pang sabi habang tuloy ang paglalakad

"Shuuu oo nga Aïs seryoso ako,alam mo minsan kelangan talaga na makipag date ka.Gwapo siya Aïs at kaya ko nasabing perfect for you kasi syempre bff mo lang naman ako and alam ko ang tipo mo okay"
Seryoso na nga niyang sabi

And sino naman?

Baka kung sino sino na namang nakikilala niya online at sa mga app na puro kalandian ang alam talaga

Siya lang ata ang Doctor na nakilala kong sobrang lakas ng trip pag bored!

"okay okay sino naman ba kasi ang perfect one na yan ha?nakilala mo online or what"naiirita ko pang sabi

LOVE SIN SERIES: LOVE TAKES TIME Where stories live. Discover now