Wakas

81.8K 1.8K 611
                                    

Wakas
***

Asar na asar akong napasambunot sa sarili Kong buhok. Fuck! Gago ka slate! Mura ko sa sarili ko. Nasigawan ko si Tamara.

Madiin akong napapikit ng maalala ang naiiyak na anghel kanina at mas nag sisisi dahil sa nagawa.

Buntis sya at dapat inintindi ko nalang sya at Hindi sinigawan. Dapat mas intindihin ko sya at mas alagaan.

Mas Lalo akong nag sisi ng maalala si Tamara na nag susuka at namumutla. Malakas akong napasuntok sa puno sa  sobrang pag sisisi.

Anong gagawin ko? Tanong ko sa sarili dahil nahihiya ako sa ginawa ko. 

Kaylangan Kong humingi ng tawad Kay Tamara at sa baby namin. Kaylangan ko ding bumawi sakanila at mas alagaan sila.

Tumango ako sa sarili at akmang lalakad na pabalik ng may mahagip akong pulang rosas Hindi kalayuan.

Kaylangan kong bumawi.

Naglakad ako papunta dun at namitas ng rosas at nasugatan pa dahil sa mga tangkay.

Nang madami na akong napitas at natanggal na din ang mga tangkay, napangiti ako.

I'm sorry, misis ko. Babawi ako at bibilhan pa Kita ng mas maganda at mamahalin pang mga bulaklak.

Kinuha ko ang maliit na pulang box na lagi Kong dala sa bulsa ko at napangiti ulit bago naglakad na pabalik ng bahay namin.

Habang nag lalakad ako pabalik, kinakain ako ng kaba at takot. Paano Kung galit pa sya? P-paano Kung tanggihan nya ako dahil n-nasigawan ko sya?

Nanginginig na ang mga tuhod ko sa kaba ng nasa tapat na ako ng bahay namin.

K-kaya mo Yan slate. Napahinga ako ng malalim ng manginig pa ang boses ko sa isip.

Dahan dahan ko ng binuksan ang pinto at tinignan ang Kama Kung nandun ba sya pero Wala.

Napatingin ako sa pinto ng CR at nag aalala ng maisip na baka nag suka ulit sya habang Wala ako.

Binitawan ko muna ang rosas at ang maliit na pulang box sa lamesa bago nag aalalang mabilis na nag lakad papunta sa CR.

"Tamara." Tawag ko sakanya at binuksan ang pinto.

Parang nanigas ang buo Kong katawan ng Wala si Tamara dun. Ilang segundo na nag blangko ang utak ko.

W-wala si Tamara sa bahay. H-hindi.

Mabilis akong lumabas ng bahay at mabilis na tumakbo habang nililibot ang paningin sa paligid Kung nandun ba si Tamara.

H-hindi ako iiwan ni Tamara. Alam nyang Hindi ko k-kakayanin.

"Tamara!" Malakas kong sigaw habang mabilis na tumatakbo at sobrang layo ko na sa bahay namin at hinahabol na ang hiningang napahinto ako at napahawak ako sa dibdib ko Kung nasaan ang puso ko na pinipira-piraso sa bawat hakbang ko.

Napahawak ako sa pisngi ko na kanina pa pala tumutulo ang mga Luha ko.

Parang bigla.. Hindi ko na Alam ang gagawin ko at unti unti ng gumuguho ang mundo ko.. ganto din ang naramdaman ko ng iwan ako ni Tamara.. pero mas malala ngayon at Hindi ko na talaga.. kakayanin.

Napahikbi na ako sa sobrang sakit nang tumunog ang cellphone ko. Mabilis ko Yung kinuha na sa akalang si Tamara Yun at para mag pasundo sakin Kung nasaan man sya ngayon.

Natigilan ako ng ang kaibigan ko Yung pulis na inutusan Kong bantayan ang bawat galaw ng boss ni Tamara.

H-hindi.

My Possessive Hot Bodyguard [COMPLETE]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz