CHAPTER 13

1K 61 9
                                    

SEIJI

GAYA ng pinag-usapan namin ni Ruth sa bar, kailangan kong isama si Marvie sa Amusement park para mamasyal. Tinawagan na ako ni Ruth kanina, at ngayong gabi namin isasagawa ang plano namin.

Lumapit naman ako kay Marvie na kasalukuyang nag-aayos ng kaniyang mga gamit. "Uuwi ka na ba?" tanong ko rito. Tumango naman siya. Ipinagpatuloy naman nito ang kaniyang ginagawa.

"Susunduin ka ba ni Flin?" tanong ko kahit alam kong hindi siya masusundo nito, si Ruth na ang bahala kay Flin.

"Hindi e." Tumingin naman sya sa akin."Nagpapahinga pa 'yon. Bakit mo naman na tanong?"

Napahawak na lamang ako sa batok ko. This is it Seiji! You can do this!

"A-Ako na maghahatid sa'yo. Sabay na tayong umuwi."

Napakurap pa siya ng dalawang beses. Ilang sandali pa ay lumitaw ang ngiti sa labi niya."Oh, sige. Baka bumalik pa 'yong mga lalaking naka-van, hehe."

Ha? Mga Lalaking naka-van?

"A-Ano---"

"Wala. Tara na?"

"Ha?" Ay bwisit! Bakit ba ang layo ng mga iniisip ko?! Tss. "Sige. Tara."

Nakasabay pa namin ang iilan naming mga kaklase sa pagbaba ng building. Nang dumating naman sa may parking lot ay kaniya-kaniya na ng pasok sa mga kotse.

"Ako lang ata ang walang kotse sa section natin. Ang yayaman niyo naman kasi," mahinang sabi ni Marvie. Binuksan ko naman ang pintuan ng kotse ko.

"Sakay na."

"Salamat."

Nang makasakay na kami ay agad kong pinaandar ang kotse. Tama si Marvie. Ang mga nag-aaral sa CS ay halos mayayaman. Kaya hindi na nakakapagtakang may kaniya-kaniya kaming kotse.

"Dumalaw ka na ba sa lamay ni Lauren at Sheen?" out of nowhere na tanong niya dahilan para makaramdam ako ng labis na takot. Kinikilabutan ako kapag binabanggit ang pangalan ng dalawang iyon.

"H-Hindi pa," sagot ko habang nasa daan ang paningin ko.

"Ako rin. Pero balak kong pumunta."

"Kahit ikaw ang sinisisi nila?"

Bumuntong hininga naman siya.

"Wala akong kasalanan. Hindi ako ang may gawa no'n sa kanila." Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagkuyom ng kamao niya."May kutob ako na isa sa mga kaklase natin ang may gawa no'n."

Ano?

"Paano mo naman nasabi? At tsaka sino?"

"Si Leguine."

WHAT? THAT WIERD GUY?!

"Si Leguine? Pero sabi ng mga pulis ay suicide ang mga nangyari sa dalawa."

Umiling naman siya."Pinagmukha lang na suicide ang lahat. Ang totoo ay pinatay sila."

"Ni Leguine? Wait, Marvie mali naman ata ang iniisip mo. Bakit naman papatay si Leguine?"

"Sinabi sa akin ni Flin na baka ginagawa niya ang bagay na iyon para protektahan ako."

Shit. Si Leguine? Sabi na nga ba, eh. May itanatago talagang sikreto ang lalaking iyon!

"Hindi ko lubos maisip na si Leguine ang gagawa nun." Binigalan ko ang takbo ng kotse. "I thought it was just a mere suicide. At na-fr-frame up ka lang. And it turns out that Leguine was behind all of this shits."

"Wala pa akong ebidensya, Seiji. But I think he had this disorder called Psycopath."

Psychopath?!

Ngumiti naman ng mapait si Marvie.

Dangerous AllureTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon