Chapter 4

81K 1.6K 450
                                    


Chapter 4
***

Kunyari ay nag pupunas pa ng mga mata na pumasok ako ng dinning room at naabutan ko si daddy na nakaupo at kakapasok lang ni slate galing sa kusina.

Nginitian ko sya bago hinalikan si daddy sa pisngi.

"Oh! My daughter? How's your sleep? You must be tired." Nakangiting Sabi ni daddy sakin habang umuupo ako sa gilid nya.

"Okay lang daddy. Masarap po ang tulog ko." Nakangiti Kong Sabi Kay daddy at pasimpleng mahinang hinatak ang pants ni slate habang nilalapag na nya ang niluto nya sa lamesa.

Pasimpleng tinatanggal ni slate ang pagkakahawak ko sa pants nya habang kinakausap nya si daddy at inaayos ang lamesa.

Napanguso ako ng mahinang paluin ni slate ang kamay ko Kaya tinanggal ko na ang pagkakahawak sakanya pero natigilan ng abutin nya ang kamay ko at pinag salikop ang mga kamay namin.

Nakatulala lang ako habang namumula ang pisngi at naririnig ko ang malakas na pag tibok ng puso ko.

Mabilis ding bumitaw si slate dahil umupo na sya sa tapat ko. Nang makaupo sya, nag aalala nya akong tinignan dahil tulala parin ako.

Namumula ang pisnging nag iwas lang ako ng tingin sakanya at sasandok na Sana ng pagkain ng sya na ang mag sandok sakin Kaya mas Lalong namula ang pisngi ko.

Nang matapos kaming kumain, tumayo na si daddy at nag paalam. "Maiwan ko na Kayo dito. Napagod ako sa munisipyo Kaya mauuna na akong mag pahinga." Paalam ni daddy at hinalikan ang nuo ko at tinanguan naman si slate.

Nang makaalis na si daddy, tumayo na din ako para mag ligpit pero inunahan na ako ni slate.

"Slate, ako na mag liligpit at mag huhugas." Sabi ko sakanya pero tuloy lang sya sa pag ligpit.

"Slate." Nakasimangot ko ng tawag sakanya at nilapitan sya ng Hindi nya ulit ako pansinin.

Hinawakan ko ang pisngi nya at hinarap sya sakin at hinuli ang labi nya. Naramdaman Kong natigilan sya habang ginagalaw ko ang labi ko sakanya.

Maya Maya lang at ginantihan na nya ang halik ko Kaya mabilis akong bumitaw at kinuha na ang mga hawak nya.

So, may epekto ang halik ko sakanya? Gaya ng sa mga TV at libro? Napangiti nalang ako at napakagat labi.

Nang makapasok ako sa kitchen, dumiretso agad ako sa lababo para mag hugas.

Ito lang ata ang Alam Kong gawaing bahay.

Habang nag hahanda na sa paghuhugas, napasinghap ako ng iharap ako ni slate sakanya at hinuli ang labi ko.

Natigilan ako sa madiin na paggalaw ng labi nya sa labi ko at kalaunan ay napakapit nalang ako sakanya at tinugunan ang halik nya at pilit na sinasabayan ang ritmo ng labi nya.

Mahina akong napaungol ng buhatin nya ako habang nag hahalikan parin kami at nag lakad sya papunta sa lamesa at inupo ako dun.

Hinabol ko ang labi nya ng humiwalay sya sa halikan namin pero agad ding natigilan ng nakangisi syang nakatingin sakin.

"Don't use that trick to me again, babe." Aniya at binigyan ng halik ang Labi ko bago naglakad na papunta sa lababo.

Namumula ang pisnging masama Kong tinignan ang likod nya habang nag lilipadan ang mga paru-paro sa loob ng tyan ko.

Boyfriend ko na talaga si slate! Masaya Kong sigaw sa utak ko.

Bumaba na ako sa pagkakaupo ko sa lamesa at masamang tinignan si slate ng lingunin nya ako at nginitian nya lang ako.

My Possessive Hot Bodyguard [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon