Eight

3 0 0
                                    

Hindi nga pumasok si Quen. Wala siyang choice kundi gawin ang ideyang naisip ng apat niyang kaibigan. Ang puntahan ang binata sa mismong bahay nito. Nakuha nila Ronelyn ang address nito sa kanilang maestro Baltazar. Pinilit pa umano nila ito bago pumayag.

Kakababa lang ni Joyce ng taxi sa mismong gate ng address na binigay sa kanya. Dalawang palapag na bahay ang kanyang nakita. May mataas na bakod at malaking gate. May malawak na garden na maganda ang pagkaka-landscape. Para iyong palasyo. Nakakalula. Moderno ang instruktura at napaka-ganda. Napansin din niya ang swimming pool sa may bandang gilid. Agad siyang nag-doorbell pero walang lumabas mula sa loob para pagbuksan siya. Muli siyang nag-doorbell pero ganun pa rin. Walang tumugon na kahit sino. Pinipigilan niyang mainis. Paano niya magagawa ang plano niya kung hindi siya makakapasok. Hay! Napakalaking bahay wala man lang katulong. Kuripot pa siguro ang lalaking iyon.

Wala talagang lumabas kaya kulang na lang ay sipain niya iyon. Sinubukan niyang itinulak ang gate. Bumukas iyon. Kaya naman pala self-service! Ang tanga mo talaga, Joyce!

Tumuloy siya. Bukas ang buong kabahayan ngunit parang walang tao.Napansin din niyang nandoon ang sasakyan ng binata sa garahe. Malamang ay nasa loob ito. Pumasok siya sa main door na nakabukas hanggang sa sala kahit tresspassing na siya. Nalula siya sa mga naka-display na mga painting sa pader. Pamilyar sa kanya ang iba. Namangha siya na makita iyon. So totoong artist at heart pala ang mokong!

" Quen..." tawag niya. Tahimik ang buong bahay. Dahan-dahan ang kanyang pag-hakbang. " Quen, andyan ka ba?"

" What are you doing here?" umalingawngaw sa buong kabahayan ang baritonong tinig na yun. Para iyong kulog.

Nagulat si Joyce pagkarinig niyon. Napalingon siya sa pinanggalingan. It was Quen standing at the staircase. Wearing a very serious looking face. Kinabahan bigla ang dalaga. Hindi niya alam kung bakit. Agad siyang yumuko. Nahihiya siya. At hindi lang yun hindi siya makatingin ng deritsu dito. Quen was only in his white sando and boxer shorts. Exposing his nice structured legs and body.

" Bakit ka nandito?" tanong nito at unti-unting bumababa.

" Nagpunta ako dito para humingi sayo ng sorry personally." sagot niya pero umiiwas pa rin ng tingin.

Nagpakawala ng hangin ang binata.

" Look what you did to me. You ruined my face."

" Pasensya ka na. Hindi ko talaga sinasadya. "

" Sorry lang. Alam mo ba pwede kitang kasuhan ng physical injuries because of this. " itinuro nito ang mukha. " Plus tresspassing for entering my house without permission." banta pa niya.

" If yan ang gusto mo then go sue me. Tatanggapin ko. Inaamin ko naman na kasalanan ko. Kung diyan ka magiging masama edi sige."

" Talaga lang ha. Malakas pa talaga ang loob mo. Then wait for the notice. Just wait there and I will call the police." at tinungo na nito ang telepono.

Mukhang totohanin nga nito. Hindi ito nagbibiro. Duma-dial na ito. Kinabahan si Joyce ng todo.

" Teka." awat niya. Itinigil nito ang ginagawa.

" Bakit?" tanong pa ng binata.

" Sigurado ka ba talaga diyan? " nag-aalangang tanong pa niya. "

" Syempre you need to be punish." at itinuloy ang pag-dial.

" Wag!" awat niya ulit niya.

" Bakit na naman?" medyu iritado na ito.

" Pagsisilbihan na lang kita. Kaya ko maglinis ng bahay." presinta niya.

LOVE : The Nice Piece Of Art (Completed)Where stories live. Discover now