CHAPTER 02

2.2K 97 36
                                    

MARVIE

"ANG GWAPO talaga ng jowa mo."

"Oo nga e. Tapos ang yaman pa! Ang swerte mo girl!"

"Nakakaiingit ka talaga, Marvie. Sana may jowa rin akong ganiyan, hehe."

Iyan ang samu't-saring komento nila ng makita nila si Flin kanina na hinatid ako. Kasalukuyan ako ngayon nasa class ko. At dahil wala pa ang culinary instructor namin, kaya ang mga kaklase ko ay kaniya-kaniya ng pwesto para lang makipagkwentuhan. Katulad ng iilang mga kaklase kong babae na nakapalibot na sa akin ngayon. At paniguradong si Flin na naman ang magiging topic ng mga ito.

"Pero teka... curious lang ako, paano kayo nagkakilala ni Flin?" tanong naman ng kaklase kong babae.

Paano kami nagkakakilala ni Flin?

"Ah, sa coffee shop niya. Lagi kasi akong pumupunta roon lalo na kapag sabado. At nagkataon rin na ro'n pala ako magtratrabaho as a part-timer," nakangiti kong paliwanag sa kanila.
Tatango-tango naman sila.

"Sino mas matanda sa inyo?" curious rin na tanong naman ng isa ko pang babaeng kaklase.

"Si Flin." Napatingin naman ako sa sahig. "Two years ang agwat namin. Twenty-two na siya, twenty naman ako."

"Wow. Ang astig naman! Bagay talaga kayo," kinikilig na sabi naman ni Lauren, ang nangunguna sa klase namin. Kitang-kita naman ang pamumula ng pisnge nito. "Sana talaga makahanap din ako ng lalaki katulad kay Flin." Nakatingin pa ito sa itaas at parang nag-iimagine.

Inismiran naman siya ni Luca, ang clown sa klase namin. "Sus, pa-Flin-Flin ka pa riyan. Halata naman na mas bet mo si Seiji!" nakangising saad naman nito. Dahil sa sinabi niya ay napatakip na lamang ng mukha si Lauren. "A-Anong si S-Sieji? D-Di ko bet yon 'no."

Napatawa naman ng malakas si Luca.

"Anong hindi bet? E, kung makatingin ka sa kaniya wagas e!" Humagalpak naman ito ng tawa. Pati ang iilan naming kaklase ay napapatawa na rin. "Crush mo si Seiji, Lauren! Crush mo siya matagal---"

"Hindi!"

"Sus denial pa," sabi nito na tumawa pa nang malakas.

"H-hindi nga e---"

Natigil naman ang tawanan ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang iilan naming kaklase na lalaki.

"Ang saya niyo ah? Abot sa hallway ang tawanan niyo," aniya ng isa naming kaklaseng lalaki. May mga dala silang pagkain. Kaya pala wala sila dito kanina, paniguradong pumunta ang mga iyon sa canteen.

"Ano topic niyo? Pasali kami!" masiglang sabi naman ng isa pa naming lalaking kaklase. May dala naman itong malalaking chichirya. "Nga pala, wala dito si Prof. Michael kaya mamaya pang six ang klase natin," nakangiting anunsyo nito sa amin. Nagsi-sigawan naman sa tuwa ang iilang mga kaklase kong babae.

"Pahingi naman kami niyan," nakangusong sabi namn ni Luca sa mga boys na may dalang maraming pagkain.

"Sige ba, basta kasali kami sa kwentuhan."

Nagsiupo naman kami ng pabilog. Inilagay naman ng mga boys ang dala nilang pagkain sa gitna. Ganito kami pag wala ang prof namin, sama-samang naglalaro ng kung ano-ano. Pero enjoy naman kahit kaunti lang kami. Twenty-Five lang kasi kami. Fifteen girls and ten boys. Kaya maingay lagi ang classroom namin dahil sa mas madami ang mga babae. Karamihan pa naman ay madaldal at walang preno kung magsalita, mga kalog din at mahilig magpatawa.

"Kuha na kayo ng pagkain, kahit ano riyan," sabi naman ng lalaki naming kaklase dahilan para magkanya-kanyang pili ang mga kaklase ko sa mga pagkaing nasa gitna.

Dangerous AllureWhere stories live. Discover now