Nine

3 0 0
                                    

Medyo madilim na ng dumating si Joyce sa entrance ng condominium building kung saan siya nakatira. Kakababa lang niya ng taxi ng tumunog ang kanyang phone. Agad niyang kinuha iyon at sinagot. Si Ronelyn ang tumatawag. Nagtuloy siya hanggang sa lobby.

" Oh."

"Girl, kamusta ang lakad mo? Ano napatawad ka ba niya?" sunod-sunod na tanong ng kaibigan.

" As expected hindi eh. Nagalit pa nga ng makita ako dun."

" Hay, paano ba yan? Hindi umubra yung plano natin."

" Yan pa nga pino-problema ko eh. Mukhang galit talaga sa akin."

" Dont worry girl. Mag-iisip pa kami ng ibang paraan. Wag ka lang mawalan ng pag-asa. Tiyak ko di rin magtatagal magiging okay na rin kayo."

" Sana nga, Ron. Oo, nga pala pagpunta ko dun kanina dumating si Maestro." banggit niya.

" Ha, anong ginagawa niya dun?" pagtataka nito.

" Believe it or not, Sir and Quen are family. Pamangkin ni Sir si Quen." rebelasyon niya.

" Ano? Totoo ba yan?"

" Yes. Di nga rin ako makapaniwala nung una pero totoo."

" Kaya pala ayaw pang ibigay ni Maestro yung address ni Quen yun pala family related sila. Interesting ha."

" At ito pa si Quen pala ang may-ari ng Esperanza Gallery.

" Talaga? Ibig sabihin..." hindi nito natuloy ang sasabihin sa sobrang pagkamangha.

" Oo, ganun nga. Pero ito pa ang mas nakaka-shock girl ulila na pala si Quen. Si maestro na lang ang tanging pamilya niya."

" Ano? What?" Bakit?" exaggerated nitong reaksyon.

"Bukas ko na lang ikukwento ang buong detalye."

"Sige, oo nga pala may naisip uli akong paraan para mapatawad ka na niya. Bukas ko na lang din sasabihin para detalyado."

" Sige. " at tuluyan nang nawala sa kabilang linya ang kaibigan.

Tumuloy na siya sa elevator papunta sa kanyang unit.

Nasa harap na ng pinto si Joyce ng kanyang condo unit para buksan iyon ng mapansin niyang hindi naka-lock iyon. Kinabahan siya. Walang ibang susi ang kanyang condo kundi ang susing hawak niya at ang duplicate key na nasa kaibigang si Kaizan. Tinulak niya ang pinto.

Nadatnan niya si Kaizan na nasa sala at nakaupo. Seryoso at mapula ang mga mata. Halatang nakainom ito dahil na rin sa mga nagkalat na bote sa sahig. Hindi ito nakangiti. Hindi rin siya nito binati na gaya ng ginagawa nito parati pag dumadating siya at naroon ito. Nagtaka siya. First time nitong ginawa iyon na uminom at doon pa sa condo unit niya. Pinilit niyang maging kalmado.

" Kanina ka pa? Kumain ka na ba?" tanong ni Joyce.

" Saan ka galing?" maawtoridad nitong tanong sa halip na sumagot.
" Bakit ngayon ka lang?" galit pa nitong tanong.

" Kaizan, ano bang problema mo?"

" Sagutin mo ang tanong ko." malakas nitong saad.

" May dinalaw lang akong kaibigan. Ano bang nangyayare sayo?" binalot siya ng konting takot. Ngayon lang ito nagkaganyan yan. Hindi ito ang kaibigan niya. Ibang tao ito.

" Sinong kaibigan?" sigaw nito.

Nanghilakbot si Joyce.

" Pati ba naman 'to Kaiz, kailangan ko pang i-report sayo? Wala na ba akong karapatang dalawin ang mga kaibigan ko?" pilit pinatapang ang boses.

LOVE : The Nice Piece Of Art (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ