CHAPTER 08

1.1K 69 14
                                    

MARVIE

ILANG minuto rin akong nakatayo sa labas ng gate ng matanggap ko ang text message galing kay Flin. Sinabi nitong hindi niya ako masusundo at sumakay na lang daw ako ng taxi. Hindi ito ang unang beses na hindi niya ako nasundo. Well, knowing Flin, masyadong busy ang taong iyon. Lalo na't nag-iisang anak lang siya ng mga Rockwell. Naiintindihan ko naman kahit papaano na hindi sa lahat ng oras ay lagi siyang nasa tabi ko.

Napabuntong hininga na lamang ako kasabay ang paglagay ng cellphone sa bulsa ko. Medyo ramdam ko na ang malamig na hangin. Sa tantya ko mga eight something na ngayon. Seven-thirty kasi ang dismissal namin. At siguradong hinahanap na ako ngayon nila Mama.

Naudlot naman ang pagmumuni-muni ko ng may humintong puting Van sa harap ko. Nakaramdam naman ako ng kaba. Ito 'yong mga nakikita ko sa tv e. May lalabas na mga lalaki diyan sa van tapos tatakpan ng panyo ang ilong at bibig ko, then kikidnapin na nila ako.

Bumukas naman ang pintuan ng Van at iniluwa doon ang tatlong lalaki. "Hi, Miss," bati sa akin ng lalaking nakasuot ng damit na green. "Mukhang hindi ka pa nakakasakay ah? Gusto mo hatid ka na namin sa inyo?" dugtong pa nito.

Ako? Ihahatid nila?"Ah, h-hindi na. Salamat." Anong tingin nila sa akin? Tanga?! Tss, style nila bulok! Alam kong may binabalak na masama ang mga lalaki na 'to.

Napatawa naman ng mahina ang lalaking may tatlong hikaw sa tenga."Sige na Miss, mukhang mahihirapan kang makasakay sa oras na 'to. Sumakay ka na, libre pa."

Inakbayan naman siya ng lalaking nakapula na may blonde sa buhok."Tama itong pare namin, kung sasakay ka sa amin, libre. Ano? Tara sakay na!"

Inismiran ko lang sila."Ayoko. At isa pa, hindi ako naniniwala sa mga pinagsasabi niyo! Ako? Ihahatid niyo ng ligtas? Tss, style niyo bulok! Mga kidnapper ata kayo e."

Nagulat ako ng lumabas mula sa van iyong lalaking may tatlong hikaw sa tenga."Pa-choosy ka pa, gusto mo rin naman." Naglakad naman ito palapit sa akin. Takte, bakit kasi walang guard sa gate na 'to?! Umatras naman ako. "Sumama ka na sa amin, promise, 'di ka namin sasaktan," nakangisi pang sabi nito.

Sinamaan ko naman siya ng tingin. "Sino niloko mo?! Tsk, bulok na 'yang mga linyahan niyo!" Patuloy naman siya sa paglapit sa akin dahilan para patuloy din akong umatras."Huwag kang lalapit kong ayaw mong masipa!" pagbabanta ko rito. Pero imbes na matakot ang napangisi lamang ito.

"Sino tinakot mo Miss?" Nagulat ako ng bigla nitong hawakan ang balikat ko."Sayang maganda ka pa naman, siguradong jackpot na kami sa'yo."

Sinusubukan talaga ako ng mukhang unggoy na 'to!

"Bitawan mo ako."

"Bakit anong gagawin mo?" Napatawa naman ito ng malakas."Sisigaw ka ng tulong? Kita mo 'yan? Walang tao rito sa labas. Di ka nila maririnig."

"There are eight basic skills in Taekwondo that you must learn and apply."

Naalala ko bigla ang turo sa akin ni Flin. Right. Oras na siguro para gamitin ko 'yong mga natutunan ko sa Taekwondo.

"Oh? Napatahimik ka ata. Sasama ka na ba sa amin?" Inilapit naman nito ang mukha niya sa akin."Sumama ka na kasi para hindi ka na masa---"

"These include... jumping front kick."

"Yaaah!"

"Fvck!"

"Jumping side kick."

"Shit! Argh!"

"Flying side kick."

"Argh! T-Tama na! Tama na!"

"Jumping spinning hook kick."

Dangerous AllureOnde as histórias ganham vida. Descobre agora