Epilogue

3 0 0
                                    

Mahigit isang linggo ang lumipas. Matapos na makapag-isip ni Joyce ay nakapag-desisyon na siya.

" Go, girl." sigaw pa ni Ronelyn ng bumaba si Joyce ng sasakyan. Kasalukuyang nasa labas sila ng bahay ni Quen. Pinag-isipan niyang mabuti ang mga sinabi ng binata sa kanya. This is it. Nag-door bell siya. Ilang sandali ay lumabas mula sa loob ng bahay si Quen. Nakapambahay lang ito. Nagulat pa ito ng mapagbuksan siya nito.

" Quen." aniya.

" Kung pumunta ka dito para humingi na naman ng sorry you better go." saka akmang tatalikod.

" Quen, sandali alam ko galit ka pa din sa akin at medyu hindi madali para s akin ang hinihiling mo pero pinag-isipan ko nang mabuti ang mga sinabi mo."

Humarap uli si Quen sa kanya.

" Quen, I know hindi maganda ang mga aksidenteng pagkikita natin. Tanda mo ba yung una nating pagkikita sa museum kung saan naapakan kita tapos tinulungan mo ako ng ma-snatch ang bag ko, then nagpasalamat ako pero ayaw mong tanggapin sa halip ay sinisi mo pa ako. Oo, inaamin ko nagalit talaga ako sayo nun. Hanggang sa muli tayong nagkita dahil sa art class. Hindi ko ine-expect na magiging classmate tayo kaya lalo pa akong nagalit at nainis sayo. Nagkaroon ako ng hindi magagandang impresyon sayo. Kaya siniraan kita. And I'm sorry for that. Pero lahat naman yun ay napalitan ng magaganda when I receive the flowers and the fruits you sent. Na-appreciate ko yun. Kahit hindi pa tayo totally bati dahil sa dami ng kasalanan ko sayo. Naging mabait ka pa rin sa akin. And I admire you for that." pag-amin niya.

Seryoso pa din ang binata.

" That's all?" tanong nito.

" Syempre hindi. At saka tungko dun sa hinihingi mo. Yes, pumapayag na ako. I want to take a chance with you, Quen."

Hindi nakaimik si Quen. Halatang hindi ito makapaniwala.

" Yes Quen,  I willing to take a chance with you." ulit pa niya. Narinig mo ba ako?" tanong ng dalaga.

Isang pagkatamis-tamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi ng binata.

" Yes I hear you." walang mapagsidlan ang saya nito. Yayakap sana ito pero...

"Oops! Tanggapin mo muna sorry ko." sabi ni Joyce.

" Okay you're forgiven."

" Pero may isa pa akong kondisyon.?

Nagtaka si Quen.

" Ano yun?"

" Ligawan mo muna ako."

" Yun lang ba? Sige , call."

Napangiti ang dalaga. Ganun din ang binata at hindi na talaga nakapag-pigil na yakapin ito.

" Teka." awat ng dalaga.

Kumalas ang binata.

" Bakit na naman?"

" Advance ka naman yata." reklamo agad nito.

"  Sorry, pero dun din naman tayo patungo di ba?"

" Oo, nga pero maghirap ka muna."

" Joyce naman."

" May angal ka? "

" Wala." napilitan nitong sagot.

" Kung ganun tanggapin mo na 'tong regalo ko."

Inabot niya ang kanina pa niyang hawak na kwadro na nakabalot ng diyaryo. Iyon ang painting na ginuhit niya nung last day nila. Pinunit nito ang balot. Nagtaka pa ito ng makita ang nakaguhit.

"  Bakit babaeng nakatalikod?"  tanong niya.

" Kasi alam ko na may painting ka sa koleksyon mo na gawa ng uncle mo yung may lalaking nakatalikod." yun yung painting na umagaw sa kanyang pansin noon sa exhibit ni Baltazar Avelino. Nakita niya iyon na naka-display sa loob ng bahay nito. " Yan na ang kapares ng painting na yun. Alam ko na ikaw yung lalaking yun. At simula ngayon ay di ka na mag-iisa. Dahil nandito na ako. Because were meant to be I guess."

Napatalon sa sobrang tuwa ang binata. Nagulat pa si Joyce ng bigla siyang kabigin nito at ninakawan ng halik sa mga labi. Wala na siyang nagawa kundi ngumiti. Sumenyas pa si Quen ng approved sign sa mga kaibigan na kanina pang kilig na kilig na nanonood sa kanila sa may di kalayuan. Halatang inggit na inggit ang mga ito.

             ----   W   A    K   A   S  ----

Authors Note:

Maraming salamat sa walang sawang pagbabasa. Sana ay nag-enjoy kayo sa walang katapusang bangayan sa kwento nina Joyce at Quen.

Hanggang sa mga susunod na istorya. Please support my stories dito sa wattpad :)





Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Apr 06, 2020 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

LOVE : The Nice Piece Of Art (Completed)Onde histórias criam vida. Descubra agora