Ch. 12.2

6.1K 168 19
                                    

RENZ SHIFTED gears and swerved her F1 car to a sharp turn.  Mariin niyang tinapakan ang silinyador at pinaharurot ang sasakyan patungo sa end line ng race track.  Napasigaw siya sa tuwa nang malampasan niya ang driver na galing sa ibang team.  Dalawang team kasi sila ngayong nagpa-practice sa race track na kinaroroonan.    Idineretso niya ang sasakyan sa maintenance group ng team nila.  Pagkaparada niya ng sasakyan ay bumaba na siya.

"That's a good one, Renz.  You beat the shit out of him," wika ng lead mechanic nila.

Tinanggal niya ang suot na helmet at gloves at ibinigay 'yon dito.  "You know me, I hate to lose," nakangiti niyang wika.

"Renz, there's someone looking for you at the back," tawag sa kanya ng isa sa mga maintenance guy.

Nagtaka naman siya sa sinabi nito.  Sino namang maghahanap sa kanya dito.  Pero tinanguan lang niya ito at naglakad patungo sa bandang likurang bahagi ng maintenance area.  At napatda siya sa paglalakad nang makita ang taong naghihintay sa kanya.

"Hello, Renz."

It was Lancer, looking as fresh as ever.  Nakasuot ito ng polo-shirt at black jeans.  His hair was now back to its former sandy blond color.  And his steel gray eyes were now boring into hers.  Nakuyom niya ang kamao.  How dare he show up here?  Anong inaasahan nito, that everything would be alright with him just saying hello?  Labis na pagkainis ang agad niyang naramdaman.

"You don't get to 'hello, Renz' me," aniya na dagli itong tinalikuran.

"Wait Renz- don't just walk away," pigil nito sa kanya.

"Watch me."  Bago pa siya makapaglakad palayo ay mabilis itong nakaharang sa daraanan niya.  "Get out of my way."

"No," mariin nitong wika.  "I knew you would react this way.  But please, listen to me first.  I have a perfectly reasonable explanation why I left just like that.  So hear me out.  Please."

Mataman niya itong tinitigan.  Makikita ang kaseryosohan sa kulay abo nitong mga mata.  Okay, she should probably  give him the benefit of the doubt.  But hell, that doesn't mean she needed to make it easy.  "Why would I even listen to you?  What makes you think that I even want an explanation?"

"The fact that you're angry right now means that you care."

Tiningnan niya ito ng masama.  She hates it when he's right.  "Screw you."

"Don't you think we need to clear things off first before we do the screwing?"

Napamaang siya dito.  Hindi siya makapaniwala that he just made that remark.  "Who are you and what did you do with Lancer the jerkface Brit?"

Hinawakan nito ang kamay niya.  "This is me missing you terribly."  Hindi na siya nakasagot dahil bigla na lang siya nitong kinabig at ikinulong sa mga bisig nito.  "God I missed you."

The moment she was inside his arms, she just melted.  All her anger just washed away.  Natagpuan na lamang niya ang sarili na ibinabalik ang yakap nito.  "Then why didn't you come sooner?  Why didn't you even say goodbye in the first place?"

"When we reached the hospital, I received a direct order from my superiors in MI6.  They were requesting my presence immediately.  Seemed like they think that I compromise my case since anim na araw din akong hindi nag-report sa kanila.  Pagdating ko do'n and even after I explained everything that has happened, they still think that I was compromise.  Apparently one of the people working at the British embassy was an MI6 agent at nakita niya na kasama kitang sumakay do'n sa chopper na hiniram ko.  And he reported it to our superiors."

"And you said they can be trusted."

"Yeah, I know.  I have to conjur a very believable story just to prove to them that I was not compromise in any way.  Which was very hard by the way.  They needed to monitor my phone and my e-mails, even my passport just to make sure na nagsasabi ako ng totoo.  That lasted for more than a week.  Then after that kinailangan kong pumunta sa Elestia to explain to one of the Royals in charge about the assassination threat to the crown prince.  Ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na makaalis sa trabaho at hanapin ka.  But even though I have a perfectly good reason for leaviing and not calling, I still feel the need to apologize.  I'm sorry, Renz."

"Damn right you should apologize."  Humiwalay siya dito.  "So, is anyone following you around now?"

"No, I completely gain back their trust."

"Bukod sa paghingi ng tawad, wala ka na bang ibang sasabihin?'

"Actually, I do.  Clarenza Zarragossa, I want you to know that I love you.  You're irritating as hell, you're literally mental, you're a pain in the ass, but I still fell in love with you all the same.  I probably have a very weird taste in women."

"Wow, how very romantic," sarkastikong wika niya na ipinulupot ang mga braso sa leeg nito.  Kahit pa nga ba parang gusto na niyang maglupasay sa kilig dahil sa mga narinig.  Hindi niya akalain na maririnig niya agad dito ang bagay na pinakahihintay niyang marinig.  Maybe, deep inside, she knew in some level he probably felt the same way.  "What else?"

"Well, I love your smile, I love your stuborness, I love the way you make me feel, I love how you can easily make me go crazy.  Crazy with you.  It's like reflex.  I just can't stop myself from falling for you.  Mahal na mahal kita, Renz."

Napangiti siya dahil sinambit nito ang huling kataga sa wikang Tagalog.  Even the thing he said about reflex made her smile.  Tumingkayad siya at mabilis na kinintalan ng halik ang labi nito.  "Mahal din kita, Lancer Townsend.  Even though you're an ass, a jerk, and the most infuriating guy I ever met.  I still love you anyway.  Looks like I also have weird taste in guys."

Isang malawak na ngiti ang pinakawalan nito.  "Then I think it's time for us to have a real kiss."  Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito bago tinawid ang pagitan nila.

Their lips touched and everything just burned.  He kissed her hard and deep.  Her lips parted and he just plunged his way in.  Their tongues dancing in a rhytmitic tune that only the two of them knew.  Itinaas niya ang kamay sa buhok nito, entwining her fingers in his blond tresses.  Habang ang kamay naman nito ay malayang naglalakbay sa likudan niya.  Kapwa nila habol ang hininga nang matapos ang halik na 'yon.

"That was something," manghang wika niya.

"Wait until you see me in bed," mapaglarong wika nito.

Tinampal niya ang braso nito.  "When did you became a pervert?"

"Since I met you, I guess.  Alam mo ba, that every night we spent on that island sleeping side by side, all I have in my mind was eating you all up."

"You cannibalistic bastard."

"You know what I mean."

Yes, she knew.  That's why she's blushing up to her ears right now.  "Paano nga pala ang trabaho mo?  Won't they have any problems about you, having a relationship with me?"

"As long as it won't affect my job, they won't be a problem.  So starting now, hindi ko na pwedeng sabihin sa 'yo ang kahit na ano pang mission na maibibigay sa 'kin.  Okay?"

Pinatirik niya ang mga mata.  "Fine."

"Eh ikaw, ayos lang ba sa 'yo na makikipagrelasyon ka sa isang MI6 agent?"

"Are you kidding?  Of course it's fine.  It's not everyday that I get to have a spy boyfriend.  But kidding aside, I know the cons of being in a relationship with you, Lancer.  At hindi ako basta-basta papasok sa ganitong klaseng relasyon kung alam kong hindi ko kaya.  But I can handle being with you, so it will be a hell of a job getting rid of me."

"I don't want to get rid of you."

"Good.  Because I like being with you." 

At muli na naman nitong sinakop ang mga labi niya.  "By the way, you're right."

"About what?" takang tanong niya.

"Seeing you drive was the sexiest thing I've ever seen."

Hindi naman niya napigilan ang pagkawala ng isang malakas na tawa.  "Wait until you see me in bed."

Sa pagkakataong 'yon ay pumailanlang naman ang malutong nitong tawa.  Muling naghinang ang kanilang mga labi.  Hindi pa niya nasasabi dito ang tungkol sa engkwentro niya sa assassin.  But that can wait.  Since they have a lifetime together ahead of them.    

- - - WAKAS - - -

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Onde histórias criam vida. Descubra agora