Chapter 20

57.4K 1.2K 267
                                    

Chapter 20
***

Sa sumunod na araw, sobrang lamig ni slate sakin. Umalis sya ng kwarto matapos ang nangyari at Hindi sya natulog sa tabi ko.

Nagising ako ng nakasuit na si slate at maagang papasok. Mabilis lang akong nag ayos ng sarili dahil sasama ako sakanya sa opisina nya para mag design at kunin na din ang sukat ng mga empleyado nya.

Patingin tingin ako Kay slate na busy sa laptop nya habang seryoso ang mukha.

Kung kahapon ay tinatapunan pa ako ni slate ng tingin ngayon, Hindi. Napahinga ako ng malalim.

Ano bang nangyayari sakin? Mas okay nga na malamig sya sakin at Tama lang naman ang ginawa ko kagabi diba?

Hindi ko hinayaan na may mangyari samin dahil may asawa't anak na sya. D-dapat din na Hindi na sya nag hintay sakin. Dapat alagaan nya nalang ng mabuti si Katrina at ang anak nila.

Dapat din sabihin ko sakanya na kasinungalingan lang ang sinabi ko sakanya na ayaw ko sakanya dahil mahirap sya.. pag Hindi na nya ako Mahal.

Nagbaba ako ng tingin sa design ko. Naisip ko na bagay ang grey sa mga empleyado ni slate.

Para sa babae naisip ko na grey suit at mini skirt. Lalagyan ko ng dalawang cut ang laylayan ng coat para sa design at Hindi buttons ang gagamitin ko. Belt sya na nakakabit sa may bewang.

Gusto Kong komportable ang mga empleyado ni slate Kaya sila ang mamimili Kung mini skirt or pants.

Sila na ang bahala Kung anong gusto nilang suotin pang loob but I recommend, white or black.

For boys grey coat at pants lang. Sila ang bahala Kung fit ang pants nila or maluwag.

Tumayo ako dala ang design ko at naglakad papunta Kay slate. Napahinto si slate sa laptop nya at nag angat ng tingin sakin.

"Tapos ko na ang design." Sabi ko sakanya habang madiin na nakatingin si slate sakin.

Nilahad nya ang kamay nya Kaya inabot ko ang sketchpad ko sakanya. Madaming fashion show na akong nagawa pero Hindi ko Alam Kung bakit kinakabahan at nahihiya ako habang seryosong tinitignan ni slate ang design ko.

Mas Lalo akong kinabahan ng Makita Kong napakunot ang nuo ni slate. Mas malala ang kaba ko ngayon kaysa sa unang beses Kong pinasa ang design ko Kay Louis.

"Is this for me?" Tanong ni slate at pinakita sakin ang ginawa Kong design para sakanya.

Ginawan ko din si slate pero three piece suit ang sakanya at mas dark ang pagka grey.

"Y-yes." Nahihiya Kong Sagot sakanya.

Bumaba ulit ang tingin ni slate sa design ko at ngumiti sya. "I can't believe it. Lagi ko lang Pinapanuod ang mga fashion show mo sa cellphone ko at ngayon ay nasa harap na Kita at ginawan ako ng design." Masayang Sabi ni slate.

Natigilan ako at bumilis ang tibok ng puso. P-pinapanuod nya ang mga fashion show ko?

Habang nasa Paris ako at iniisip sya, akala ko masaya na sya Kay Katrina at sa anak nya pero hinihintay nya pala ako.

S-stop! Sigaw ko sa puso ko na mabilis paring tumitibok. Kahit na Hindi sya masaya Kay katrina, may anak parin sila. I promise to myself na Wala akong sisiraing buhay ng bata.

"Ahmm, I'll ask your secretary para sa listahan ng lahat ng empleyado mo. Kukunin ko ngayon ang sukat nila." Sabi ko sakanya.

Agad na Nawala ang ngiti ni slate at dumilim ang mukha. "No. Ako na ang kakausap sakanya." Madiin na Sabi ni slate at pinindot ang intercom nya.

My Possessive Hot Bodyguard [COMPLETE]Where stories live. Discover now