Chapter 6

30.7K 891 238
                                    

COUNTER PLAY

Chapter 6

“Para saan ang bulaklak?” Tanong ni Hannah sa kanya nang dumating siya sa bahay nito na may dalang isang bungkos ng sari -saring bulaklak.

“Ah, this? Nothing. May nadaanan akong flower shop kanina, naisip ko na bagay sa living room.” Katwiran niya. Hindi siya makapagsabi ng totoo, umaatras ang dila niya dahil pa lang sa tingin ni Hannah. Pakiramdam niya ay tumatagos ang tingin nito hanggang sa kaluluwa niya.

“Anyway, it’s Sunday. Do you have any plans?” Tanong niya kay Hannah.

“Wala naman pero I’ll read a book.”

“Is it one of your historical romance novels?” Tanong niya. Alam niyang nagbabasa si Hannah ng mga gan’ong libro. Sa totoo lang ay nagbasa rin siya ng historical romance lalo na noong panahong nagpapagwapo pa siya kay Hannah. Maybe he’ll do that again.

“Yes. Bumili ako ng ebook kanina.” Sagot ni Hannah.

“Okay, my lady. Read your book in the garden and I’ll bring your tea.” Sabi niya at kinuha si TJ mula rito. Nakita maman niyang umikot ang mga mata ni Hannah pero umiling lang ito at kinuha ang phone nito. Lumabas ito sa backyard at naupo sa may picnic table.

He prepared the tea with TJ in his arms. His son is giggling again.

-

Nang dalhan niya ito ng tsaa ay nakapagsimula na itong magbasa. Hindi naman niya inabala ito at pumasok silang dalawa ni TJ sa loob ng bahay. Binuksan niya ang TV at nanuod silang dalawa ng show na pwede kay TJ.

He chose the show “Paw Patrol”. Opening song pa lamang ng palabas ay dinaig pa ng anak niya ang mga dancer sa disco. Kinailangan niyang higpitan ng bahagha ang hawak sa anak dahil talagang naglikot ito. He’s bouncing like a ball.

“You like that, Cosmos?”

Habang nakatutok ang mga mata ng anak sa TV ay nakatutok din naman ang mga mata niya kay Hannah na nakatalikod sa kanila.

He’s imprinting her image in his mind.

“She’s reading one of her historical novels when we first met.” Kwento niya kay TJ. Saglit itong tumingin sa kanya pero agad rin nitong ibinalik ang atensyon sa TV. “Nasa café siya at papasok ako dapat sa trabaho. She’s exactly my type kaya nagpapansin talaga ako sa Nanay mo. I approached her.”

Napangiti na lang siya pero agad rin siyang napabuntong hininga.

“Alam mo kung anong sabi sa akin ng Nanay mo n’ung nilapitan ko siya?” Tumingala si TJ sa kanya at bilog na bilog ang mga mata nito. “Mister, let’s talk later. I’m going to finish my book first.” He said, mimicking Hannah at tumawa si TJ sa kanya.

“Alam mo ‘nak, okay lang naman yung sinabi niya sa’kin. Ang kaso ni hindi pa yata siya nakakatapos sa chapter one, eh ang kapal n’ung libro.” Dagdag pa niya sa kwento at humagikhik muli si TJ.

“Alam ko namang hindi niya matatapos ‘yon doon sa café kaya hinintay ko siya. Akala yata kasi ng Nanay mo makakaligtas pa siya sa akin.”

Mapait siyang napangiti. Despite being head over heels for her, he chose to push her away.

Nakasandal sa kanya si TJ at tuwang tuwa sa pinapanuod. Ito ang bunga nilang dalawa at ayaw niyang mawalan ng pag asa kay Hannah. She’ll do what’s best for TJ at ganoon din naman siya. Maybe he should take advantage of that fact.

“’Nak, let’s go out? Ibili natin si Nanay mo ng mga gusto niya? Mahilig ‘yan sa dark chocolates at pinapapak niyan ang cereal, mahilig din sa salad iyang nanay mo.”

Counter PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon