Ch. 9.2

2.9K 72 1
                                    

MAKALIPAS ang isa at kalahating oras, natagpuan ni Renz ang sarili na nasa loob ng pribadong opisina ng ama.  Katatapos lang ng meeting nito with his cabinet members.  Mukhang kino-contain pa rin ng mga ito ang sitwasyon reagarding the terrorist attack.  Parang mas lalo pang dumami ang gatla ng mukha nito since the last time she saw him.  He looked so tired na para bang hindi pa ito nakakapaghinga sa nakalipas na limang araw.
"I told you to rest," wika nito sa kanya.
Naupo siya sa upuan na nasa tapat ng mesa nito.  "I can't, Dad.  Kailangan kong malaman kung anong nangyari kay Care.  And where is Cate anyway?"
Biglang lumungkot ang ekspresyon ng ama at sinimulan nitong ikwento sa kanya ang mga nangyari after she was thrown out of the ocean.  Ang pagsasakrapisyo ni Care para ito ang kuning bihag ng mga terorista sa halip na ang ama.  Kinuha ito at ang isa sa mga knight ng prinsipe.  Hindi niya lubos-maisip kung nasa anong kalagayan ngayon ang bunsong kapatid.  She was afraid for her.  Nakuyom niya ang kamao, fighting all the anger and the fear.  Oh God, please let her be safe.
Nakaalerto ang buong sandatahang lakas ng bansa and everyone was doing their best para mahanap ang kuta ng mga terorista at maligitas ang kapatid niya.  Pero hanggang ngayon ay wala pa ring nakukuhang matinong lead ang mga ito.  Isa lang ang maituturing niyang magandang balita sa lahat ng ito.  Hindi nakuha ng mga terorista ang prinsipe.  Pero may isang bagay pa ring bumabagabag sa kanya.
"Dad, where is Cate?"

Lalo namang lumambong ang ekspresyon ng mukha ng ama dahil sa sinabi niya.  "I asked her to remain with the prince in one of our safe houses in Baguio.  But yesterday I received a call mula sa head ng security na nagbabantay sa kanila.  They were gone.  Pagkagising nila, wala na si Cate at ang prinsipe, pati na rin ang mga knights nito."

Lalo namang tumindi ang nararamdaman niyang takot.  Ngayon pati si Cate ay nawawala na rin.  "Did the terrorists find them?"

Umiling ang ama.  "They found no trace of struggle.  Bukod pa do'n, the gurads were obviously drugged to sleep.  Ibig-sabihin ay kusang umalis do'n ang prinsipe kasama ang mga knights nito.  And Cate probably went with them.  You know your sister, hindi 'yon papayag na mawala sa paningin niya ang prinsipe."

Yes, malamang ay 'yon nga ang ginawa ng nakakatanda niyang kapatid.  Kapag binigyan ito ng task ng tatay nila, Cate would not stop until it was done.  "But why would they leave the safehouse?"

"I guess their trying to solve this problem on their own."  He pinched the bridge of his nose bago muling isinuot ang may gradong salamin.  "Now that you know, please go to your room and rest.  Nagpatawag na ako ng doktor na titingin sa sugat mo."

She knew she was being dismissed.  Dapat ay pabayaan na muna niya ang ama and let him have some peace.  Pero hindi naman siya pwedeng magpahinga habang nagaganap ang lahat ng ito.  "I'm fine, Dad."

"You've been shot Clarenza and you haven't even seen a doctor yet.  So please, sundin mo na lang ako."

Her father's voice was so strained.  Magkahalong awa at lungkot ang bigla niyang naramdaman.  Tumayo siya at hindi na lamang nakipagtalo dito.  "Okay, Dad."

Paglabas niya ng opisina nito ay didiretso na sana siya sa silid ni Lancer para sabihin dito ang mga nalaman nang bigla na lang humarang sa daraanan niya ang isang may katabaang babae na naksuot ng salamin.  "There you are, Miss Zarragossa.  Kanina pa kita hinahanap.  I'm the doctor who would be examining you.  Come on."

Hinawakan nito ang kanyang braso at wala na siyang nagawa nang igiya siya nito papunta sa silid niya. 

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Where stories live. Discover now