Ch. 2.1

4.2K 96 1
                                    

PINAGMASDAN ni Renz ang sariling repleksyon sa harap ng full body mirror at agad siyang napasimagot.  It was a knee-length, turtle-necked black dress.  Trust her older sister to pick something that looked so old fashioned.  Ito na ang pangawalawang beses, simula nang dumating siya, na ang nakakatandang kapatid ang pumili ng damit na isusuot niya.  Ang unang beses ay noong nagkaroon sila ng formal dinner kasama ang prinsipe.  At ngayon, dahil ngayong araw na magaganap yung diplomatic event between the Philippines and the small island nation of Elestia. 

At ano nga ba ang kinalaman niya sa lahat ng ito?  Well, as much as she doesn't want to have anything to do with all these, wala naman siyang ibang pagpipilian dahil na rin sa kung sino ang tatay niya.  Ang ama lang naman ang presidente ng Republika ng Pilipinas.  Si Felipe Zarragossa.  Mula sa pagiging isang kilalang senador patungo sa pagiging presidente ng bansa, malayo na talaga ang narating nito.  Ito ang unang term ng ama bilang presidente kaya naman importante talaga na maging matagumpay ang diplomatic event na ito.  Lalo pa nga't ito ang matuturing na first major event simula ng administrasyon ng ama.

Kaya nga hindi magkandaugaga ang nakatatanda niyang kapatid na si Cate sa pag-aasikaso ng mga bagay-bagay na may kinalaman sa Elestia at sa prinsipe nito.  Bukod kasi sa pagiging bahagi ng Department of Foreign Affairs, her sister lived just to please their father.  Simula nang mamatay ang kanilang ina ay naging gano'n na ito.  Making her overly uptight and overly upright.

Simula nang makatapos si Cate ng abogasya, naging aktibo na ito sa pulitika.  Balak pa yata nitong sundan ang yapak ng ama nila.  Hindi niya talaga maintindihan kung paano nakakatagal ang mga ito sa mundi ng puitika.  She hated politics, it's a dirty and traitorous world.  Hindi mo alam kung sino ang pwede mong pagkatiwalaan.  At 'yon ang hindi niya gusto.  She doesn't like second-guessing everything, she likes things to be straight-forward.  Dahil gano'n rin siya, kapag hindi niya gusto ang isang bagay sasabihin niya agad na hindi niya 'yon gusto.  She values honesty and she absolutely hates pretenses.

Muli na naman siyang nainis nang bigla niyang maalala ang pagbabawal ni Cate sa kanya na magsuot ng mahigit sa isang pares ng hikaw.  Kung pwede nga lang siguro na pagsuotin siya nito ng itim na wig ay ginawa na nito.  Tinapos na lang niya ang pag-me-make up.  Kung patuloy kasi siyang maiinis ay mag-iinit lamang ang ulo niya.

Palabas na sana siya ng silid nang may biglang kumatok sa pinto.  Bumukas 'yon at pumasok ang nakababatang kapatid, si Carlasia or Care, the name she usually went by with.  Nakasuot ito ng knee-lenght pink cocktail dress with flowing skirt, nakalugay din ang mahaba nitong buhok.  She looked totally normal, well, normal according to other people's standard anyway. 

"So Cate got to you too, huh?" aniya na ang tinutukoy ay ang nakakatandang kapatid.

Simula kasi nang magkaroon si Care ng kalayaan na pumili ng sarili nitong damit, she tended to go a little bit to the extremes.  She started with colorful dresses with too many ribbons and too many ruffles on them hanggang sa nag-escalate na 'yon sa pagsusuot ng mga wig na iba't-iba ang kulay.  From normal black to neon green ay meron yata ito.  Sa inaraw-araw tuloy ay mukha itong laging a-attend ng costume party.  She even managed to earn a living from that.  Na labis niyang hindi maintindihan.  How can wearing a bunch of costumes be considered as a job?  Pero hindi niya ito pinapakialaman.  Kung doon masama ang kapatid niya, bakit naman niya ito pipigilan?

"It's fine to compromise from time to time," nakangiting sagot nito.  "Ready ka na ba, Ate Renz?  I think naghihintay na sa labas si Ate Cate."

"Yeah, yeah."  Dinampot niya ang pouch at sabay na silang lumabas ng kapatid.

Naghihintay sa may magarbong lobby ng Malacanang Palace si Cate.  She was wearing a nondescript blue dress, her hair tied in a tight bun.  Muntikan na siyang mapangiwi sa itsura nito.  She looked like an old maid, no, slash that, she looked like an old maid who also happens to be a school principal.  Nang makita sila nito ay agad sila nitong pinasadahan ng tingin.

"Do we have your approval, your ladyship?" nang-uuyam na tanong niya.

Kung nainis man ito sa sinabi niya ay hindi nito pinahalata 'yon.  "You'll do just fine."

"Nasa cruise ship na ba si Daddy?" tanong ni Care.  Sa isang cruise ship kasi gaganapin ang diplomatic event sa pagitan ng bansa at ng Elestia.

"Yes, kaya kailangan na rin nating bilisan.  Hindi maganda kung mahuhuli tayong mga anak niya.  Nakahanda na ang sasakyan sa labas."

"Please don't tell me we're riding a limo," wika niya, almost groaning.  She loves cars but she particularly doesn't like the limo.  Hindi niya kasi maisip kung anong silbi no'n.  It's clearly a waste of road space.

Bigla namang umabrisyete sa kanya si Care, nagbaba siya ng tingin dito and saw that she was smiling from ear to ear, clearly oblivious to her distress.  "Of course we're riding the limo."

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Where stories live. Discover now