Simula

105K 2K 241
                                    

Simula
***

Nasa opisina ako ngayon at binabasa ang kaso na hawak ko. Ang pag rape sa anak ng Vice President. Secret investigation ang gusto ng vice president para Hindi malaman ng iba.

Binasa ko pa ang ibang detalye ng may kumatok sa pinto ng opisina ko. Agad Kong tinabi muna ang binabasa ko at tumayo.

"Mayor napadalaw po Kayo?" Tanong ko sa mabuting tao na pinag aral ako.


Hindi ko kilala ang ama ko at iniwan naman ako ng mama ko sa simbahan ng apat na taong gulang palang ako.


Lumaki ako sa orphanage at nakapag tapos ng highschool. Akala ko Hindi na ako makakatungtong ng kulehiyo nang dumating si Mayor Toren Reid sa orphanage at maswerte akong napili sa mga pag aaralin nya.



Nakapag tapos ako ng Criminology at hinanap ko ang mama ko. Nahanap ko sya sa probinsya at nag sisisi sya na iniwan ako dahil sa kahirapan.



Pinatawad ko si mama at ngayon nakatira sya sa bahay namin sa probinsya at minsan dinadalaw ko sya.


Nagtanim ako ng napakalaking utang na loob Kay Mayor sa lahat ng natamo ko at nangako ako sa sarili ko na ibabalik ko sakanya ang kabutihan na binigay nya sakin.


Tinapik ni Mayor ang balikat ko at seryoso akong tinignan. "Hindi na ako mag papaligoy ligoy pa. Tatakbo ako sa pagka Gobernador at nasa panganib ang buhay ng anak ko. kaylangan mo syang bantayan. Ikaw lang ang kilala ko na kayang bantayan ng mabuti si Tamara." Sabi ni Mayor sakin.



Hindi na ako nag isip at agad na tumango. "Babantayan ko po ng mabuti ang anak nyo." Pangako ko Kay Mayor.










"Tammi, itigil mo muna ang Kakaparty mo." Seryosong Sabi ni daddy sakin habang nasa hapag kami.


Napairap ako at tinignan si daddy. "Daddy, kanina mo pa sinasabi Yan. Dito lang ako pagkatapos nating kumain at Hindi ko feel na mag party muna." Sabi ko Kay daddy at walang gana syang tinignan.



Nakahinga ng maluwag si daddy at tumango. "Aasahan ko Yan."



Pagkatapos naming kumain pumunta agad ako sa kwarto ko at tinignan agad ang cellphone ko.


'Babe, party tonight?' text ni Jake na boyfriend ko.

Agad akong napangiti. 'Sure.' reply ko at tinext sakanya Kung anong Oras nya ako susunduin.


Nagpalipas muna ako ng ilang Oras bago nag ayos ng sarili. Sinuot ko ang  itim na tube top fitted dress ko at Red high heels. Tinernuhan ko ng smokey eye shadow at dark lipstick.


Napangiti ako ng mag text si Jake na nasa labas na sya. Tinignan ko muna ulit ang sarili sa salamin bago dahan dahan ng lumabas ng pinto at pababa ng hagdan.


Maingat Kong binuksan ang malaking pinto ng mansion namin at naglakad palabas.


Bukas pa ang dating ng mga bagong guard namin. Tatakbo si daddy sa pagka Gobernador Kaya pinaiigting ang sekyuridad dito pero habang Wala pa susulitin ko muna.



Naglakad na ako palabas ng gate at nakangiting tinignan muna ang matandang guard namin na laging nakakatulog kaya lagi din akong nakakatakas pag Gabi bago na nag lakad papunta sa sasakyan ni Jake.


Binuksan ko ang passenger seat at akmang sasakay na ng parang may nakatingin sakin.

Hinanap ko Kung saan nang gagaling Yun pero ng Hindi ko mahanap, napailing nalang ako at pumasok na ng sasakyan ni Jake.


My Possessive Hot Bodyguard [COMPLETE]Where stories live. Discover now