Chapter 11

25.8K 784 191
                                    

COUNTER PLAY

Chapter 11

“What?” Tanong ni Hannah sa kanya nang habang nag aalmusal sila.

“Nothing.” Sagot niya at humigop ng kape. Alangan namang sabihin niyang pinapantasya niya ito? Nang halikan nga niya ito kahapon ng tanghali ay hindi nito iyon nagustuhan. Lalo na siguro kung sasabihin niya ang nangyari dala ng imahinasyon niya.

“Hmm? You seem distracted.” Sabi ni Hannah. Of course he’s distracted. May makamundo siyang ideya na ito ang kauna -unahang karakter. Kung sana ay totoo na lamang na nangyari iyon, baka doon siya gumising sa tabi nito ngayong umaga at tiyak siyang yayakapin pa niya si Hannah ng matagal sa ilalim ng kumot. Tiyak niyang nasa alapaap siya.

“Wala ‘to, medyo inaantok pa ako pero magigising din ako mamaya.” Itinaas pa niya ang tasa ng kape rito. Talagang mapagpanggap din siya kung minsan.

“Okay. Wala ka bang trabaho ngayon? Magkasunod na araw ka ng narito.” Sabi nito sa kanya at uninom naman ng tsaa.

“About that, pupunta ako ngayon sa opisina. Wala ka bang ibibilin na bibilhin? Kayo ni TJ, or do you want me to take TJ?”

Maigi pa nga siguro na magbago na sila ng topic bago pa hindi na siya makatayo sa upuan niya nang hindi nahihiya kay Hannah.

“Okay lang ba? Hindi ako nakapag abiso sa nanny niya agad.”

“No problem. Did you hear that, Cosmos? Sasama ka kay Daddy ngayon, ibig sabihin ay maglalayas ka na naman.” Sabi niya a hinaplos ng likod ng daliri niya ang pisngi ng anak. Humagikhik ito sa kanya at inihampas ang dalawang kamay sa lamesa habang ang mga binti ay hindi magkaintindihan sa pagkawag.

“I’ll pack his things, pakainin mo na muna siya.” Sabi ni Hannah at nagpunta na ito sa kwarto.

Binuhat niya si TJ matapos pakainin dahil masyado na itong masaya. Dinala na rin niya ito sa banyo dahil maigi pang paliguan niya ito para hindi na iyon gagawin ni Hannah.

-

Sa byahe ay rinig niyang masaya si TJ. Masaya rin naman siya lalo pa at pang edad ni TJ ang sounds na pumapailanlang sa loob ng sasakyan.

“Bibili tayo mamaya ng dadalhin natin sa Nanay mo. Bibili rin tayo ng kahit anong gusto mo. Pero kapag ibinili kita ng karuan tiyak na papagalitan lang ako ng Nanay mo. Sasabihin marami ka ng laruan.”

Itinaas ni TJ ang laruan na hawak at ipinukpok iyon sa tabi nito.

“Alright Cosmos, Daddy will get you more toys. Basta iiyak ka sa gabi tuwing uuwi na ako para mapilitan ang Nanay mo na doon na ako patulugin hanggang sa doon na rin ako titira, deal?”

Ang hagikhik nito ay itinuring niyang pag sang-ayon nito sa kanya.

Habang nagmamaneho ay may nakita siyang bagong tayo na building sa may plaza sa city proper malapit sa bahay ni Hannah. For lease ang sign na nakasabit doon. Naisip niyang pwedeng magtayo ng business doon o di naman kaya ay opisina.

He might think about something to put up somewhere near, considering that his family lives in the area.

He’ll draw a plan later in the office.

-

“Ready to see your Uncle Dev and the rest of the gang?” Tanong niya sa anak na humilig sa balikat niya. Mukhang dahil tapos na ang byahe ay inaantok na ito. He kissed his temple and proceed to enter their office.

“Hi baby!” Agad na sabi ni Karen nang makita silang mag ama.

Wala namang reaksyon na nakuha kay Jabril.

Counter PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon