Chapter 4

32.2K 960 273
                                    

COUNTER PLAY

Chapter 4

Umaga pa lang ay nasa bahay na siya ni Hannah kahit mamayang hapon pa ang alis nito para sa conference.

Pinapasok lang siya nito sa bahay. Sa living room ay nakadapa doon ang anak niya. Nang makita siya ni TJ ay naglikot ito at inihampas ang dalawang kamay sa sahig.

“He’s happy you’re here.” Sabi ni Hannah.

How about you?

Gusto niyang itanong pero siyempre ay hindi niya ginawa.

“Ready ka na? Nakahanda na ba mga gamit mo?” Tanong niya kay Hannah.

“No, I’m not done packing.”

“Go ahead, ako na ang bahala kay TJ. Nag breakfast ka na ba?” Tanong niya ulit.

“Hindi pa. Actually kakagising lang naming dalawa ni TJ.” Sagot ni Hannah at tumango naman siya.

“Ako na rin ang bahala sa almusal, go and start packing.”

“Okay, thanks.” Sagot ni Hannah at sumulyap muli kay TJ bago pumasok sa kwarto. Kinalong naman niya si TJ na ihinilig ang ulo sa balikat niya.

“Missed me? I missed you too.” Hinalkan niya ang ulo noo ng anak niya at ngumiti ito sa kanya at muling ihinilig muli ang ulo sa balikat niya. “Let’s make breakfast for your Mama, okay?”

TJ squealed and wriggled his legs.

“You’re happy, little man?”

TJ smiled again at him, and they started to work.

"I'm happy when I'm with you too."

-

“Gusto mo ihatid na kita sa airport?” Tanong niya kay Hannah nang ilabas nito ang maleta sa kwarto at dalhin sa living room.

“H’wag na. Nag rent ang ospital ng van para sa amin.”

“Then sa ospital na lang kita ihahatid, marami kang dala.”

“Okay, thanks. Could you stop by the pharmacy later?”

“Sure, anong bibilhin ko?”

“Vitamins ni TJ. Meron pa naman pero bumili ka na rin mamaya.”

“Okay.”

“I’ll leave a list of things you need to do for TJ. Iiwan ko rito sa ref.”

Tumango siya habang inilalagay ni Hannah ang papel sa ref at kinuha si TJ. Kinuha naman niya ang maleta ni Hannah at inilagay iyon sa sasakyan. Kasunod niya ang mag ina habang ginagawa niya iyon.

“I can’t believe I’m leaving you for a few days.” Narinig niyang sabi ni Hannah kay TJ at nang lingunin niya ito ay bumalik ito sa loob ng bahay. Nang sumunod siya rito ay humihikbi na ito at pinupupog ng halik si TJ. “H’wag na kayang pumunta si Nanay sa conference? Dito na lang ako?”

“Hey, I’ll update you all the time. You should go, ako na ang bahala kay TJ, wag kang mag alala.”

Nang magsalita siya ay bumalik ang composure ni Hannah. Huminga ito ng malalim at naging kalmado na ulit. Kay TJ lamang talaga lumalambot si Hannah.

“I’m not worried, alam kong aalagaan mo siya ng mabuti. Ano kasi, ngayon lang ako malalayo kay TJ.”

“Tatawag ako, okay? May video calls na rin naman, we will do that.”

Tumango si Hannah at muling huminga ng malalim.

“Let’s go.” Sagot niya at sumunod na rin si Hannah sa kanya papunta sa sasakyan.

Counter PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon