CHAPTER 07

1.2K 67 16
                                    

MARVIE

MEDYO late ako natulog kagabi kaya medyo late rin akong nagising ngayon. Pagkatapos kung maligo at kumain ay agad akong umalis ng bahay. Wala na namang tao sa bahay, kapwa kasi nagtratrabaho si Mama at Papa, at si Marjie naman ay nag-aaral.

Labin-limang minuto lang ang byahe ko bago ako nakarating sa coffee shop. Agad ko namang binayaran ang taxi driver. Bumaba naman ako tsaka deresto ang lakad papunta sa coffee shop.

Natigil naman ang paglalakad ko ng makita si Ate Eula sa may labas ng coffee shop. Nilapitan ko naman siya.

"Ate Eula---"

"Mabuti naman at nandito ka na. Naku, 'di ko na talaga matiis ang amoy ng patay na pusa na 'to!" sabi nito na bahagya pang tinakpan ang ilong."Sino naman kayang siraulo ang naglagay niyan dito? Tss."

Tiningnan ko naman ang tinutukoy niyang pusa. Nanlaki na lamang ang mata ko. Napatakip din ako sa bibig ko.

"A-Ang pusang iyan." Napalunok na lamang ako ng laway habang itinuturo ang pusang tadtad ng maraming saksak sa katawan na naliligo sa sarili nitong dugo."Iyan iyong n-nakita ko rito sa labas noong nakaraang araw."

"Ha? So hindi iyan nilagay dito ng kung sino?" nakakunot noong tanong naman ni Ate Eula na tinanguan ko na lang. "Tss, e sino naman ang gagawa nito? May malaking galit ba 'yon sa mga itim na pusa?"

Napaisip naman ako sa tanong ni Ate Eula. Pabalik-balik lang ang tingin ko sa pusa at sa coffee shop na nasa harap ko lang. Iyong pusa, sinadya itong patayin. Kita ang ang napakaraming saksak nito sa katawan na halos bumulwak na ang mga lamang loob nito. Nahaluan ng dugo naman ang itim nitong balahibo. Napansin ko, medyo sariwa pa ang dugo, kakaunti pa lang ang makikita mong uod na pakalat-kalat sa loob nito.

So it means... kaninang umaga o kagabi pa lang ginawa ng kung sino man ang pagpatay sa itim na pusang ito? Bakit naman niya gagawin ang isang bagay na 'to? May galit ba siya sa mga pusa---

Mali. Nakatitig pala siya doon sa pusa. Para siyang nakikipag-usap doon through eyes. Hindi niya inaalis ang paningin niya doon. Ang wierd. Ngayon lang ba siya nakakita ng pusa?

Naalala ko bigla ang mga nasa isip ko noon ng makita ko ang wierd na tingin ni Leguine sa pusa. Wait... teka? So it means?

"A-Ate Eula? Nandiyan na ba si L-Leguine?" kinakabahan kong tanong.

"Si Leguine? Wala pa. Ako pa lang ang nandito. Wala pa nga si Sir Flin e. Bakit mo naman na tanong?" Sagot naman nito.

Wala pa rito si Leguine.

Pero teka... bakit ganito iyong nararamdaman ko? Bakit parang si Leguine ang pinagbibintangan ko? Mali naman siguro ang iniisip ko di ba? At isa pa si Leguine? Iyong wierd na lalaki na walang ibang ginawa kundi magbasa ng makapal na libro na may nakapamagat na 'How to deal a Psychopath'?

Teka...

Psychopath?

Bakit nga ba nagbabasa si Leguine ng ganitong libro? May koneksyon ba ito sa kaniya? May kinalaman ba siya sa pagpatay sa itim na pusa?

___

Katatapos lang ang lecture ng aming Cuisine Instructor kaya ang ibang mga kaklase ko ay nagsilabasan ng room at ang iba naman ay nanatili lang sa loob, kagaya ko.

Hawak ang cellphone ko. Agad kong hinanap ang google. Nagtype ako.

'What is a Psychopath?'

Pinindot ko ang search. Ilang sandali pa ay nagsilabasan na ang meaning, pati rin ang mga related words nito. Bawat basa ko sa meaning ay palihim ko namang sinusulyapan si Leguine. Tatlong upuan ang pagitan namin, pero kahit ganoon ay klaro pa rin sa mata ko ang ginagawa niya.

Dangerous AllureWhere stories live. Discover now