CHAPTER 24

119 13 2
                                    

Anaïs POV

"tama ba na bumalik ako dito kasama si Syndey? O baka makagulo lang kami sa buhay na naiwan namin dito"
Nag aalala ko pang tanong kay Gabriana

"Aïs ano ba? Hanggang kailan mo ba balak ilayo ang bata kay Dem? Hanggang sa hindi na niya mataanggap ang tunay niyang Daddy at isipin na iniwan siya nito dahil ayaw sa kaniya? Tingin mo ba maiintindihan ka niya pag sinabi mo na natakot ka kaya hindi mo siya naiakilala"
Mahabang lintaya nito

Oo may point naman siya at ang nakakainis laging tama ang sinasabi niya.

Hindi naman kasi ganun kadaling aminin at sabihin sa lahat,once na malaman ng lahat for sure pagpipiyestahan ang kwento namin at ayokong madamay pa si Syndey

"Gab,alam mo naman na mahal ko si Syndey and I'll do everything for pero"

"Pero? Natatakot ka? Tama ba ako Aïs"

"Come on,makinig ka ha"
Aniya at lumapit sa akin habang hawak ang dalawa kong kamay

Hindi ko na maitago ang emosyon ko sa harap niya. Ewan ko ba sa tuwing pinag uusapan namin ang tungkol dito naiiyak nalang ako sa hirap

Sa hirap ng sitwasyon na ayokong may masaktan sa mga taong mahal ko

Pero ano bang magagawa ko?

Mali ba?

Mali ba na nagmahal ako at ibinigay ko ang lahat sa taong mahal din ng kapatid ko

Mali ba na mas pinili ko ang kasiyahan ng kapatid ko kesa sa kaligayahan na gusto ko

Isa lang naman kasi ang mali ko sa lahat ng naging desisyon ko,yun ay ang hindi ko kaagad naisip ang kasiyahan ng anak ko.

Sino ba naman kasi ang anak na gustong hindi makilala ang ama niya? hindi bat wala

"Kailangan mong lakasan at tibayan ang loob mo. Alam ko na naisip mo na ang sasabihin ko pero gusto kong isipin mo ng mas malalim ngayon ha. Sana naman ngayon na nandito na kayo at malaya ka ng sabihin sa lahat ang totoo,sana isipin mo yung kapakanan ng anak mo yung kaligayahan at karapatan niya bilang anak niyo. Hindi ko sinasabi na saktan mo ang kapatid mo pero hindi ba mas maganda kung aaminin mo kay Demi na anak niya si Syndey and doon makikita mo yung tunay na saya at karapatan ni Syndey na matagal mo ng gusto makita at ibigay sa kaniya"

"Isipin mo naman yun Aïs"
Dagdag pa niya.

Bakit ba kasi napaka makonsensya ng friend kong ito!

"Tingin mo ba hindi yan gumugulo sa isip ko araw araw. I know Syndey,nahihiya siyang magtanong minsan pero Gab ina ako,ramdam ko yung gusto at ayaw niya and I feel and know na gustong gusto niyang makasama ang ama niya pero ang masakit ako na ina niya ang humahadlang sa kasiyahan niya"

"Ang hirap Gab"
Naiiyak ko ng sabi pa

Paano ko ba gagawin kung ang gusto ko ay walang gulo

"Mommy"
Pagtawag ni Syndey habang patakbo sakin

Nasa pool side kasi kami ni Gabriana na nag uusap at sila naman ay nasa loob magkakasama

Kaagad ko pang pinunas ang mga luha ko bago hinarap ang aking mahal na anak.

"Mommy are you crying?"
Malungkot niyang tanong at tiningnan ako ng deretso sa mata

"no sweetheart"
Nakangiti kong sabi

"By the way,bakit mo hinahanap si Mommy you need anything"
Dagdag ko pa

LOVE SIN SERIES: LOVE TAKES TIME Onde as histórias ganham vida. Descobre agora