CHAPTER 14

997 59 10
                                    

SOMEONE

"SABIHIN mo na sa kaniya ang totoo," sabi ko sa kaniya dahilan para sumama ang timpla ng mukha niya. Itinigil naman nito ang pagbabasa. Kasabay ang pagharap sa akin.

"Then what? Para kamuhian niya ako? I'll never do that."

Napasandal na lamang ako sa pintuan ng kwarto niya "Siya ang sinisisi sa mga hindi magagandang nangyayari sa paaralan niya. You did it. Ikaw ang pumatay sa dalawang iyon."

"I'm just protecting her."

"Protecting?! Can't you see it? Nilalagay mo sa alanganin ang buhay niya! Bakit mo sinusulat ang pangalan niya?"

"Para layuan na nila si Marvie." Dumekwatro naman siya ng upo. Ininom naman nito ang kape niya.

"Layuan? Sinisisi nila si Marvie sa nangyari!" Nilapitan ko naman siya."Sinabihan na kita noon pa! Hindi mo na dapat ginawa yun!" Sinamaan ko naman siya ng tingin."Ayoko na siyang mapahamak. Ayoko ng siya ang sinisisi sa mga bagay na ikaw naman ang gumawa!" Tinalikuran ko naman siya."Kung hindi mo sasabihin sa kaniya. Ako mismo ang gagawa no'n."

Naglakad naman ako pabalik sa may pintuan. Pipihitin ko na sana ang doorknob ng may biglang lumipad na dagger sa gilid ko.

Muli kong ibinalik ang tingin sa kaniya.

"Hindi ka pa rin nagbabago. Dinadaan mo sa pagpatay ang lahat."

Nakapamulsa naman siyang naglakad palapit sa akin."Don't you dare to tell Marvie about the truth." Sinakal naman niya ako."This is my warning. I will kill you if you disobey me."

"I'm not your puppet. I had enough!" Tinanggal ko ang dagger na nakatarak sa may pinto. "Tigilan mo na si Marvie."

Napahalakhak naman siya.

"Why? You already love her?"

"N-Nag-aalala lang ako sa kaniya."

"Oh really? Your eyes doesn't tell the same as you said." Inagaw naman nito ang dagger sa kamay ko. "Don't you dare, Levi. Don't you dare."

"Sige, itarak mo yan sa akin. Pero sa huli malalaman pa rin ni Marvie ang katotohanan."

___

MARVIE

"Sir, nandito na po 'yong mga recipe para sa practical namin noong nakaraang araw." Inilapag ko naman sa mesa niya. "Sige ho aalis---"

"Huwag muna." Tumayo namn ito sa kinauupuan niya tsaka lumapit sa akin."Ang bilis mo naman."

"Ah, kasi---"

Nagulat ako ng bigla ako nitong isinandal sa may dingding."Sir? A-Anong ginagawa niyo?"

"Ang manhid mo naman." Unti-unti nitong inalapit ang mukha niya sakin. "Gusto kita Marvie. Matagal na."

Ano?! Napakunot naman ang noo ko kay Sir Derick. He's one of my favorite instructor. 30 plus na ang edad niya at ilang years na siyang nagtuturo dito. Bakit niya ginagawa ito? Kaya ba ang bait niya sa akin?

Pinilit ko namang kumawala mula sa pagkakacorner niya. Ngunit hinawakan nito ang magkabilaan kong braso tsaka inalagay iyon sa dingding.

"You're so beautiful, Marvie. Kaya ginaganahan akong magturo sa section niyo e." Unti-unti naman niyang inilapit ang katawan niya sa akin."I always looking at your fvcking sexy body. I really wanted to see you naked---"

"Tumigil na kayo! Hindi na kayo nahiya---"

"Shut up!" Kinuha naman niya ang tali sa may bulsa niya at walang pag-aalinlangan naman niyang itinali ang kamay ko. "Ayan. Hindi ka na makakatakas."

Dangerous AllureOù les histoires vivent. Découvrez maintenant