Chapter 18

49.4K 1.2K 501
                                    


Chapter 18
***

Kumuyom ang kamao ko habang Pinapanuod na pinapasok ang mga Wala pang muwang at umiiyak na mga Bata sa loob ng lumang bodega.

Dumilim ang mukha ko at hinanda na ang sniper ko ng Isa Isa na nilang pinapasok ang mga bata na dinakip nila para gamitin sa mga masasamang bagay sa isang kwarto sa loob ng lumang bodega na sigurado akong madami pang ibang Bata.

Nagtaas baba ang dibdib ko sa galit at handa ng magpaputok ng sinasaktan nila ang mga Batang pumapalag at sapilitang pinapasok.

Nang mapasok na ang lahat ng Bata at sigurado akong ligtas na sila, huminga ako ng malalim bago umasinta na.

Sampu lahat ang demonyo sa loob ng bodega. Walo ay nagkakatuwaan, nag susugal at nag iinuman. Ang Isa ay bantay sa pinto ng kwarto na pinaglagyan ng mga Bata at Isa naman ay bantay sa labas ng bodega.

Inasinta ko na ang kalbong pinaka malakas na tumawa at pinasabog ang ulo nya. Napangisi ako ng agad silang tumayo at kinuha ang mga armas nila.

Nakangisi ko silang pinaulanan ng Bala. Isa Isa Kong pinasabog ang mga ulo nila.

Nang maubos ko lahat ang walong nag iinuman, inasinta ko naman ang ulo ng bantay sa labas ng kwarto ng mga Bata na Hindi Alam ang gagawin.

Kakalabitin ko na Sana ang gatilyo ng may marinig akong mga yabag. Mabilis akong tumalon Mula sa puno na pinagtataguan ko habang hawak ang sniper ko.

Nang makababa ako, nag tago ako sa likod ng puno at napahawak ako sa balikat ko na kumirot dahil natamaan pala.

"Gusto Kong lagi Kang mag ingat sa misyon mo. Kung hindi, Hindi Kita papakasalan."

Madiin akong napapikit at naalala ang sinabi nya. Lagi Kong naririnig ang banta nya pag nadadaplisan o di Kaya ay natatamaan ako, Gaya nalang ngayon.

Maliit akong napangiti habang kinukuha ang pistol ko dahil sa papalapit na yabag.

"I'm sorry, babe. Please, pakasalan mo parin ako." Mahina Kong bulong sa hangin at binaril ang armadong lalaki na papalapit sakin.

Nakahawak sa balikat na umalis ako sa likod ng puno at nilapitan ang armadong lalaki na nakahandusay na.

"Fuck you, magagalit tuloy ang misis ko." Sabi ko sakanya at tinanggal ang cap ko.

Hindi ka iniisip nun at baka nakalimutan ka na nun. Sabi ng demonyo Kong isip Kaya napahinga ako ng malalim at naramdaman ang pagkirot ng puso ko.

"Private first class, Frost." Napaangat ako ng tingin sa tumawag sakin at ang police corporal pala Yun.

"Sir." Tawag ko sakanya.

Tinanguan nya ako bago nag baba ng tingin sa lalaking nakahandusay. "Good job, officer Frost. Dumating na ang backup at sumuko ang nag iisang buhay nalang sa mga sindakato na to." Aniya bago nag angat ulit ng tingin sakin.

Nakita Kong napatingin sya sa balikat ko. "Kami ng bahala sa mga Bata, mag pagamot ka." Aniya at tumawag ng paramedic.

"Sir. Okay lang po ako." Magalang Kong tanggi dahil ilang araw akong Hindi makakapasok.

Inilingan nya lang ako at napahinga nalang ako ng malalim ng may dalawang paramedic ang dumating at inalalayan nila akong maglakad papunta sa ambulansya.

Pinahiga nila ako sa stretcher at pinasok na sa ambulansya. Dahil siguro sa epekto ng anesthesia, hinatak ako ng antok at bumalik ako sa masasayang ala-ala namin ni Tamara.

Nagising ako na nakahiga na sa hospital bed at puro gamot ang naaamoy. Nag angat ako ng tingin sa nurse na nasa gilid ko at chine-check ang dextrose ko.

My Possessive Hot Bodyguard [COMPLETE]Where stories live. Discover now