Chapter 9

56.1K 1.2K 218
                                    

Chapter 9
***

Alam Kong Hindi ginagawa ni slate yun para mag ingat dahil nag aaral pa ako at parehas pa kaming Hindi pa handa Kung sakaling may mabuo man.

Bakit mo ba Kasi nagawa Yun? Tanong ng utak ko.

I-i just want to feel him. Sagot ko at napakagat labi.

Matapos umalis ni slate, umiyak ako ng saglit sa kwarto nya bago inayos ang sarili at bumalik sa sariling kwarto.

Hindi ko nga Alam Kung nakatulog ba ako. Nakaupo ako ngayon sa Kama at hinihintay na kumatok si slate sa kwarto ko para tawagin para mag agahan na.

Lumipas ang ilang minuto at agad akong napatingin sa pinto mg kwarto ko ng may dahan dahan na kumatok dun.

"Tamara, hinihintay ka na ni mayor." Sabi ni slate sa labas ng kwarto ko.

Napalunok ako at napahawak sa puso ko ng tumibok ng mabilis ng marinig ko ang boses ni slate.

"P-pumasok ka." Malakas Kong Sabi para marinig ni slate. Hindi sya nag salita Kaya nag hintay ako ng ilang segundo na pumasok sya at nadismaya ng lumipas ang ilang minuto na Hindi sya pumapasok.

G-galit parin sya? Tanong ko sa sarili at dahan dahan ng tumayo. Laglag ang balikat na nag lakad ako papunta sa pinto at dahan dahan na binuksan.

Naabutan ko si slate na nakatayo sa harap ng kwarto ko. Agad na nag salubong ang tingin namin at ilang segundong nag titigan bago parehas na napaiwas.

Galit pa sya Kaya mabuting Hindi muna kami mag usap.

Naglakad na kami pababa ng hagdan at nasa likod ko lang sya habang tahimik.

Pumasok na kami ng dinning room at agad Kong binati si daddy at hinalikan sya sa pisngi.

Saglit akong napatingin Kay slate habang inaalalayan nya akong makaupo. Nakahawak ang Isa nyang kamay sa bewang ko at ang Isa naman ay sa kamay ko.

Si daddy lang ang maingay habang kami ni slate ay tahimik lang. Nagkakasalubong minsan ang tingin namin at Sabay ding napapaiwas.




"Nag away ba Kayo ni slate?" Tanong ni Julius sakin ng mapansin na agad din akong umiiwas ng tingin pag tinitignan si slate.

Napahinga ako ng malalim at tumango. May Kung anong emosyon ang sumayaw sa mga Mata ni juluis pero agad ding nawala at mala anghel akong nginitian.

"May pupuntahan ako mamaya a-at mag papasama Sana ako sayo." Nahihiya nyang Sabi at napakamot pa sa buhok nya.

Ang cute nya!

"Sige." Sagot ko sakanya.

Nang mag lunch na, sa canteen nalang namin naisipang kumain. Pinanuod ko si slate na nakapila at napahinga nalang ako ng malalim sa mga babaeng kinikilig na nakatingin sakanya.

Sobrang gwapo ba naman nya sa suot nyang suit.

Maya Maya lang ay si slate na ang nasa unahan at umorder. Agad akong napaiwas ng tingin ng sumikdo ang puso ko ng tignan nya ako Kaya agad akong napaiwas ng tingin.

Hindi pa kami ayos Kaya bawal munang kiligin.

Nag angat ulit ako ng tingin sakanya ng nakatayo na sya sa gilid ko.

"Chicken Curry sayo." Aniya at nilapag sa harap ko ang Plato na may chicken curry at kanin.

Tinignan ko ang hawak nya at natakam ako ng menudo Yun. My favorite.

"Akin nalang ang menudo, please." Sabi ko sakanya at halos masampal ko ang sarili dahil mukhang nag papa-cute ako.

Nag salubong ang kilay ni slate at inamoy ang ulam. "Sigurado ka?" Nag aalalang tanong ni slate sakin.

My Possessive Hot Bodyguard [COMPLETE]Where stories live. Discover now