Two

13 0 0
                                    

Kadarating lang ni Kaizan sa condo unit ni Joyce. Ngayon kasi nakatakda ang kanilang painting session. Kahit na kinakabahan ay pinilit niyang maging relax. First time niya itong gagawin in his entire life. At hindi niya lubos maisip na mangyayari ito sa kanya ang maging model ng painting in a nude. Napapa-buntong hininga siya.

" Bahala na." aniya sa sarili.

Handa na ang lahat maging si Joyce ay ganun din. Siya na lang ang hinihintay na pumwesto.

" For the last time, Joyce. Sigurado ka ba talaga dito?" paninigurado niyang tanong.

" Siyempre ako pa. Kailan pa ako hindi naging sigurado?" kumpiyansa niyang sagot.

" Gusto mo lang yata akong bosohan eh?" biro niya.

" Hindi ah." mariin niyang giit.

" Aminin mo na kasi may pagnanasa ka sa akin noh?"

" Kapal mo! And FYI hindi pa ako ganun kadesperada. Kung tutuusin ay pwede naman akong mag-hire ng tao para maging model ko no?"

" Ganun naman pala bat ako pa?"

" Syempre, para tipid. Bakit pa ako gagastos kung andiyan ka naman pwede?"

" Hoy hindi ko to gusto. At sa pagkakaalam ko ay ikaw 'tong may pakana ng kalokohang to sa akin." paalala pa niya.

" Hoy ka rin! Eh di ba ikaw rin naman ang maysabi na gagawin mo lahat kahit ano?"

" Oo, pero hindi ganito."

" Ah, basta hubad na. Pinapatagal mo pa yata."

" Hay---" hindi na niya natuloy ang sasabihin. Kinokontrol ang sariling manggigil sa sobrang asar.

Pumasok na ito ng banyo para magtanggal ng damit. Ilang sandali ay lumabas na itong nakatapi lang ng tuwalya. Napalunok pa ang dalaga ng makita ang halos hubad nitong katawan. Agad siyang nag-iwas ng tingin. Para siyang naasiwa. Hindi na bago sa kanya ang makakita ng lalaking halos hubad na. Marami na siyang nakita lalo na tuwing nagbabakasyon siya sa mga beach at normal na iyon sa kanya. Ang hindi lang siya komportable ay ang kaisipan na kaibigan niya ito. Twice na niya itong nakitang topless pero sobrang tagal na nun ng minsang nag-outing sila. Pero this time kasi ay tanging tuwalya na lang ang suot nito. Makikita na niya ang tinatago nito. Na supposed to be ay hindi niya dapat makita iyon. Private iyon at meron itong privacy. Di ba siya naman ang may gusto nito? Bakit parang nakonsensya siya? Pero infairness sa kaibigan niyang ito maganda ang katawan nito. Proportion and well- maintained. Halatang alaga iyon sa gym. Nakadama siya ng kaba at parang di niya kayang ituloy ang balak niyang gawin. Hindi siya komportable.

" Oh ano na?" untag sa kanya ng binata na nakatayo na sa harap niya. Hindi siya makatingin dito. Nakabalandra ba naman sa mukha niya ang mga pandesal nito. Itinago niya ang kanyang ulo at kunwaring inihanda ang canvass na kanyang gagamitin.

" Joyce ano na? Magkakapulmonya na ako sa ginagawa kong to eh." reklamo nito. Naalala niya nakabukas pala aircon niya. At wala itong suot. " Mukhang pinag-aaralan mo pa yata ang katawan ko." napauo na ito.

" Hindi ah sandali lang." hindi niya pala talaga kaya. Hindi siya makatingin dito. Hindi niya inalis ang tingin niya sa bakanteng canvass na nasa harap niya. Ayaw na niyang ituloy. Final na niyang desisyon hindi na niya itutuloy talaga. Hahanap na lang siya ng ibang subject para sa kanyang painting. Ang lakas ng loob mong magpa-nude nude ka pa. Tapos hindi mo rin pala kaya. Ambisyosang 'to!

" Kaiz..." tawag niya pero nasa canvass pa rin ang mga mata.

" Yes?"

" I think we--- " hindi niya natuloy ang sasabihin. Nagulat pa siya ng makita ang kanyang bestfriend. Wala na ang tuwalya sa bewang nito. Hawak na nito iyon. He was totally naked. Hindi siya handang makita ito in flesh. Tinakpan niya ang kanyang mga mata.
" Pwede ba itapi mo yang tuwalya."

LOVE : The Nice Piece Of Art (Completed)Where stories live. Discover now