Ch. 5.2

2.9K 77 2
                                    

NAPABUNTUNG-HININGA na lang si Lancer.  He knew sooner or later, hindi rin makakatiis si Renz at magtatanong ito ng mga bagay tungkol sa kanya.  Kaya naman sinabi na lang niya dito ang pinaka-basic na information tungkol sa kanya without revealing too much para ma-satisfy na ang curiousity nito.  Sinabi na niya dito ang tunay niyang pangalan at magiging sobra-sobra na kung may malalaman itong higit pa do'n.  Kaya nga laging kasama ng salitang 'agent' ang salitang 'secret'.  Dahil parte na ng trabaho nila ang ilihim ang tunay nilang identity sa ibang tao.  'Yon ang pinakaunang rule sa pagiging isang agent.

Ni hindi nga alam ng pamilya niya kung ano ba talagang trabaho niya.  Ang alam lang ng mga ito ay nagtatrabaho siya para sa gobyerno kagaya ng sinabi niya kay Renz.  Which was not entirely false, dahil nasa ilalim naman talaga ng British government ang MI6.  Para na rin kasi sa kaligtasan ng mga magulang niya at nakababatang kapatid kaya mas pinili niya na hindi sabihin sa mga ito ang totoo.  Their agency has been dealing with a lot of dangerous people, isang magandang halimbawa na do'n si Hawkeye, that's why most of them do everything they can to separate their family from their work. 

Hindi naman talaga niya plinano na maging isang MI6 agent, kumuha siya ng criminology dahil gusto niyang maging parte ng Scottland Yard.  But during one of his courses noong kolehiyo siya, he did a research on Britain's Secret Intelligence Service.  Simula noon ay naging fascinated na siya sa trabahong ginagawa ng mga agent sa ilalim ng MI6.  Going undrecover, doing covert operations, helping the country behind the shadows.  Bago pa niya namalayan, nagdesisyon na siya na mag-apply sa training program nila.  And the rest, ika nga nila, was history.

Inayos niya ang iniihaw na baboy bago lumingon sa direksyon na pinuntahan ni Renz.  Medyo kanina pa rin ito hindi bumabalik.  Would it really take that long to do whatever it was she had to do?  Baka naman may kung ano nang masamang nangyari dito.  Sa isiping 'yon ay dagli siyang napatayo at naglakad patungo sa direksyong pinuntahan ng dalaga.

Nang hindi niya ito makita sa bungad ng kagubatan ay lalo lang nadoble ang pag-aalalang nadarama.  "Renz!" tawag niya dito.  "Renz, nasaan ka?"

"Here!"  Narinig niyang sagot ng tinig ni Renz.

Sinundan naman niya ang pinanggalingan no'n at agad niyang nakita ang hinahanap sa tabi ng isang puno ng mangga.  May hawak-hawak itong mahabang panungkit at sinusubukang sungkitin ang ilang bunga ng mangga.  Nakahinga siya ng maluwag nang makitang ayos lang ito pero agad ding napalitan 'yon ng matinding takot nang makita niya ang bagay na katabi ng pumpon ng mangga na sinusubukan nitong sungkitin.

It was a bloody freaking beehive!

"Renz, don't!"

Pero huli na dahil dumaplis na ang panungkit na hawak nito sa bahay ng bubuyog.

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Where stories live. Discover now