One

15 0 0
                                    

Kasalukuyang nasa isang art museum si Joyce kasama ang kanyang tinuturing na bestfriend na si Kaizan. Ginaganap kasi doon ang isang painting exhibit ng isang sikat at kilalang pintor na nominado din bilang National Artist ni si Baltazar Avelino.

Naka-display doon ang mga obra ng pintor. Nakaka-mangha at napaka-interesting ng mga larawang nakaguhit. Animo'y parang mga totoo iyon na naka-kwadro. Pero ang mas pinaka-nagustuhan at umagaw sa atensiyon ni Joyce sa lahat ng iyon ay ang painting na may guhit ng isang lalaking nakatalikod na nag-iisa at may pamagat na " ALONE ". Naagaw niyon ang kanyang paningin. Curious siya sa nilalaman ng painting. Parang may istorya at interesado siyang malaman iyon. Sadyang napakaganda niyon. Buhay na buhay. Napahinto siya doon at pinakatitigan. Pinag-tuunan niya ng pansin.

" Alam mo ba, Kaiz sa lahat ng painting na kasama sa naka-exhibit dito ito ang pinaka-gusto ko." ani Joyce kay Kaizan na nasa likod nito.

Wala ang atensyon ng kaibigan sa mga painting kundi nandoon sa ibang art enthusiast na mga babae na naroon. May nakita kasi itong nakursunadahan niya kaya hindi niya iyon nilubayan ng tingin. Yun ang pinag-tuunan niya ng pansin. Ang totoo ay walang balak na sumama ni Kaizan sa kanyang bestfriend. Wala siyang kahilig-hilig sa art. Pero sa pagpupumilit nito sa kanya ay napa-oo na lang siya. Ayaw niya itong biguin. Ayaw niya ring magtampo ito sa kanya.

Ito ang kanyang childhood bestfriend. Ganun din ang turing nito sa kanya. Kaya wala na siyang nagawa kundi pumayag. Magkaiba sila ng hilig. Si Joyce ang mahilig talaga sa mga art. Kahit anong klaseng art basta art lahat ay interesado ito. Samantalang siya naman ay sa mga sasakyan at gadgets. Pero sa ibang aspeto at bagay ay pareho naman sila. At magkasundong-magkasundo talaga sila.

Napalingon si Joyce ng hindi sumagot ang kaibigan. Kaya naman pala ay busy ito sa iba. Wala doon ang atensyon nito. Nagsasalita lang pala siya na mag-isa.

" Kaiz!" untag niya dito.

Nagulat pa ito. At napilitang bumaling sa kanya.

" May sinasabi ka?" tanong pa nito. Hindi yata nito narinig ang sinabi niya.

" Ang sabi ko itong painting ang pinaka-gusto ko sa lahat. " ulit ni Joyce

" Ah okay." sang-ayon nito.

" Ah lang talaga? Wala man lang comment?"

" Bakit ba?" nagtatakang tanong ni Kaizan.

" Tignan mo yung painting. " sabi ni Joyce.

Napilitan itong tignan ang painting na nasa harap nila. Nagtataka pero wala naman siyang napansin na kakaiba roon. Tumango-tumango pa siya na kunwari ay nagets nito ang ibig sabihin ng kaibigan.

" What do you think?" tanong uli ni Joyce.

" Nothing special." walang gana niyang sagot.

" What?" bulalas ni Joyce ng marinig ang sagot nito. Sumimangot siya.

" Eh, wala naman talaga eh. Oo, lalaki nakatalikod, mag-isa yun lang. In-short boring. "

Mas lalo pang nainis si Joyce. Naningkit na ang mga mata. Nakuha agad ni Kaizan ang ibig sabihin niyon. Wala na ito sa mood.

" Okay, okay. " suko niya. " To be honest wala akong makita na kakaiba sa painting. Sorry I dont have an eye for an art. " paliwanag niya. " Pero sige, bakit gusto mo yang painting." tanong pa niya. Kailangan lang talaga sakyan ang mga gusto nito.

" Dont you see it? It looks mysterious. " at pinakatitigan ulit ang painting. " Full of mystery. Parang totoo siya." dugtong pa niya.

" Paano magiging totoo yan eh painting lang yan?"

LOVE : The Nice Piece Of Art (Completed)Where stories live. Discover now