Four

7 0 0
                                    

Nagpatuloy muli ang naudlot na pagpapakilala ng bawat isa. Hindi tinapunan ng pansin at tingin ni Joyce ang kakaupong katabi. Sa halip ay nagconcentrate na lang siya sa pakikinig.

Samantalang pagkaupong-pagkaupo ni Quen napagtuunan niya ng pansin Ng katabi. Parang pamilyar ito sa kanya. Parang nakita na niya ito.

" Excuse me, miss." aniya dito.

Hindi ito pinansin ng dalaga. Narinig niya iyon pero sa halip ay nagbingi-bingihan siya. Ayaw niya itong kausapin. Matapos siyang sermunan nito at sisihin pa kung bakit natangay ang bag niya. Neknek niya! Siya pa naman ang tipong hindi madaling makalimot.

" You're kinda familiar." sabi pa nito ulit.

Pero wala siyang balak na kausapin ito. Who you?

" Sungit naman nito." muli na naman nitong sinabi.

Agad na nagpanteng ang tenga ni Joyce sa sinabi nito. Umusok bigla ang tenga niya ng marinig iyon. Hindi iyon nakalagpas sa pandinig niya. At hindi niya iyon matanggap. Hinarap niya ito.

" Anong sabi mo?" inis niyang tanong.

Tila na-amuse ang mukha nito ng makita ang mukha niya.

"Sabi ko na eh barbie?" reaksyon nito.

" Oo, ako nga. At anong barbie pinagsasabi mo?" sabay taas ng kilay ng hindi ma-gets ang ibig nitong sabihin.

Natawa ito. Pinagtatawanan siya. Hindi niya alam kung anong nakakatawa. Kinda weird.

" Kay pala parang pamilyar ka. What a small world. " at tumawa.

" What a small world nga. Sinusundan mo ba ako?"

" Ikaw? Oh, c'mon ang mga tulad mo hindi pinag-aaksayahan ng panahon o baka nga ikaw pa tong sumusunod sa akin." at inilapit pa ang gwapong mukha sa dalaga.

" Hoy, lumayo-layo ka nga at baka di ako makapagpigil at matampal kita. Tigil-tigilan mo ako. Wala akong panahon sa mga tulad mo. Ang sakit mong magsalita ah. Hindi ka kagwapuhan." at inungusan ito.

" Talaga? Sigurado ka?" pang-iinis pa nito.

Hindi na pinatulan pa ni Joyce ang mga sinabi nito. Sira na ang araw niya. Ayaw na niyang tuluyang masira iyon. Siya na ang susunod na magpapakilala. Tumayo siya at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Pinasigla niya ang kanyang boses.

" Hello, good morning sa inyong lahat. I'm Joyce Marie Tan. Nice meeting you all. " at agad na umupo. Sumimangot pa siya ng mahuli niya si Quen na nakatitig sa kanya.

Tumayo naman si Quen. It was his turn to introduce his self. Agad na gumuhit sa mga labi nito ang pamatay nitong ngiti. At muli ay ilan sa mga kababaihan ang palihim na kinilig.

" Good morning din sa inyo. It's my pleasure to meet you all. By the way I'm Enrique Avelino. Quen for short." pakilala nito. Isang matamis na ngiti ang sinalubong sa dalaga pagkaupo niya.

Sinimangutan niya ito. Ipinakita niyang hindi siya natutuwang makilala ito.

Matapos sabihin ng kanilang maestro ang mga rules at regulations pati na rin ang mga instructions pagdating sa klase nito ay binigyan sila ng pagkakataon nitong makapag-break at makipag-kilala sa mga bagong kaklase. May malaking table sa loob ng studio at may ilang kababaihan ang nakaupo palibot doon. Nakisali si Joyce sa mga ito.

" Joyce, pakilala mo naman kami dun kay Quen." ani ni Sarah ng makaupo siya. " Nahihiya kasi kami eh."

" Huh? Bakit ako?" nagtataka niyang reaksyon.

" Kasi parang close na kayo ni Quen." si Bing

" Naku, nagkakamali kayo we're not close." tanggi niya.

LOVE : The Nice Piece Of Art (Completed)Where stories live. Discover now