Ch. 11.1

2.9K 78 0
                                    

MAINGAT na tumakbo patungo sa kubo si Lancer.  He changed earlier in the hotel into something all black dahil alam niya na malaki ang posibilidad na may ganitong mangyari.  Mahigpit niyang hinawakan ang jungle knife.  It was his preferred weapon, lalo na sa mga sitwasyong ganito.  It kills instantly as long as he sever the right artery, no noise, no commotion.  At 'yon ang kailangan niya ngayon. 

Agad siyang nagtago sa isang puno nang makita ang isang terorista na naglalakad patungo sa direksyon niya.  Nang muling bumalik sa pinanggalingan nito ang terorista ay dagli siyang tumakbo patungo sa kasunod na puno.  Ilang hakbang na lang at makakarating na siya sa likudan ng kubo.  Kailangang matapos na niya ito kaagad.  To make sure that Renz' sister and the prince were safe.  And then he'll come back to her.  To Renz.  At sasabihin na niya dito ang lahat ng nilalaman ng puso niya.

He could still feel the softness of her lips on his.  Hindi na siya makapaghintay na muling halikan ang mga labing 'yon.  Bakit pa nga ba siya naghintay ng ganito katagal before doing what he did?  Hanga na talaga siya sa kontrol sa sarili.  He could win an award for his amazing self-control.  But this is his limit.  Pagkatapos ng lahat ng ito, hindi na niya pipigilan pa ang sarili na mahulog nang tuluyan kay Renz.  Pero mukhang wala namang kwenta 'yon, because the moment she first smiled at him, he was already caught in that never-ending web of love.  And Renz was the one who trapped him there.

Kaya hindi niya talaga alam ang gagawin kung may mangyayaring masama dito.  Dapat talaga ay umalis na siya kanina sa Malacanang bago pa man ito nagising.  Hindi sana ito magpupumilit na sumama sa kanya.  Pero hindi naman siya pwedeng umalis nang hindi man lang nagpapaalam dito.  Ang plano niyang pagpapaalam dito ay nauwi na sa pagsasabi niya dito ng mga impormasyon na nalaman niya.  At gaya ng inaasahan, hindi na naman siya nakatanggi nang ipagpilitan nito na sasama ito sa kanya.  Kaya ngayon ay labis na pag-aalala ang nadarama niya para dito.  Ang tanging magagawa lang niya ay tapusin na ang dapat niyang gawin para matapos na rin ang pag-aalala niya.

Sumilip siya sa pinagtataguang puno.  Dalawa ang bantay sa likudan ng kubo.  He evened out his breath and moved like a deadly panther.  Una niyang nilapitan ang nakatalikod na terorista na malapit sa kanya.  Tinakluban niya ang bibig nito at walang kahirap-hirap na pinadaas ang jungle knife na hawak sa leeg nito.  Maingat niya itong ibinaba sa lupa para hindi mapansin ng isa pang nagbabantay ang pagbagsak nito.  Dahan-dahan siyang lumapit sa isa pang terorista.  Akma na niyang iniumang dito ang kutsilyo nang bigla na lang itong humarap.  It took him a second bago niya nagawang pigilin ang sarili. 

Pinakatitigan niya ang lalaki.  Halatang nagulat din ito sa bigla niyang pagsulpot.  Nang itutok nito sa kanya ang baril na hawak nito ay kusang kumilos ang katawan niya at isang malakas na suntok ang ibinigay niya dito.  Bumuway ito pero hindi pa sapat para mawalan ito ng malay.  Kaya naman isa pa uling malakas na suntok ang pinakawalan niya, and this time tuluyan na itong bumagsak at nawalan ng malay.

Sinipa niya palayo ang baril na hawak nito at maingat itong isinandal sa kubo.  "What the bloody hell are you doing here, Prince Ross?" mahina niyang wika habang nakatitig sa lalaki na sigurado siyang prinsipe ng Elestia.

And that's when he heard the gunshot. 

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Where stories live. Discover now