Chapter 17

49.8K 1.2K 314
                                    


Chapter 17
***

Nanigas ang buo Kong katawan dahil sa sinabi nya at naalala ang masasakit na dinanas ni kuya Thorn.

"Tamara." Tawag ni slate sakin at Hinawakan ang bewang ko. Nagulat ako at napatingin sakanya.

Nagtatanong nya akong tinignan Kaya napaiwas ako ng tingin at napunta ang tingin ko sa kamay ni slate na nasa bewang ko papunta sa tyan ni Katrina.

Napaangat ako ng tingin ng may humawak din sa bewang ni Katrina at si Magnus Yun na madilim ang mukha.

"Mauna na kami." Madilim ang mukhang Sabi ni magnus at Hinawakan si Katrina sa siko at hinatak palayo.

"May sinabi ba si Katrina?" Nagtatakang tanong ni slate ng nakatulala lang ako sa papalayong bulto nila Katrina.

Nag angat ako ng tingin Kay slate na nag aalala na akong tinignan dahil Hindi ako nag sasalita.

Nginitian ko sya para Hindi na sya mag alala. "Wala. uwi na tayo sa bahay natin?" Nakangiti Kong tanong sakanya kahit na nagkakagulo na ang loob ko.

Tinitigan muna ako ni slate bago ako hinalikan. Madiin akong napapikit at parang may sumaksak sa puso ko habang dinadama ang halik nya.

"U-uwi na tayo?" Nakangiti Kong tanong sakanya Kaya nakangiti syang tumango at inalalayan na akong makapasok sa sasakyan.

Habang nasa byahe, magkahawak ulit kami ni slate ng kamay habang nag mamaneho sya at habang gulong gulo ang puso at utak ko.

I promise to myself na Hindi ako tutulad Kay mommy. Wala akong sisiraing pamilya at lalong lalo na ay buhay ng Bata. Paulit ulit na paalala ng utak ko sakin pero Iba ang sinisigaw ng puso ko.

I want to stay here. Sa bahay na binuo namin, sa buhay ni slate at sa mga bisig ni slate. I want to stay here at gawin ang mga nakasanayan Kong gawin kasama si slate.

Maghanda ng almusal namin, Sabay kaming lumangoy sa batis, preparing our lunch and dinner, lambingan, make loves at iba pa.

Parang tinutusok ang puso ko habang inaalala ang mga nakasanayan naming gawin ni slate.

I want to stay here. Nag mamakaawa ng Sabi ng puso ko.. pero may Batang maiipit. A-ayokong may ibang Batang dumanas ng dinanas ni kuya Thorn dahil lang dumating kami ni mommy sa buhay nila.

"Tamara, is there something wrong?" Nag aalalang tanong ni slate Kaya gulat akong napatingin sakanya at nakangiting inilingan sya.

"May iniisip lang." Sagot ko sakanya at mas hinigpitan ang pagkakasalikop ng mga kamay namin.

"Ako na mag sasaing, marunong na ako." Nakangiti Kong Sabi sakanya para Hindi na sya mag alala.

Madiin muna akong tinignan ni slate bago ngumiti at masayang tumango. Parang piniga ang puso ko habang Pinapanuod si slate na halikan ang likod ng palad ko habang nag mamaneho.

Nang nasa tapat na kami ng bahay, pinatay na ni slate ang makina at tinignan muna ako bago bumaba na para pagbuksan ako.

Inalalayan nya akong makababa at maliit akong napangiti ng nakawan nya ako ng halik sa labi.

Naglakad na kami ni slate papunta sa bahay at saglit akong napapikit para damhin ang yakap ni slate ng yakapin nya ako Mula sa likod. 

Napatingin ako sa Susi ng bahay na nilagay nya sa palad ko at may keychain pa yun na nakalagay ay 'batis'.

Malungkot Kong tinignan ang Susi bago dahan dahan na binuksan ang bahay namin.

Agad na nangilid ang mga Luha ko habang tinitignan ang bahay na binuo namin ni slate na punong puno ng pagmamahalan.

My Possessive Hot Bodyguard [COMPLETE]Where stories live. Discover now