Chapter 11

53.5K 1.2K 383
                                    

Chapter 11
***

Nagising ako ng sobrang sakit ng ulo ko. Madiin Kong pinikit ang mga Mata ko bago dahan dahang dumilat na. Agad akong nilukumob ng takot ng nasa isang lumang bodega ako at nakatali sa inuupuan ko.

Agad Kong inalala ang huling nang yari at mas natakot ako ng maalala ang malakas na pagsabog sa likod ng sinasakyan namin.

S-si slate Yun! Sumabog ang sinasakyan nya!

Agad na nangilid ang mga Luha ko sa sobrang pag aalala, takot at galit.

Si Julius ang may pakana nito! Sino sya? may atraso ba ako sakanya?

"Gising ka na pala, Tammi."

Agad na Masama akong nag angat ng tingin sa may ari ng boses na Yun. Mas Lalo akong nagalit ng mala anghel syang nakangiti habang may hinahatak na isang silya.

Nilagay nya sa harap ko ang silya at nakadekwatrong umupo. May mala anghel parin syang ngiti sa labi.

"Hayup ka! Pinasabog mo ang sinasakyan ni slate!" Galit na galit Kong sigaw sakanya habang nangingilid ang mga Luha habang nag aalalang iniisip si slate.

Ngumisi si Julius at malayo na ang mukha nya sa pagiging anghel. "Don't worry, Tammi. Mala pusa ata Yun. Pinasabog ko na ang sasakyan at nang patignan ko sa tauhan ko, Wala daw sya sa loob ng sasakyan." Sabi ni Julius.

Nakahinga ako ng maluwag kahit nasa gitna parin ng kapahamakan. Nakatakas sya at okay lang sya! Yun ang mas importante para sakin.

Seryoso ang mukhang tinignan ko si Julius. "May nagawa ba ako sayo? Anong kaylangan mo sakin?" Naguguluhan Kong tanong sakanya.

Tinuring ko syang kaibigan at sigurado akong Wala akong masamang nasabi o nagawa sakanya.

"Well, kaylangan ka ni daddy na mag makaawa sa daddy mo na umurong sa eleksyon." Aniya at nagkibit balikat.

Nanlaki ang mga Mata ko. Daddy nya? Anak sya ng kalaban ni daddy?! Ni Mayor Castro?!

"Oh yes, the name is Julius Castro." Nakangiti nyang Sabi ng mahulaan ko Kung Sino talaga sya.

"Ready for the video?" Mala anghel ang mukhang tanong nya sakin. "don't worry. After that, we'll send you home." Dagdag nya pa.

Masama ko lang syang tinignan. "Hindi ko gagawin Yun!" Madiin Kong Sabi habang iniisip ang maaaring gawing Masama ng daddy nya.

Napahinga ako ng malalim si Julius. "Then just like in the movies, pag pumunta si slate dito para iligtas ka, papahirapan namin sya sa harap mo at mapipilitan Kang sundin ang inuutos ko." Aniya at napakibit balikat.

Inirapan ko sya at nag iwas ng tingin. "Hindi nga ako Mahal nun." Malungkot Kong Sabi.

"You're kidding. Mahal ka nun." Sabi ni Julius na parang Hindi makapaniwala sa sinabi ko.

Napahinga ako ng malalim bago nag kwento sakanya habang seryoso naman syang nakikinig.

"Why can't he say he loves me?" Nafu-frustrate Kong tanong sakanya.

Napahawak si Julius sa baba nya malalim na nag isip. "Hmmm, He's keeping something from you or he's just playing with you." Sabi ni Julius Kaya parang may sumaksak sa puso ko kahit ganun din naman ang naiisip ko.

Parehas kaming napalingon ni Julius sa pinto ng bogeda ng may mga putok ng baril kaming narinig.

"Oh God! It's really happening." Hindi makapaniwalang Sabi ni Julius.

Napuno ako ng pag aalala. Sigurado akong madaming tauhan si Julius sa labas. Slate, mag Isa ka lang ba? Mag ingat ka.

Nag dadasal ako na Sana ay okay lang si slate ng tumigil ang putukan. Mas kinain ako ng takot at pag aalala.

My Possessive Hot Bodyguard [COMPLETE]Where stories live. Discover now