Chapter 23

51.5K 1.5K 407
                                    

COUNTER PLAY

Chapter 23

Mag iisang taon na si Jabril kaya’t kasama niya ang mag anak niya sa siyudad. Makikipag usap sila sa isang event organizer na recommended ni Lillian sa kanila. Dahil wala pa siyang bahay ulit sa siyudad ay sa isang hotel muna sila tumutuloy.

Pero bago nila ma-meet ang organizer ay sa football game muna sila pupunta. Naroon na sina Devlin nang dumating sila. Nag w –warm up na ang mga ito. Napansin niyang hindi na kasali sa game si Karen at nakaupo na rin lamang ito sa bleachers katabi ni Lillian at Stephanie.

Hawak niya ang kamay ni Hannah habang sa isang kamay niya ay naroon si Jabril na waring namamangha sa laki ng field at sa mga manlalarong naroon. Ang mga binti ay nagkukumawag sa braso niya.

“You want to play football, Cosmos?” Tanong niya rito at tumawa lamang ito sa kanya. “I’ll teach you once you are good at running.” Sabi niya rito at hinalikan ang sintido nito.

“Hey, Tom!” Si Wesley iyon at kumaway sa kanila.

“We will sit with the girls.” Saad ni Hannah. Noon niya napansin na kinakawayan na rin sila nina Lillian.

“Okay.”

Inihatid niya ang mag ina niya kung saan nakapwesto ang mga kaibigan niyang babae sa bleachers.

“Hi girls.” Saad niya.

“Hi, Miss Hannah, hello, baby TJ.” Si Lillian iyon.

“Hun, you haven’t met Stephanie. I told you she’s our new associate.” Pakilala niya kay Hannah kay Stephanie.

“Oh, hello. I’m Hannah.” Si Hannah na ang nagpakilala sa sarili kay Stephanie. Nagpakilala na rin dito si Stephanie at nag hand shake ang dalawa.

“Go and play.” Sabi ni Hannah sa kanya at kinuha na nito sa kanya si Jabril. Ngumiti siya rito bago siya bumaba sa field.

-

“Mauubos ang fans mo ngayon galing sa kabilang team dahil may kasama ka na ngang babae, may kasama ka pang baby.” Biro ni Devlin sa kanya.

“Ayos nga ‘yon para mapansin na nila ako.” Singit ni Cyrus at humalakhak siya sa sinabi nito. Nilingon niya si Hannah at hindi mawala ang ngiti niya dahil nakatingin din ito sa kanya at nakangiti. Ang anak niya ay naka focus naman ang atensyon sa kung anu –anong bago sa paningin nito.

He can have a moment like this every weekend. Dear God, how thankful he is for giving him another chance to this kind of ethereal happiness. He feels like he doesn’t deserve this so he will cherish this, his Hannah, his family until forever and beyond.

Nang magsimula siyang maglaro ay lalo lamang lumawak ang ngiti niya dahil habang tumatakbo sila sa field ay naririnig niyang humahagikhik ang anak niya. Panay rin ang pag palirit nito na tila ba nag c-cheer sa kanila.

Hindi sila nanalo sa game pero mukhang wala namang may pakialam sa kanila kung manalo man sila o matalo. Ibinaba niya si Jabril sa field at hinawakan ang magkabilang kamay nito upang akayin sa paglalakad sa field. Si Hannah ay kausap pa rin nina Lillian.

“Talagang mauubos ang fangirls mo n’yan, Tom. Nagpapalakad ka na ng anak.” Si Devlin ulit.

Like he care.

“Hindi ‘yan, may ilan pa ring nakamasid kay Boss, baka hot daddy ang hanap.” Cyrus teased.

“Well if that’s the case then sorry na lang sa kanila, hindi na sila mapapansin ng isang ‘to. Pero mukhang merong isa rito sa atin ang may bagong masugid na fan.” Dagdag ni Devlin.

Counter PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon