Ch. 10.3

3K 86 6
                                    

MADILIM na ang gabi nang makarating sila sa Puerto Princesa.  Ayon kay Lancer, mas makakabuti daw kung do'n sila mag-la-land sa halip na sa mismong isla ng Alaguas.  Hindi naman daw kasi nila alam kung saang parte ng isla nagkukuta ang mga terorista.  Baka mamaya ay do'n sila mag-land malapit sa pinagtataguan ng mga ito.  It won't help anyone kung pagdating na pagdating nila do'n ay mahuhuli sila kaagad.

Kaya ngayon ay sakay-sakay sila ng speed boat na magdadala sa kanila sa isla ng Alaguas.  Natagalan pa bago sila nakakuha ng masasakyan dahil gabi na nga at halos wala nang nagpapa-renta ng bangka.  Mabuti na lamang at may isang mabait na manong ang naawa sa kanila at tinulungan sila nitong makahanap ng marerentahan na bangka.

"Malapit na tayo," anunsiyo ni Lancer.  Tinuro nito ang isang isla na ilang kilometro pa ang layo sa kanila.

Sa isipin na ilang sandali na lang ay makaharap na nila yung mga terorista o di naman kaya ay yung assassin ay bigla siyang nakaramdam ng kaba.  Pero agad din niyang kinalma ang sarili.  Hindi makakatulong kung ngayon pa siya makakaramdam ng kaba.  Kailangang mailigtas nila si Care.  Tiyak naman kasi niya na hindi pababayaan ng mga knight si Cate.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumaong na ang bangka nila sa dalampasigan ng isla.  Tinulungan siya ni Lancer na makababa.  Naglalakad na sila sa may kagubatan nang bigla na lang huminto ang binata.  Matagal itong nakatitig sa iPhone nito.

"Anong problema?" tanong niya.

"Nawala ang signal ng telepono ng kapatid mo."

"Anong ibig mong sabihin?" nag-aalalang tanong niya.

"Relax.  Posibleng namatay lang ang phone niya kaya nawala ang signal.  We can follow the last place where we found the signal and then from there, we could just trace their step."  Hinawakan nito ang kamay niya.  "Come on."

Sa pagdampi ng palad nito sa palad niya ay dagling naglaho ang pag-aalalang nadarama niya.  Tumango siya at sumunod dito sa paglalakad.  Maya-maya pa ay nakarating sila sa isang parte ng kagubatan kung saan huling lumitaw yung signal.  Naglakad-lakad sa paligid si Lancer, inspecting everything.

"There's evidence here that they put up a lot of tents.  I think this was where the knights stayed.  At tingin ko, kaaalis lang nila."  Tumingin ito sa kanya.  "And apparently, they did everything to cover their tracts."

"Paano na natin sila masusundan?"

"Don't worry, I'm a good tracker.  As long as there's a small trace, we can track them."

Nagsimula na itong maglakad at sumunod naman siya dito.  Nagpatuloy lang sila sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa tuktok ng isang burol.  Huminto sa paglalakad si Lancer.  Sinundan niya ang tingin nito at muntikan na siyang mapasinghap sa nakita.  Sa baba nila ay nando'n ang isang maliit na kubo, napapaligiran 'yon ng ilang armadong lalaki.  Kahit na ang apoy lamang mula sa isang malapit na siga ang nagsisilbing liwanag sa paligid, nakikita niya na mukhang mga arabo ang mga lalaki.  Looked like the found the terrorists' hideout.

Bumaling sa kanya si Lancer.  "I'll go there and checked your sister at kung nando'n din ang prinsipe.  Kung kaya ko, I will save them both.  But you must stay here.  This is as far as I can compromize with you, Renz.  Kapag pinagpilitan mong sumama sa 'kin, hindi ako magdadalawang-isip na itali ka sa puno.  Nagkakaintindihan ba tayo?" seryosong wika nito.

"I understand.  I may be hardheaded, and as you say mental, but I know I'm not bullet proof.  I already learned that lesson six days ago.  Maghihintay ako dito.  So please, come back safe with my sister."

"I will."  May kinuha itong mga gamit mula sa dala-dala nitong bag at binigay sa kanya.  "This is a stun gun and a flash bomb.  Kapag may teroristang bigla na lang pumunta dito, use these and run as fast as you could."  Kinuha niya ang mga gamit at tumango.

Then to her utter surprise, bigla na lang nitong kinabig ang beywang niya.  "For luck."  At bago pa siya makapag-react ay sinakop na nito ang mga labi niya.  The kiss only lasted for a fleeting second and yet it felt more like eternity for her.  She wanted more.  More of him.  Pero bago pa siya makatugon sa halik nito ay agad na nitong inilayo ang mukha sa kanya. 

"W-why?" tanging nasambit niya.

"Let's just blame it on reflex," wika nito na kinintalan ng maliit na halik ang labi.

Nakagat na lang niya ang pang-ibabang labi.  "You better come back to me or I'll definitely kill you."

Isang malawak na ngiti naman ang ibinigay nito sa kanya.  "Who said I wouldn't?"  At tumakbo na ito pababa sa kubo.

Nasundan na lamang niya ito ng tingin.  And all she could do was to pray that everything would be alright.

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Where stories live. Discover now