Ten

0 0 0
                                    

Agad na humingi ng tulong si Joyce sa security ng condominium at para hulihin na rin ang kaibigang nagtangka sa kanya. Ilang minuto din ang lumipas ay dumating si Ronelyn. Naabutan siya nitong nasa lobby. Nag-alala ito ng husto sa kanya kaya nagmadali itong puntahan siya. Dumating na din ang mga pulis para mag-imbestiga.

Balot pa rin ng takot ang dalaga. Umiiyak pa rin siya sa muntikan pa niyang pagkapahamak. Mabuti na lang at nandoon ang kaibigan niya para samahan at damayan siya. Ayaw na niyang ipaalam pa sa mga magulang niya ang nangyare sa kanya na kasalukuyang nagbabakasyon sa China at baka mag-alala pa ang mga ito. Kinuhanan na rin siya ng initial statement ng imbestigador. Ipinaalam niya dito ang buong nangyare.

Galit na galit siya kay Kaizan na tinuturing pa naman niyang bestfriend. Bakit nagawa nito iyon sa kanya? Hindi niya talaga lubos maisip na aabot na ito doon. Ngayon lang niya nalaman na may lihim pala itong pagtingin sa kanya at dahil sa pag-mamahal nitong tinatago ay umabot ito sa puntong pagsasamantalahan siya nito.

Hindi talaga siya makapaniwala. Hindi pa nga niya talaga kilala ng lubusan ang kanyang kaibigan. Dinala  na sa ospital ito ng mga pulis. Kailangan magamot ang sugat nito bago ito tuluyang idiretso sa kulungan. Susunod na lamang sila para pormal na magsampa ng kaso. Desidido siyang ipakulong ito dahil muntikan na nitong sirain ang buhay niya ng dahil sa lihim na pag-ibig nito sa kanya. Babalewalain niya lahat ng pinagsamahan nila at pagkakaibigan kahit masakit. Andami nilang pinagsamahan tapos mauuwi lang sa ganun. Kailangan pa rin nitong pagbayaran ang ginawa nito sa kanya.

Tatlong araw ang lumipas na hindi pumasok si Joyce sa kanilang art class. Kailangan niyang magpahinga mula sa trauma dahil sa hindi magandang karanasan niya. She considered it as a bad dream, a nightmare na kailangan na niyang kalimutan at ibaon sa limot. Lumipat na din siya ng tinitirhan niya. Ayaw na niyang maalala ang masamang nangyare doon. At dahil sa pagdalaw ng mga kaibigan niya ay naging mabilis at madali para sa kanya ang mag-move mula sa masamang bahaging iyon ng kanyang buhay. Nakatanggap din siya ng mga bulaklak at prutas mula kay Quen na pinadala nito kila Ronelyn. Na-appreciate niya iyon. Kahit hindi pa sila in good terms ay nag-abala pa itong padalhan siya. Natuwa siya ng husto. Kahit na galit ito sa kanya ay umaasa siyang sana ay magkaayos na sila. Ngayon ay handa na siyang harapin ang bagong simula. Bagong yugto ng kanyang buhay. Panatag na ang kanyang loob wala nang Kaizang magtatangka sa kanya sapagkat naka-kulong na ito. Napag-alaman ding high ito sa pinagbabawal na gamot nung nangyare ang pagtatangka sa kanya at on going na rin ang kaso.

Huling araw na ng kanilang art class kay maestro Baltazar Avelino. At ngayon na rin niya balak harapin si Quen. He was her unfinished business. Kumbaga sa kontrata ay hindi pa close ang deal. She was now ready to face the world.

Nasa studio na sila para sa kanilang huling klase. Nandoon na rin si Quen na mas gwapo pa ngayon dahil sa bagong gupit nito. Medyu magaling na ang sugat nito. Nginitian niya ito pero wala itong natanggap na tugon mula dito. Hinayaan niya na lang muna ito.Walang silang kibuan kahit na magkatabi at ilang araw ding hindi nagkita. Ni magpansinan ay walang nagtangka sa kanila. Hindi alam ni Joyce kung paano niya ito babatiin o i-a-approach. Hindi niya alam kung paano sisimulan. Humahanap lang ng tyempo para kausapin ito.

" I think everybody's present. I'm so glad dahil nandito na ang lahat at the same time ay nalulungkot because this is our last meeting sa art class na 'to. I hope ay marami kayong natutunan mula sa akin. And years from now or even months from now I hope all of you ay maging katulad ko o mas higit pa nga. You are all talented. I enjoy our everyday class with you at sana ay ganun din kayo. I know that this will not be the end dahil magkikita pa tayo sa mga future art exhibits nyo. I'm so proud of you guys. You did a great job. But before we end this and for our last activity I want you to paint anything na gusto niyong maging first masterpiece niyo as an artist. Give your best malay niyo ito na yun ang magiging katuparan sa mga pangarap niyo. Okay? Nakuha niyo?"

" Yes, sir!" sabay-sabay nilang sagot.

" Then start..."

Kanya-kanya ng naghanda ang bawat isa para magpinta. Ang ilan ay lumabas para makapaghanap pa ng inspirasyon. Ang ilan naman ay nanatili naman sa loob kabilang na roon sina Joyce, Ronelyn, Bing, Sarah at Daisy ngunit si Quen ay hindi nga lumabas pero lumipat naman ng pwesto palayo sa kanila.

" Girl, mukhang galit pa din ata sayo." Si Daisy.

" Oo nga eh kanina pa niya ako di pinapansin pero naghahanap pa ako ng tiyempo para kausapin siya." sagot ni Joyce.

" That's the spirit, girl." si Sarah.

" Tama yan. Fight, fight, fight. Go, go, go." cheer pa ni Bing.

Nagtawanan silang lima.

Tapos na silang magpinta. Final touches na lang ang kanilang mga artwork. Kanina pang pinagmamasdan ni Joyce si Quen mula sa kinaroroonan nito. Nakikipagtawanan ito sa iba pa nilang kaklase. Mukhang masaya at okay na ito. Napalingon siya dahil kay Ronelyn.

" Girl, alam mo bang ikaw ang tinutukoy ni Quen tungkol dun sa babaeng in love siya?"

Tumango siya.

" Paano mo nalaman?" si Bing na hindi makapaniwala.

" Sinabi ni Sir sa akin."

" What? May pagkamalisyoso din yata yang si Sir naunahan pa kami."

" Ssshhh... hinaan mo nga yang boses mo baka marinig ka niya." saway ni Sarah.

" Natural alam na talaga ni Sir yun kasi pamangkin niya yan." si Daisy.

" Kunsabagay, eh ano may pag-asa ba?" si Bing ulit na interesadong malaman ang sagot.

" Ano? Pag-asa ka diyan." napapangiti si Joyce.

" Uy!" tukso pa ni Ronelyn.

Binalewala niya ang mga ito. At pinilit na mag-concentrate sa canvass niya. Lihim siyang kinilig.

Tapos na ang kanilang art class with Baltazar Avelino. Nagpalakpakan silang lahat. Pero sila ni Quen ay hindi pa. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataon kanina kaya hinintay niya ito na makalabas. Pasakay na ito ng kanyang kotse ng lapitan niya ito.

" Quen." tawag niya.

Napalingon ito.

" Quen, pwede ka bang makausap?"pero hindi ito sumagot.
" Oo, nga pala thank you sa bulaklak at sa prutas. Hindi ka na sana nag-abala pa." pagpapatuloy niya. " Quen, galit ka pa rin ba? Sorry na." pagpapakumbaba niya.

" Wala yun." pero hindi ito ngumingiti.

" Galit ka pa yata eh."

" Yes. I' m still mad with you." saad nito.

" Then tell me what to do. Mahigit Isang linggo na tayong ganto. Hindi na matapos-tapos tong pagso-sorry ko sayo. Para na tayong sirang plaka. Paulit-ulit. Gusto ko nang magkaayos tayo for the last time."

" Sigurado ka? Baka di mo kayanin."

" Kakayanin ko. Kahit ano pa yan para lang magkabati tayo. Malay mo after this maging magkaibigan pa tayo."

" Kaibigan?" kumunot ang noo nito.

" Oo, kaibigan as in friends." paglilinaw niya.

" Pero higit pa dun ang gusto ko. Ikaw! Siguro naman alam mo na gusto kita. I like you Joyce since the day I meet at the museum at mas lalo pang naging malinaw iyon nang nasa presinto na tayo. Hindi ka na naalis sa isip ko. Sabi ko if ever na magkita tayo ulit hindi na kita pakakawalan pa. At sana pagbigyan mo ako. Just one shot, Joyce."

" I know and I understand but that's too much to ask, Quen." nasagot niya.

" But then I can't forgive you. See me if your ready and willing to give what I'm asking. Just a try with me wala namang mawawala. If things work out eh di mabuti pag hindi atleast we tried."

Tinungo na nito ang sasakyan at pumasok sa loob saka pinaandar iyon palayo. Naiwan ang dalaga na bigo at litong-lito.



LOVE : The Nice Piece Of Art (Completed)Where stories live. Discover now