CHAPTER 12

936 61 11
                                    

MARVIE

MATAPOS ang pangyayari ng gabing iyon ay hindi pumasok si Flin ng dalawang araw. Sinubukan ko naman siyang tawagan pero laging out of coverage. Nag-a-alala na nga din si Ate Eula kaya sinabihan ako na dapat ay dalawin ko na ito baka ano na ang nangyari doon.

'Di ko lubos maisip kung bakit gano'n ang nangyari kay Flin. Dahil ba sa nakita niyang bangkay? O, sa kinain naming pagkain sa restaurant?

Gaya ng plano ko. Sabado ngayon at pupuntahan ko si Flin. Pumunta ako sa condo niya. Ngunit sabi ng mga kapit-bahay niya ay wala raw ito ngayon sa condo nito. Mukhang umuwi raw ata sa bahay. Dali-dali naman akong sumakay ng taxi tsaka pumunta sa Villa niya.

Alam ko ang lokasyon nito dahil minsan na niya itong na ikwento sa akin. Ngunit hindi pa ako nakakapunta sa lugar na iyon. Ang maganda at malawak na Villa ng mga Rockwell.

Tumambad sa akin ang napakalaking gate. May mga bantay naman na nakapaligid. Lumapit ako.

"Ahm, magandang umaga po," bati ko sa mga guards ngunit nanatili lamang silang walang imik."Pwede ho ba pumasok?"

"Give me your pass card."

Ha?

"P-Pass card? A-Ano 'yon?" Kailangan pa ba 'yon? Di ako informed e.

"Yes. Ma'am. Hindi kayo makakapasok kung wala kayo no'n."

Napakamot na lang ako sa ulo ko."E, wala po ako no'n---"

"Makakaalis ka na."

Ano? Agad-agad!

"Girlfriend ho ako ni Flin! Dadalawin ko lang siya."

Sabay-sabay na napatingin ang apat na guard sa akin kasabay ang pag-usisa sa mukha ko.

"Kayo ho ba si Miss Aryano?"

Masigla naman akong tumango.

"Ako nga po! Marvie Fern Aryano."

Nagbulungan pa sila bago ako tuluyang pinapasok. Ginabayan naman ako ng isang guard papunta sa mismong Mansion.

Sobrang ganda ng lugar. Pang-fairytale ang datingan. Ang nilalakaran namin ngayon ay isang hallway na may mga magagandang bulaklak sa gilid. Ang ganda ng ambience. May mga puno rin sa paligid at may golf area pa.

Hindi ko naman maiwasang mapanga-nga ng nakatayo na ako sa mismong Mansion. Sobrang laki. At sobrang ganda!

"Nandito na po tayo," sabi ng guard.

Tumango naman ako.

"Mag-isa lang po ba si Flin dito?" tanong ko sa guard.

"Hindi naman, kasama niya riyan ang maraming katulong."

"Hindi niya kasama pamilya niya?"

Tumango naman ito.

"Minsan lang kasi pumupunta iyong pamilya niya rito." Nakakalungkot naman. "Halika na Ma'am, pasok na kayo sa loob." Iginaya naman ako ng guard papunta sa pintuan ng Mansion. Siya na ang pumindot ng doorbell. "May bisita si Sir Flin." Tumingin naman siya sa akin."Si Ma'am Aryano po, Girlfriend ni sir."

Agad na bumukas ang malaking pintuan.

"Sige, Ma'am aalis na ako," paalam ng guard.

Tinanguan ko na lamang siya. Tuluyan naman itong umalis. Napabaling naman ang tingin ko sa babaeng nasa harap ng pintuan. Nakasalamin ito at medyo matanda ng tingnan.

"Pumasok ka Hija," nakangiting sabi nito. Pumasok naman ako gaya ng sinabi niya, medyo nag-alangan pa nga ako, eh.

Nang makapasok na ako ng tuluyan ay napanga-nga na lamang ako sa sobrang ganda ng loob ng mansion. May hagdan sa gitna. At halos kumikinang sa paningin ko ang lahat ng gamit na nakikita ko sa loob.

Dangerous AllureWhere stories live. Discover now