CHAPTER 01

4.2K 114 50
                                    

NOTE:

The whole story is under editing. The author is currently fixing the errors. Please bear with the RAW VERSION of this book for the meantime. Thanks!

___

MARVIE


"GOOD MORNING hubby!" masayang bati ko sa kaniya pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa coffee shop. Wala pang costumer kaya medyo nakahinga ako nang maluwag. Nakakahiya kaya 'yong sinabi ko kanina, hehe.

Nakita ko naman siya sa may counter. Nagsusulat ito ng kung ano sa hawak-hawak nitong notepad. "Pasensya na, medyo na late ako." Lumapit naman ako."Ano 'yan?"

"Ah, good morning bunny," bati naman nito pabalik pero nakatuon ang atensyon nito sa sinusulat niya.

Sinilip ko naman iyon.

"Ano 'yan?" pang-uulit ko sa tanong ko kanina.

Tumingin naman siya sa akin tsaka ngumiti. "Nah, I'm just writing here some important day of this month."

Nagningning naman bigla ang mata ko nang marinig ko iyon. Naalala ko bigla 'yong birthday ko.

"Teka, nilista mo ba riyan yung birth---"

"Of course, bunny. Why would I forget that special day?"

Hindi ko alam pero lagi talagang bumibilis ang tibok ng puso kapag tinatawag niya akong bunny. Ewan ko ba, lagi talaga akong kinikilig sa mga banat niya.

Inabot naman niya sa akin ang apron. Isinuot ko naman iyon, hindi na ako nagulat na siya ang nagtali ng ribbon sa likod ko.

"By the way, how's your school?" nakangiti nitong tanong.

Actually, graduating student na ako this year, culinary arts ang course ko. Samantalang siya naman ay last school year pa graduate, culinary arts din ang course niya. Sa kaniya ipinamahala ng daddy niya ang pagpapatakbo nitong coffee shop.

"Ayon. Medyo busy na," sagot ko sa tanong niya. Tiningnan ko naman isa-isa ang mga tea bags at flavoring syrup. "Pero keri naman. Kaya pa naman ng katawan ko ang stress."

Napatawa naman ito nang mahina. Ilang sandali pa ay hinawakan niya ang mukha ko. "Halata nga e. Malalaki na eyebugs mo."

Ngumuso na lamang ako."Kaya nga. Para na akong panda."

"Panda na sobrang cute," nakangiting sabi niya sa akin na ikinakilig ko ng palihim.

"Ang aga landi agad ang inaatupag! tsk." Napabalik naman ako sa huwisyo ng marinig ang mga salitang iyon. Napadistansya naman ako kay Flin. "Sir, pinapapirmahan ng daddy niyo."

Padabog naman niyang nilapag ang mga papel na dala niya. Habang pinipirmahan ni Flin ang mga papel, kitang-kita ko ang palihim na pag-irap ng secretary ng daddy ni Flin sa akin.

Everyone, meet Ruth Dianna Roosevelt. Ang babaeng may matagal ng pagnanasa kay Flin. Yeah, binalak na nitong i-seduce si Flin. Tinanggap rin niya ang alok ng daddy ni Flin na maging sekretarya siya nito. Akala niya siguro ay makukuha niya ang loob ni Flin. Nagtataka siguro kayo kung bakit alam ko ang mga bagay na ito. Well, Flin told me everything about this woman.

"Done na sir?" malanding tanong nito na bahagya pang pinapakita ang hindi kalakihan niyang hinaharap. Masyadong revealing ang suot niya kaya siguradong lantad ang kaluluwa niya sa harap ni Flin. Sarap tanggalan ng balat ang babaeng 'to! Kainis.

"Yeah, you can go now," cold na saad naman ni Flin dito. Ni hindi nga siya tiningnan nito sa halip ay sa akin ito tumingin. "Hey bunny, I'll fetch you after school at around eight in the evening. If ok lang sayo?" nakangiting tanong naman nito sa akin.

Night class kasi ako. From one o'clock in the afternoon to eight o'clock in the evening ang schedule ko. And from seven to twelve ay nandito ako sa coffee shop para magpart-time job.

Nginitian ko rin naman siya pabalik.

"Ano ba syempre ok lang."

Palihim ko namang sinulyapan si Ruth na matalim ang tingin sa akin. Selos lang?

"Oh? Why are you still here? Akala ko ba umalis ka na?" sabi niya ng mapansing nandito pa rin ito at hindi pa umaalis.

"Pasensya na. Naaliw lang kasi ako sa---" Inirapan naman ako nito tsaka ngumiti ng malapad kay Flin."---Sa ka-sweet-an niyong dalawa. You really love this woman, eh?"

"Why? It's none of your business."

Oh yeah! Take that Ruth!

"Hindi ko alam na mahilig ka pala sa mga cheap." Ako ba tinutukoy niya?! "I thought you were into hot and sexy woman?"

Bakit sexy ba siya? Anong tingin niya sa akin mataba? Ano bang ipinagmamalaki niya? Iyang dibdib niyang peke naman? Tss.

"Just leave," may diin na utos ni Flin kay Ruth. Pero imbes na sundin nito ang sinabi ni Flin. Napatawa na lamang ito kasabay ang pag cross arms.

"Oh c'mon Flin Jackson Garret Rockwell, your being confident this past few days." Ibinaling naman nito ang tingin sa akin. Inismiran naman niya ako kasabay ang pag-ngisi ng nakakaloko. "I bet Marvie didn't know something---"

"Shut up. Just fvcking leave!" naiiritang bulyaw naman ni Flin, pero iyong bruha nagpupumilit pa rin.

"Bakit? Natatakot ka bang malaman niya---"

"Leave!"

Bahagya akong nagulat sa biglaang pagsigaw ni Flin. Hindi naman niya kasi ugali ang sumigaw. He is a very  calm person. Lagi niyang kontrolado ang lahat. Pero ngayon? Parang... parang may mali.

"Oh I see, you are already mad." Umakto pa itong malungkot. "Fine. I think kailangan ko nang umalis."

Tumalikod naman ito. Ngunit ilang sandali pa ay muli itong humarap sa amin.

"I pity you Flin, she will surely abandon you if she know your secret," bulong nito kay Flin na hindi ko narinig. Pero kitang-kita ng mata ko ang pagyukom ng kamao ni Flin at nagsimulang magsilabasan ang mga pawis sa noo nito. "Babye, enjoy your time together!" Ngumiti pa ito nang nakakaloko sa akin bago tuluyang umalis ng coffee shop.

Bakit gano'n? Bakit parang kinakabahan ako? Parang may alam si Ruth tungkol kay Flin na hindi ko alam? May itinatago ba si Flin sa akin?

"Flin---"

"Marvie."

Marvie? It's rare that he called me by my first name.

"About that---"

"Ano ka ba alam ko namang nan-e-etchus lang ang babaeng 'yon. Wala naman akong pakialam sa mga pinagsasabi non."

Sinikap kong maging masaya sa paningin niya kahit sa totoo lang ay na ko-curious din ako sa mga pinagsasabi ng Ruth na 'yon. Wala naman siguro 'yon di ba?

"R-Really?"

"Yes. And I believe in you. Alam kong wala ka namang itinatago sa akin 'di ba?"

Napakurap naman siya nang ilang beses bago makasagot sa tanong ko."A-Ah, oo naman. W-Wala akong sikreto sa'yo."

"Yon naman pala e." Niyakap ko siya."I love you, hubby."

Naramadaman ko naman ang pagyakap niya pabalik. "I-I love you too Bunny."

Sana nga. Sana nga wala siyang tinatago sa akin.

Dangerous AllureOù les histoires vivent. Découvrez maintenant