Five

10 0 0
                                    

" So how's your day?" tanong ni Kaizan. Kadarating lamang nito sa condo unit ng kaibigan. Nakaupo ito sa sala.

" Okay lang masaya naman pero may kaklase akong panira ng araw. Remember mo yung lalaking tumulong sa akin. Yung nasa presinto." saad nito palabas galing kusina na may dalang meryenda.

" Yeah, bakit sinasaktan ka ba niya? Inaaway?" may himig ng pag-aalala.

" No, hindi naman. Hindi ko talaga ini-expect na magiging classmate kami. At saka nagfe-feeling gwapo pa." naiinis niyang sabi.

" Wag mo na lang siyang intindihin. Magconcentrate ka na lang sa mga lessons niyo. Sabihin mo sa akin pag ginugulo ka niya. And stay away from him."

" Siguro tama ka nga." sang-ayon niya." Mabuti pa kumain na lang tayo ginutom ako." Pinagsaluhan nila ng inihanda niyang pagkain.

Pasado alas singko ng hapon ng lumabas si Kaizan sa condo ni Joyce. Nagtuloy-tuloy siya sa kanyang kotse na nasa parking. Nasa harap na siya ng manibela at inaayos ang seatbelt ng lumitaw sa likod niya ang babaeng na labis niyang ikinagulat. Kilala niya ito. Kilalang-kilala.

" Ikaw? Anong ginagawa mo diyan?" agad niyang tanong sa babae.

" Yes, dear ako nga. Na-miss kita."  anito at mula sa likod ay yumakap ito sa leeg ng binata.

" Pwede ba, Vanessa. Stay away from me. " reklamo ng binata.

Matagal ng may gusto si Vanessa kay Kaizan at para itong stalker sa kakasunod sa binata. Matindi talaga ang tama nito dahil kung saan siya ay nandoon din ito. Out of nowhere ay  bigla na lang ito susulpot na parang kabute. Nakukulitan at minsan ay naiirita na rin ang binata dito pero sadyang matigas ang ulo nito. Ayaw talagang sumuko kahit ilang beses na niya itong pinagsabihan na tumigil na ito dahil wala itong mahihita sa kanya. Ayaw talagang paawat kaya hinahayaan na lang niya. As long as wala naman itong ginagawang masama sa kanya. Nasanay na rin siya sa presensya nito.

Pero labis talaga siyang nagtaka ng biglang nawala ito. Halos dalawang linggo itong hindi nagpakita. Wala na itong paramdam. Nakadama ang binata ng relief. Medyu napanatag na ang loob na wala nang sumusunod sa kanya. Iniisip niyang nagsawa na rin ito kakabuntot sa kanya. Nagpapasalamat din siya na natauhan na ito. Pero hindi pa pala mukhang naglie-low lang ito. Hindi niya inaasahan na muli itong susulpot ngayon. Bagong sakit na naman sa ulo ang dala nito sa binata. Hindi natinag ang babae at lalo pang hinigpitan ang yakap.

" Vanessa." galit na sigaw ng binata. Hindi na siya makahinga. Sinasakal na siya nito.

Agad na kumalas ang babae.

" Sorry, na-miss lang kita." aniya.

" Wala akong pakialam kung na-miss mo ako o hindi. At lalong hindi kita na-miss. Sana nga ay di ka na bumalik. Sana nawala ka na ng tuluyan para wala ng nambubuwiset sa buhay ko."

Hindi naka-imik ang babae.

" Hindi kita gusto." diin ng binata. " Naiintindihan mo ba? Wala akong ni katiting na feelings para sayo. Wala!"

" Pero ako meron, Kaiz at sana ay ma-appreciate mo naman yun. " at nagsimula nang pangiliran ng luha.

" Pero hindi ko kailangan ng feelings o ng pagmamahal mo. Mahirap bang intindihin yun ha?"

" Alam ko naman yun pero ayaw kong sumuko. At ayokong mawalan ng pag-asa na balang araw ay matututunan mo rin akong mahalin. Mahal na mahal kita kahit pinagtatabuyan mo ako lagi. Kahit nagmumukha na akong desperada. Na kahit nagmumukha na akong tanga sa pinag-gagawa ko." at tuluyan nang bumigay. Umiyak na ito.

" Hindi kita pinilit na gawin yun."

" Pero ginagawa ko pa rin para sayo para sa kaunting pagmamahal mula sayo." at nagpahid ng mga luha. " Siguro tama ka wala nga talaga akong aasahan sayo at siguro ay dapat ko na ring itigil itong kabaliwan ko. Ang mga ilusyon ko na mamahalin mo rin ako. Pagod na rin ang isip at puso ko, Kaiz sa paghabol sayo. Pero sa huling pagkakataong gusto kong marinig mula sayo na wala na akong aasahan. Ngayon mo sabihin sa akin sa mukha ko mismo na kailangan na kitang layuan at kailangan ko na ring mag-give up. Say it, Kaiz." madamdamin niyang sabi.

Tinitigan siya ng binata. Straight through her eyes.

" I'm sorry Vanessa. I dont love you and to tell you the truth my hearts belongs to someone else." pagtatapat niya.

" I understand." muling nagpahid ng mga luha. " So this is goodbye, Kaiz." at tulyan nang bumaba ng kotse na sugatan ang puso.

Naiwan ang binata na tulala. Kay bilis ng mga pangyayare. Medyu nakokonsensya siya. Mabigat ang kanyang loob. He dont want to hurt Vanessa at ayaw na niyang umasa pa ito. Kailangan niyang prangkahin ito. Kailangan na niya rin patigilin na ito. May mas deserving pa sa pagmamahal nito at hindi siya yun. Sana makahanap na ito ng tatanggap at paglalaanan ng pagmamahal nito.

" Okay, for your second activity I want you to paint your feelings and emotions that you feel right now. I want it individually and explain whats the meaning of your work. Understand? Any question? Wala. Good. You may start now."

Kanya-kanya ng pwesto ang bawat estudyante sa bawat sketchpad ng mga ito. Lahat ay nagsisimula ng gumuhit ng kanilang mga pakiramdam at mga emosyon. Hindi alam ni Joyce kung anong iguguhit niya. Napalinga siya sa iba niyang kaklase lahat ay busy na sa ginagawa. Wala siyang maisip na iguhit. Hindi niya alam kung anong pakiramdam niya. Hindi naman siya masaya. Hindi rin siya malungkot. Magulo utak niya. Nag-iisip siya.

" Oh, bat nakatunganga ka pa diyan?" untag sa kanya ng katabing si Quen.

" Pakialam mo ba. Magconcentrate  ka nga diyan sa ginagawa mo." inis niyang saad. Pakialamero talaga nito!

" Wala kang maisip noh?" at ngumisi at nang-iinis pa. " Siguro mangongopya ka noh?"

" Ang kapal  ng mukha mo. Hoy! marunong ako mag-drawing. Hindi tayo pareho ng feelings kaya wag kang ano diyan."

" Weeeh... Kala ko kasi the feeling is mutual eh. " at tumawa.

" Sira ulo." aniya.

Bwesit na naman si Joyce dito. Kaya nagkaroon na siya ng idea. Alam na niya ang kanyang iguguhit. Hindi na siya umimik pa.

" Bat tumahimik ka na diyan?" pukaw ulit ng binata.

" Magdrawing ka na lang diyan pwede."

" Ayoko nga. Kopyahin mo pa eh." at sabay inalayo ang sketchpad para di nito makita.

Nangigil na si Joyce sa inis. Ang kapal talaga ng lalaki. Ang inis na nararamdaman ay yun na lang ang iguguhit niya. Nagsimula nang nagsulputan ang mga ideya sa isip niya. Nagsimula na siyang magdrawing. Total ay feelings at emotion naman ang subject nila.Kinuha na niya ang lapis at nagsimula kumurit sa sketchpad. Gigil na gigil siya. Halos mapunit na iyon sa sobrang diin. Doon niya ibinuhos ang nararamdaman niya.

Lumipas ang mahabang oras. Halos lahat na ay tapos sa kanya-kanyang gawa. Tapos na rin si Joyce at final touches na lang ang ginagawa. Ganun din si Quen.

" Okay everybody's done lets start." sabi ng kanilang maestro.

Kanya-kanyang nagpresent ng mga gawa ang bawat isa sa harap. Halos magaganda ang interpretation at mga explaination ng bawat gawa. Parang mga professional. Nakakabilib. Ibat-ibang feelings at emotions ang naipakita. May masaya, may malungkot, may galit, may poot, may depression at marami pang iba. May magkakapareho pero iba-iba naman ang pagkakaguhit at pagkakapaliwanag. Lahat ay nakakahanga. Very impressive.

Dalawa na lang ang hindi pa nakapag-present ng mga gawa sa harap sina Joyce at Quen. Pareho kasi silang nasa dulo.

" Okay next."

Nagtaas ng kamay si Quen.

" Pwede po bang ako mauna?"

" Sure, sige Enrique go ahead."

Tumayo na si Quen para pumunta sa harap. Pinasadahan pa niya ng tingin ang dalaga na kanina pang busangot. Nakangiti itong tumungo sa harap.

LOVE : The Nice Piece Of Art (Completed)Where stories live. Discover now