Chapter 15

60.1K 1.2K 172
                                    

Chapter 15
***

Tinignan ko si slate sa Hindi ko na Alam Kung pang ilang beses. Seryoso lang ang mukha nya habang nag mamaneho at Hindi ako nililingon.

"Slate." Tawag ko sakanya at Gaya ng kanina ay Hindi nya ako pinansin. Kanina nya pa ako Hindi pinapansin bago pa kami sumakay sa sasakyan.

Sasakyan ang dala namin dahil nasa likod lahat ng kakaylanganin namin sa bahay. Akala ko ay hindi na kami pupunta sa binabalak nya akong dalhin at didiretso na kami sa bahay pero ibang daan ang tinatahak namin.

Napahinga nalang ako ng malalim ng Hindi nya talaga ako pansinin at malungkot nalang na tumingin sa labas ng bintana.

Bakit ko ba Kasi tinanong Yun?! Nakalimutan ko na si slate nga pala ang pinaka selosong taong kilala ko.

Tahimik lang kami ni slate buong byahe at napaayos ako ng upo ng marinig ko ang tunog ng umaagos na tubig.

Hininto na ni slate ang sasakyan at tinignan ako saglit bago bumaba na ng sasakyan.

Umikot sya papunta sakin at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan nya akong makababa at saglit ulit kaming nagkatitigan bago nya ako bitawan at kunin ang hinanda nyang basket at picnic mat sa backseat.

Binuhat nya lang Yun gamit ang isang kamay at sinarado ang pinto bago ako tignan ulit at hawakan ang kamay ko.

Nakasunod lang ako sakanya habang magkahawak ang kamay namin. Mukhang baba pa kami sa mapunong daan bago makapunta sa naririnig Kong umaagos na tubig.

Nauunang bumaba si slate bago ako alalayan na makababa. Nakailang lakad kami bago ko nakita na ang napakagandang batis.

Mas maganda sa over looking na Kung saan ako dinala ni Magnus.

"Babe." Tawag ni slate sakin Kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pagtingin ko sakanya, nakababa na pala sya at hinihintay na makababa ako.

Tinignan ko ang bababaan ko at mukhang madulas Yun.

"Lumapit ka ng unti. Bubuhatin Kita." Sabi ni slate Kaya agad akong lumapit ng unti sakanya habang nakaalalay parin sya.

Dahan dahan nyang binitawan ang kamay ko bago nilagay ang isang braso sa ilalim ng pang upo ko at maingat akong binuhat. Pinalibot ko agad ang mga braso ko sa leeg nya para Hindi ako mahulog.

Akala ko ay ibaba na nya ako ng maglakad pa sya pababa habang buhat ako.

"Hold on tight." Sabi ni slate habang dahan dahan na bumababa at habang buhat ang basket sa isang kamay at ako naman sa isa nyang braso.

Feeling ko ay Isa akong maliit na Bata dahil sa buhat nya.

Nang makababa na ng tuluyan si slate dahan dahan nya akong binaba at mangha Kong tinignan ang magandang batis sa malapitan.

Sobrang ganda. Asul ang tubig ng batis at may maliit pa na falls sa gilid Kung saan nag mumula ang tubig.

Mas maganda Sana to Kung ayos kami ni slate.

Tinignan ko si slate at tinignan nya lang ako saglit bago tumalikod na. Kaasar! Nag seselos parin sya?

Pinanuod ko syang ayusin ang picnic mat sa gilid at nilabas ang mga pagkain sa basket.

Nang tumayo sya, naglakad ako papunta sa kanya at niyakap sya mula sa likod. 

"Slate, I'm sorry." Mahina kong Sabi sakanya pero siguradong maririnig nya.

Hinintay kong mag salita sya pero Wala akong narinig Mula sa kanya at umaagos na tubig lang ang narinig.

Naiiyak na umalis ako sa pagkakayakap sakanya at tumalikod. Tinaas ko ang laylayan ng dress ko at hinubad. Tinapon ko lang Yun sa lapag at dahan dahan ng naglakad papunta sa batis.

My Possessive Hot Bodyguard [COMPLETE]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن