Ch. 3.1

3.6K 98 0
                                    

SHIT. SHIT. Shit. Lancer was mentally cursing himself. Nababaliw na yata siya. Dahil kung nasa tama siyang pag-iisip, hindi sana siya sumisisid ngayon sa gitna ng rumaragasang karagatan habang pinipilit na abutin ang isang nalulunod na babae. Isang babae na hindi man lang niya kilala. Kasasabi pa lang niya sa sarili kanina na hindi niya ito pakikialaman, pero nang marinig niya ang unang putok ng baril ay ito agad ang una niyang hinanap. It was insane and definitely not like him.

But not as insane as she was. Napatunayan niya talaga kanina na wala ito sa matinong pag-iisip. Bigla ba naman kasi nitong hinamon ng away yung isa sa mga terorista. Of course she would end up shot and thrown into the ocean. Pero ang hindi niya maintindihan ay kung bakit labis na takot ang naramdaman niya when that bullet grazed her and her body slowly fell out of the ship. 'Yon ang kauna-unahang beses na nakaramdam siya ng gano'ng takot. Like his heart was suddenly ripped out of him. Kung hindi nga lang niya ito kailangang iligtas ay baka binaril na rin niya ang lalaking bumaril dito.
Kung tutuusin ay wala din siyang obligasyon na iligtas ito. Pero parang may sariling isip ang katawan niya, at bago pa niya malaman kung ano ang ginagawa, nakatalon na siya ng dagat. Iniisip na lang niya na dahil 'yon sa kanyang konsensiya. Hindi naman niya maaatim bilang isang tao na manood lang habang may namamatay sa harapan niya. Kung pwede lang niyang batukan ang sarili ay ginawa na niya. Sino nga bang niloko niya? He knew it was more than that.

Nahagip na ng kamay niya ang kamay ng babae. Hinigit niya ito palapit sa katawan niya. Maingat niyang ipinulupot ang isang braso sa beywang nito at dali-daling lumangoy paibabaw ng dagat. Nang nasa ibabaw na sila, he immediately inhaled much needed oxygen. Bumaling siya sa babae, inayos niya ang posisyon nito at isinandal sa katawan niya. He checked for her pulse at parang isang malaking tinik ang natanggal sa dibdib niya nang maramdaman ang malakas na pintig ng pulso nito.

Mabuti na lamang pala at naging mabilis ang pagkilos niya kanina. Kung nahuli lang siguro siya ng ilang minuto ay baka umabot na sa baga nito ang tubig-dagat. But she still looked worst for wear. At saka niya naalala na tinamaan nga pala ito ng bala ng baril. Dali-dali niyang tiningnan ang braso nito na tinamaan ng baril kanina. Patuloy pa rin 'yon sa pagdurugo but luckily mukhang dumaplis lang 'yong bala at hindi tumagos sa braso nito. Kinuha niya ang panyo na nasa bulsa ng coat niya at maingat na itinali 'yon sa braso ng dalaga.

Hinanap ng mga mata niya ang cruise ship, malayo na ito sa kinaroroonan nila. Kahit na magsimula pa siyang lumangoy ngayon ay hindi na niya 'yon maaabutan. Ang sunod na hinanap ng mga mata niya ay isang malapit na isla. Pero wala siyang makita kahit isa. "Bollocks."

Hindi niya malaman kung paano lulusutan ang ganitong sitwasyon. He was holding an unconcious girl, they were in the middle of a fucking ocean with no island in sight. Kung hindi sila magiging pakain sa mga pating ay tiyak naman na mamamatay silang dalawa sa pagkalunod. Sinulyapan niya ang walang malay na dalaga. "You really are one heck of a bad luck."

Ngayon lang yata nangyari ang ganito sa kanya. He kept on wracking his brain kung anong klaseng pag-i-improvise ang pwede niyang gawin para makaalis dito. Pero paano siya mag-i-improvise kung wala naman siyang kahit na anong gamit at ang tanging nakapaligid sa kanila ay walang katapusang karagatan. Pwedeng magsimula na siyang maglangoy ngayon hanggang sa makakita siya ng isla o kaya naman ay manatili siya sa kinaroroonan at humiling sa lahat ng diyos na may dumaan na bangka o barko sa kinalalagyan nila.

Pero mukhang hindi na niya kailangan pang mamili dahil sa di kalayuan ay isang speed boat ang mabilis na umaandar patungo sa direksyon nila. Naisip niya na baka galing ito sa cruise ship, siguro may isa sa mga bodyguard ng pangulo ang nakatakas at nagdesisyon na iligtas sila. Tama naman siya na sila ang pakay nito dahil agad itong huminto sa tapat nila. Pero agad na napalitan ng pagdududa ang pag-asang nadama niya nang tumunghay sa kanila ang taong sakay no'n.

It was a man wearing a harlequin mask.

"Want a lift?" alok nito na inalahad pa ang kamay sa kanya.

Kung normal na sitwasyon lang siguro ito at may isang lalaking nakamaskara ang magtatanong sa kanya ng gano'n, hindi niya siguro ito papansinin at agad na maglalakad patungo sa kabilang direksyon. Pero dahil napakalayo sa pagiging normal ng sitwasyon nila ngayon, wala siyang ibang pagpipilian kundi tanggapin ang inaalok nitong tulong. Isang malaking katangihan kung tatanggihan niya ito. It may take a lot of time before another speed boat like this came in their direction. At kapag nangyari 'yon ay baka pareho na silang patay nitong kasama niya. Isa pa, nagsisimula na ring mawalan ng pakiramdam ang mga paa at binti niya.

So against his better judgement, inabot niya ang kamay nito. Mas mabuti nang tanggapin ang tulong ng isang kahina-hinalang lalaki kesa mamatay sila dito ng dalaga. Pinagtulungan nilang ilagay sa speed boat ang babae, pagkatapos ay siya naman ang sumunod na umakyat. Inayos niya ang posisyon ng babae at maingat itong pinaupo sa kandungan niya, cradling her in his arms.

Kung sakali man na mali ang ginawa niya na pagsakay sa speed boat na ito, sisiguraduhin niya na mapoprotektahan niya ito. Responsibilidad na niya ito ngayon. Tutal naman ay iniligtas na niya ito, bakit hindi pa niya lubus-lubusin? So he would die first before he let something bad happen to her.

"Who are you?" tanong niya sa nakamaskarang tagapagligtas na sinimulan nang paandarin ang speed boat.

"Hindi ba dapat pasalamatan mo muna ako?" kahit hindi niya nakikita ang mukha nito, he could hear the mocking tone in his voice.

"Gagawin ko 'yon kung tatanggalin mo 'yang maskara mo," utos niya sa wikang Ingles.

"Nah, I think my mask should stay where it is. And besides, hindi mo na dapat itanong kung sino ako. You should already know who I am. After all, you've been following my every move for the last five months, Mr. MI6 agent."

Nang maunawaan niya ang ibig nitong sabihin ay kulang pa ang salitang pagkabigla sa naramdaman niya. "You're Hawkeye?"

Tumayo ito and made a mocked bow. "The one and only."

"Pero panong--"

"I was aboard that ship and I saw everything. Frankly, I was quite surprised with the terrorist attack. Who would have thought, huh? But I was more surprised with that little spitfire you have there. Hindi man lang siya natakot do'n sa mga armadong lalaki. She definitely has guts, I tell you," wika nito halata sa tinig ang paghanga.

Hindi niya maintindihan pero bigla siyang nakaramdam ng pagkainis. That's because she's daft and mental, nais niya sanang sabihin pero agad ding nagbago ang isip niya. Nasa harapan na niya ngayon si Hawkeye at kung pagbabasehan niya ang sinabi nito kania patungkol sa kanya, then kilala siya nito. Samantalang siya ay napaka-kaunti lang ng nalalaman dito.

"Anong pinaplano mo?" taong niya, wrapping a protective arm around the girl.

"Relax, wala akong balak na patayin kayo. Hindi ko kayo iniligtas para lang patayin."

"Then why did you come for us? You definitely have no reason to."

Umakto naman ito na waring nag-iisip. "Let's just say that I was moved by that girl's fighting spirit. And it would be such a waste if she would die like that."

He snorted. "Gusto mong paniwalaan ko 'yang sinabi mo? Baka nakakalimutan mo, you already killed a lot of people. Anong pakialam mo sa buhay ng isang babae?"

"True. But the lives of those people were worthless," parang wala lang na wika nito, as if hindi buhay ng mga tao ang pinag-uusapan nila. "Unlike that one. Her life is definitely a hundred times worth it than those people I killed."

Sa kada papuring binibigay nito sa babaeng kandong-kandong niya ay mas lalo lang tumitindi ang pagkainis na nadarama niya. "Then wala rin bang kwenta ang buhay ng prinsipe ng Elestia?" hindi na niya napigilang angil dito.

"Hmm... I haven't decided yet. Kaya habang hindi pa ko nakakapagdesisyon, I can't have you following the prince around. So you need to disappear for awhile until I'm done with him."

Bago pa siya makapag-react sa binabalak nitong gawin ay may naitusok na itong kung ano sa leeg niya. "What the--"

Unti-unti ay naramdaman niya ang pagmamanhid ng buo niyang katawan. Darkness was slowly engulfing him. Pero habang unti-unti siyang nawawalan ng malay, isang bagay lang ang nasa isipan niya. Paano kung pag-gising niya ay wala na at kinuha na ni Hawkeye ang babaeng nakakulong sa mga bisig niya? How could he protect her then?

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Kde žijí příběhy. Začni objevovat