CHAPTER 25

138 17 1
                                    

Anaïs POV

Bakit ka pa nakita?
Bakit pa nakilala?
Kung ang puso ko ay iiwan mo lang at sasaktan!

Agang aga mala senti kaagad ang bungad ng mga kanta ni Gabriana ang sarap itapon ng speaker!

"Hindi mo ba talaga naririnig ang kantang yan at hindi mo mahinaan"
Sigaw ko pa sa kaniya na kinagulat niya kaya nalaglag siya sa pagkakaupo

Patago naman akong natawa dahil kitang kita ko yung pagkainis sa mukha niya

quits na kami ginising niya ako ng kanta niya e

"alam mo aga mo ring manakit Aïs,bakit ba kasi tanghali na e nakahilata ka pa rin diyan sa kama mo"

"Pake mo ba,alam mo naman na puyat ako okay ang dami ko kayang pinag aralan hello! Di biro ang pag aralan ulit ang mga trabaho ko at tsaka babalik na ako sa hospital alangan naman lutay ang utak ko syempre kailangan fresh ang mga pinag aralan at mga ginagawa ko"
Pag yayabang ko pa

Syempre naman ang pagiging doctor ay hindi biro lalo na sa mga pasaway na pasyente.

Matagal din akong namahinga,kahit pa minsan ay napapractice ko sa ibang bansa ang kaalaman ko ay iba pa rin yung ako noon na alam ang lahat ng ginagawa ko.

Halos ilang taon din na puro pang bata at mother ekek ang pinag aaralan ko okay kaya wag na kumontra!

"Ah talaga ba? Siya bumangon kana diyan para DIN naman makita mo at ng fresh mong eyes ang FRESH NA FRESH NA BONDING NG MAG AMA MO Ooops ni Dem at Syndey pala"
Maloko pa niyang sabi

Napaisip naman ako sa bonding na sinasabi ng isang ito kaya kaagad na bumangon ako at nag ayos ng sarili

"Kumain ka na ba?"
Tanong ko pa sa kaniya

"Hindi pa,hinihintay kita at tsaka antagal ng mga cook  okay"
Naiinis pa niyang sabi

Cook?

"Huh? Cook? Bakit wala ba sila manang?"
Nagtataka ko pang sabi na kinatawa niya

May nakakatawa ba sa tanong ko?

"Bilisan mo na kasi para malaman mo kung ano yung tinutukoy ko"

Matapos naman ako sa banyo ay sumunod na ako kay Gabriana papuntang kitchen

Nakita ko naman na nagpeprepare sila Manang ng pagkain

Halos mapupuno na nga din ang table sa dami ng pagkain

Dahil late akong nagising ay halo ang breakfast at lunch sa table kaya madaming nakahanda

"Sinong nagluto?"
Tanong ko pa sa kanila na nadatnan kong nakaupo na sa dining

"hulaan mo"
Sabi pa ng Daddy na bungisngis

Infairness parang maganda ang gising ng mga tao ngayon ha

"Goodmorning Tita"
Pagbati pa ni Sarra

"Goodmorning sweetheart"
Ani ko at hinalikan ito sa noo

"Nandito na po ang Adobo"
Sigaw pa ng batang malapit sa puso ko

"Syempre hindi papatalo ang Kare kare"
Sunod naman ng lalaking mahal ko este ama ng anak ko

Wait!

So ibig sabihin silang dalawa ang nagluto?

Ito yung sinasabi ni Gab na bonding

LOVE SIN SERIES: LOVE TAKES TIME Where stories live. Discover now