Seven

5 0 0
                                    

" Okay ka lang, Joyce? Kanina ka pang tahimik diyan?" untag ni Daisy ng mapansin ang kanina pa nitong pananahimik.

" Oo, nga." sang-ayon din Sarah.

" Hayaan niyo muna siya girls. Alam niyo namang nahihiya yang siraan ako dahil nandito ako." pasaring ng binata.

Nagpanteng ang tenga ni Joyce sa mga narinig niya. Muli ay nabuhay ang inis niya rito. Hindi pa siya nakabawi sa nadama kanina pero heto na naman ang binata ay nagsisimula na naman.

" Hoy! Kapal mo ha. Hindi totoo yan ah. At hindi ikaw yung tipo ko para pag-aksayahan ng oras noh?" bulalas niya ng hinarap niya ito.

" Talaga? Eh yung sinabi mong masama ang ugali ko, napaka-bastos ko at napakayabang. At is pa ay may putok at mabaho hininga ko. Di ba sinabi mo yun. Baka gusto mo mag-amoyan pa tayo eh?"

Napatingin si Joyce sa apat na nasa likod. Naka-ngiwi ang mga ito at naka-peace sign pa. Mukhang sinabi na nga ng mga ito kay Quen ang mga paninirang pinagsasabi niya.

" Bat hindi ka na makasagot diyan? Wag mong sabihin na totoo yun? Aminin mo na kasi. Paninirang puri yun."

Wala na siyang kawala. Tuluyan na siyang nilaglag ng mga ito.

" Oo na I said it." pag-amin niya.

" So, totoo talaga. Now I know. Tsk!" at iiling-iling.

" Ano ngayon? Anong gagawin mo?" hamon pa niya.

" Hindi ko pa alam. Pero baka siguro patatawarin na lang kita. Baka sabihin mo naman na ganun ako katigas. Pinapatawad na kita."

" Hindi ko kailangan ng patawad mo. At wala akong dapat na ihingi ng tawad sayo kasi totoo naman yun."

" Pati yung bad breath and the bad odor?"

" Hindi kasama yun pero the rest hindi ko babawiin yun." pagmamatigas niya. Paninindigan niya iyon. Pero yung pagkakaroon ng amoy at mabahong hininga ay aminado siyang gawa-gawa niya lang iyon. Lahat iyon ay kabaliktaran. Dinagdag niya lang yun sa kwento niya sa sobrang inis dito. Ang totoo ay napakabango nito. Nakaka-akit at hindi cheap ang klase ng pabango na gamit nito.

Tahimik lang ang apat na nakikinig sa likod. Mangha sa bangayan ng dalawa. Para kasing mag-jowa na nagtatalo ang mga ito. Napapangiti at kinikilig na lang sila. Hindi sila umawat. At ayaw nilang sumali. Pinanood lang nila ito while exchanging convos.

" Paninira pa rin yun. Hindi mo pa ako kilala personally pero ji-nudge mo na ako. Hindi ka pa rin talaga maka-get over yung nangyare sa presinto kaya gumaganti ka talaga sa akin. Kaya ayaw mo rin tanggapin yung patawad ko. I already said sorry."

" Nag-sorry ka nga hindi naman bukal sa loob. Parang labas sa ilong."

" Siguro bitter ka kaya ka ganyan. Lahat big deal sayo noh."

" Ano? Ako bitter?"

" Oo."

" Walang hiya ka. Hindi ako bitter noh. " at pinagpapalo niya ito sa balikat. Kuntodo iwas ang binata kasi nagmamaneho ito. Naalarma din ang apat sa likod. Naging agresibo na si Joyce. "Sadyang hindi lang talaga ako madaling makalimot. At wala kang karapatan na sabihan ako ng ganyan." at pinagsusuntok na niya ito sa sobrang galit. Hindi gumanti si Quen  puro salag lang ang ginawa nito pero tumatama pa rin ang mga suntok ng dalaga sa kanya. Umawat na din ang apat para tumigil si Joyce. Hindi na niya talaga napigilan ang kanyang sarili. Nasagad na talaga siya. Mabuti na lamang at nakahinto na sila dahil  sa trapik kung hindi ay baka nadisgrasya na sila pagnagkataong naka-go sila at hindi nila naawat.

Sa halip na sa kani-kanilang mga bahay na dapat sila ay sa isang clinic sila humantong. Doon sila tumuloy matapos mangyare ang away ng dalawa. Bugbog sarado ang binata. Puro pasa ang mukha nito. Mabuti na lang talaga at umawat ang apat kung hindi ay baka nakaratay na sana ngayon ang binata sa ospital. Nahabag sila sa sinapit nito. Natatawa  na lang ang apat sa ipinakitang wild performance ni Joyce. Lumabas ang pagka-amazona nito. Dinaig pa nito si Manny Pacquiao sa mga pinakawalan nitong suntok. Umabot na talaga sa sukdulan ang galit ng dalaga sa binata kaya hindi na siya nakapagpigil na gulpihin ito.

LOVE : The Nice Piece Of Art (Completed)Where stories live. Discover now