Ch. 8.2

2.9K 86 0
                                    

SA BANDANG huli ay wala ring nagawa si Lancer kundi sumunod sa gusto ni Renz.  Nagpaalam sila at muling nagpasalamat sa mag-asawang sina Mang Tonio at Aling Saling.  Both of them were looking at Renz incredulously.  Hindi naman masisisi ni Lancer ang mga ito.  Not after that stunt she pulled.  Sino ba kasing mag-aakala na dadambahan siya nito? 

Kagaya rin ito nung nangyari sa airport.  Kagaya rin ng ginawa nitong panghahamon do'n sa isang terorista nung nasa cruise ship sila.  Wala na talagang tatalo sa pagiging impulsive nito.  Basta-basta na lang ginagawa ang unang bagay na naisipan.  Hindi na naman tuloy niya mapigilang mainis dito.  Pero kasabay ng nararamdamang pagkainis ay nando'n din ang paghanga.  Because of how tenacious she was.  Hindi talaga ito susuko hangga't hindi nakukuha ang gusto.  Ito lang yata ang babaeng kilala niya na hindi magdadalawang-isip na dambahan ang isang tao mapasunod lang 'yon sa gusto nito.

She really is formidable.  Kung hindi siya mag-iingat, kayang-kaya siya nitong paikutan sa mga palad nito.  Aren't you already?, wika ng isang maliit na tinig sa utak niya.  Dagli niya 'yong pinalis sa isipan niya.  Dahil kapag patuloy pa niya 'yong inisip ay magdidire-diretso lamang 'yon sa pag-iisip niya ng iba pang mga bagay.  Mga damdamin na hindi pa siya handang harapin sa ngayon.

Ngayon ay nakasakay na sila sa chopper na kung hindi siya nagkakamali ay maghahatid sa kanila sa Malacanang Palace.  Isa na naman 'yong panibagong problema para sa kanya.  Kaya nga hindi niya napigilang mairita kanina nang malaman niya na anak pala ng presidente ng Pilipinas si Renz.  Kapag kasi sumama siya dito pabalik ng Maynila, makakaharap niya ang presidente.  Tiyak na iinterogahin siya nito sa mga naganap simula nung mahulog sila ni Renz do'n sa cruise ship.  Then malalaman nito na pekeng identity ang ginamit niya sa pagsakay sa barko kapag sinabi ni Renz na isa siya sa mga foreign delegates.  Hindi naman kasi Lancer Townsend ang ginamit niyang pangalan. 

Hanggang sa wala na siyang magawa kundi sabihin dito kung sino talaga siya at kung ano ang pakay niya sa pagsakay sa cruise ship.  Maliban na lang kung gusto niyang maaresto.  Hindi kasi malabong paghinalaan siya nitong kasapi nung mga teroristang sumugod sa cruise ship.  No matter how much Renz vouched for him, hindi pa rin mapipigilan ng ama nito na pagdudahan siya.  Trabaho nito 'yon bilang presidente at bilang ama.  Nakikini-kinita na niya na gano'n mismo ang mangyayari mamaya.

Mukhang sa pagkakataong ito ay kailangan niyang lumabag sa isa sa mga protocol ng MI6.  As much as possible kasi ay pinagbabawalan sila to come in contact with other country's government during their mission.  Paano kasi nila maitatago ang mga impormasyong makakalap nila kung idadamay nila ang gobyerno ng ibang bansa?     

Looks like he will just have to face the consequence of his actions.  Ito ang napapala niya sa pangingialam sa mga bagay na wala naman siyang kinalaman.  Pero kahit na ilang beses pa sigurong maulit ang mga pangyayari, hinding-hindi niya pagsisisihan ang ginawa niyang pagliligtas kay Renz.  And he would probably do it all over again if given the chance.  Why could he not?  When that's the reason why he got to know a very amazing - albeit annoying at times - woman.

Sinulyapan niya ang dalaga na nakaupo sa tabi niya.  Wari namang naramdaman nito ang pagtitig niya dahil bigla na lang itong lumingon.  She stuck her tongue out sabay irap sa kanya.  Muntikan naman siyang mapatawa.  Para talaga itong bata kung minsan.  Parang bulang biglang naglaho ang lahat ng pagkainis niya.  Ang tanging gusto na lang niyang gawin ngayon ay yakapin ito and tell her how annoyingly cute she was.  Pero hindi malayong masapok lang siya nito.  Kaya sinarili na lang niya ang opinyon at nagkasya na lamang sa pagpisil sa pisngi nito.

Agad naman nitong tinampal ang kamay niya.  "What was that for?" wika nito habang sapo-sapo ang pisngi.

"Revenge.  For jumping on me.  Kaya siguraduhin mo lang na hindi mo na 'yon uulitin."

"And what?"

Inilapit niya ang bibig sa teynga nito at bumulong, "I'll make sure you'll end up beneath me."

Kitang-kita naman niya ang pamumula ng magkabila nitong pisngi.  And he couldn't be any more pleased.   

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Where stories live. Discover now