CHAPTER 20

174 15 6
                                    

Demi's POV

"Dem saan ka pupunta"
ani Parsa na nakahiga sa kama

Nalingon naman ako sa kaniya habang nag aayos ng buhok

"madaan lang ako sa hospital to finish some work then mapunta ako sa grocery to buy your favorite ice cream syempre para na din kay baby"
Nakangiti ko pang sabi

Akala ko noon ng malaman ko na buntis si Parsa ay napakabigat na parusa na ito para sa akin pero hindi,nagkamali ako dahil sa bawat araw na lumipas mas naging magaan sa akin na tanggapin ang bata at alagaan silang mag ina.

Siguro nga nagdalawang isip ako na baka hindi sa akin iyon pero tulad nga ng sabi ni Parsa ako lang ang kaniyang minahal at nakasama simula noon wala ng iba.

Nagtungo na ako sa sasakyan para umalis ng maalala ko na meron pa nga pala akong kukunin sa stock room mga lumang gamit na ibibigay ko kay Carlos.

"Manang nakita niyo na ba yung mga gamit na pinapahanap ko?"
Pasigaw ko pang tanong

"ayy oo nga pala nasa stock room na ijo nasa box nakapatong sa table mabuti pa ay kunin mo na kasi inaayos ko pa ang gamit ng misis mo"

"Sige po manang,at tsaka hindi ko pa naman po siya misis"
Natatawa ko pang sabi

"naku e doon din naman ang punta noon lalo na pag labas ng anghel niyo"

Nangiti nalang ako sa sinabi ni manang na siyang nagpasaya sa akin ng marinig ang salitang anghel.

Hindi ko na ata mahintay na lumabas ang anak ko isang  buwan nalang at magkakaroon na ng sanggol sa bahay na ito

Habang naglalakad ako pababa sa stock room ay napako ang paningin ko sa isang picture frame na pinaglalagyan ng picture namin ni Anaïs.

"Aïs"
Mahina kong sambit habang pako ang mata sa frame

Matagal na panahon na din ng huli kaming nagkita kung hindi ako nagkakamali ay huling pagkikita namin sa airport.

FLASHBACK

"Aïs"
Malakas na sigaw ko habang hinahabol siya para pigilang umalis

Mabilis na takbo ang ginawa maabutan ko lamang siya subalit hinarangan ako ni Lucas habang kasama ni Aïs si Gabriana

"Lucas please nagmamakaawa ako tulungan mo naman ako na makausap si Aïs"
Pagmamakaawa ko pa sa harap niya na kulang nalang ay lumuhod ako

"Demi hindi ganun kadali ang gusto mo,siguro nga ay masama pa ang loob niya sayo pero isa lang masasabi ko sayo let her go hayaan mo na siya. She needs space she needs time to think and she needs time to heal bago ka niya harapin muli."

"Sana maintindihan mo yun"
Dagdag pa niya

"Lucas let's go"
Sigaw pa ni Gabriana

Nagawi ang tingin ko sa kinatatayuan ni Gabriana ngunit wala ng Anaïs akong nasusulyapan.

Tama nga siguro na ibigay ko ang oras na hinihingi niya.

"Siguro nga ay magkakalayo tayo sa ngayon Aïs ng may mabigat na nararamdaman sa isa't isa pero tandaan mo na kahit gaano pa katagal ang lumipas ay hinding hindi ka mawawala sa puso ko at hihintayin kita kahit gaano pa katagal. Mahal na mahal kita Anaïs Green."

END

"Sir nakita niyo po ba yung box"
Ani manang na siyang napasulyap sa frame na tinitingnan ko

LOVE SIN SERIES: LOVE TAKES TIME Where stories live. Discover now