CHAPTER 11

997 63 1
                                    

MARVIE

DAHIL sa nangyari kahapon ay tila naging tahimik ang bawat isa sa amin sa loob ng room. Ang iba naman ay hindi muna pumasok para makiramay sa nangyari kay Lauren.

Kapag iniisip ko ang mga bintang sa akin ni Sheen ay napapaluha na lamang ako. Bakit ako ang sinisisi niya? Hindi lang naman ako ang Marvie sa mundo 'di ba?

Para akong nanghihina. Sa mga nanangyari nitong nakaraang araw, naubos ang lakas ko sa kakaisip ng mga posibleng sanhi at nasa likod ng mga 'di maipaliwanag na mga pangyayari. Napasubsob na lamang ako sa mesa ko. Nakakaramdam naman ako ng pagkaantok. Late kasi ako nakatulog kagabi.

Nattigil naman ang katahimikan na namamayani sa loob ng room namin ng marining ang iyak ng babae naming kaklase. Kahit ako ay napabangon mula sa pagkakaidlip.

"Anong nangyari Sharon?" tanong ng babae naming kaklase sa babaeng umiiyak ngayon. Nanginginig ang kamay nito habang hawak-hawak ang cellphone.

"S-Si Sheen. N-Natagpuang patay sa bahay nila!"

Parang tumigil bigla ang paghinga ko kasabay ang sobrang panlalaki ng mata ko dahil sa gulat.

P-Paanong?

Narining ulit ang paghagulgol ni Sharon. Nataranta naman ang iilang mga kaklase ko sa narinig nila. Kahit ang boys, halata sa mukha nila ang labis na pagkabigla.

"T-Teka... paano siya namatay?" Natatakot na tanong ng babae naming kaklase kay Sharon.

"B-Binuhusan ng m-muriatic acid ang buo niyang katawan."

Binuhusan ng Muriatic acid? S-Sino ang gagawa no'n?!

"At gaya ng kay Lauren," Tumingin naman sa akin si Sharon. Dahil doon ay ang lahat ng atensyon ng mga kaklase ko ay sa akin napunta, " nakasulat din ang pangalan ni Marvie sa lugar kung saan namamtay si Sheen."

A-Ano? Ako?

"Ano?! Sisihin niyo naman si Marvie?!" Malakas na sigaw ni Seiji."She's being frame up here! May isang tao na gumagawa no'n at si Marvie ang pinagmumukha niyang may kasalanan!"

Tumayo naman si Sharon sa kinauupuan nito."Pero sino ang taong iyon?! Bakit ba lahat ng umaaway kay Marvie ay namamatay?!" Pinunasan naman nito ang luha niya."Ano bang nangyayari sa section natin? Dalawa na ang namatay! Sino ba ang pumapatay?" Napa-upo na lamang siya kasabay ang paghagulgol. Pilit naman siyang pinapatahan ng mga babaeng kaklase.

"Ikaw." Nilapitan naman ako ni Luca. "May kinalaman ka ba sa mga nangyayari?" seryoso nitong tanong. Parang hindi siya ang Luca na kilala ko. Parang ibang Luca ang nasa harap ko. Napaka-seryoso ng mukha niya.

Napatayo naman ako mula sa aking kinauupuan. "Wala akong kasalanan." Tiningnan ko naman sila lahat. "Kung iniisip niyo na ako ang pumatay pwes nagkakamali kayo. Inosente ako at wala akong dahilan para gawin iyon sa kanila."

"Eh, kung hindi ikaw? Sino?" singit ng kaklase kong lalaki.

Sang-ayon naman ang iba sa tanong nito. Napabaling naman ang tingin ko kag Leguine na kasalukuyang nagbabasa ng libro. Para itong may sariling mundo at halatang hindi interesado sa mga nangyayari ngayon.

Sa kabila ng pagliligtas niya sa akin sa stock room, sa kabila ng pagligtas niya sa akin kahapon mula kay Sheen, sa kabila ng pagtatanggol niya sa akin, siya pa ang nakikita kong may posibilidad na gagawa no'n sa dalawang namatay na kaklase namin.

Naniniwala ako na siya ang pumatay sa dalawa. Kahit wala akong ibedensya. Malakas ang kutob ko. Alam kong isa sa amin dito ang gagawa ng ganoong bagay.

At si Leguine iyon.

"Nasa loob ng room na 'to ang salarin," sabi ko dahilan para umugong ang ang usapan ng mga kaklase ko. "Kilala niya si Lauren at Sheen. Nakikita niya si Lauren at Sheen. Alam niya ang mga kilos ni Lauren at Sheen. Kaya posibleng isa sa mga kaklase natin ang salarin."

Dangerous AllureWhere stories live. Discover now