Chapter 22

24.9K 871 99
                                    

COUNTER PLAY

Chapter 22

Bukas pa ang ilaw sa loob ng bahay ni Hannah nang dumating siya. Nang kumatok siya ay agad na bumukas ang pinto. Sumalubong sa kanya si Hannah at ang anak niya na agad na humagikhik nang makita siya.

“I missed you too, Cosmos.” Saad niya at kinuha ito mula kay Hannah.

“Come in. Kumain ka na ba?” Tanong nito. Kasunod siya nitong pumunta sa kitchen.

“Hindi pa, pero ako na ang bahala.”

“Hindi pa rin ako kumakain, sumabay ka na sa akin.”

Hinayinan siya ni Hannah habang pinapanuod lamang niya ang ikinikilos nito. Kinuha rin  ito si Jabril sa kanya at iniupo sa high chair.

“Eat, you look tired.” Saad ni Hannah at mas inilapit pa ang pinggan sa kanya.

“Okay.”

“Drink this tea also. Then take a warm bath after.”

Tumango lamang siya sa mga sinabi nito. Hindi pa rin sila nakakapag usap pero iniintindi siya nito ngayon. Marahil ay dahil nga sa pagkawala ng kanyang ina.

“Thanks.” Saad niya at tahimik silang kumain. Ang tanging maingay ay ang anak nila na panay ang tawa at hawak sa kamay nilang dalawa ni Hannah.

-

He went to work the next day feeling melancholic. But he immediately put a rein to his emotion and focused at his work.

Madilim na rin sa labas nang mag desisyon siyang huminto. Kinuha niya ang cellphone para tawagan si Hannah at noon lamang niya napansin na may message pala ito sa kanya.

“Anong oras ka uuwi?” Ayon dito.

Imbes na mag reply ay tinawagan niya ito.

“Hey, medyo ma l -late siguro ako. Paalis pa lang ako sa opisina, may ibibilin ka ba?” Tanong niya rito.

“No, wala naman. Naisip ko lang na usually narito ka na sa bahay ng ganitong oras.”

“Sorry, hindi ko napansin ang oras.”

“It’s okay, ingat ka sa byahe.”

“Yes. Thank you.”

Inayos niya ang mga gamit niya at lumabas na rin. Bago siya makapag start ng sasakyan ay nag vibrate ang cellphone niya.

“Doughnuts. Get some doughnuts.” Message iyon galing kay Hannah at napangiti na lamang siya.

-

“Hi.” Bati niya nang pagbuksan siya ni Hannah ng pinto. Itinaas niya ang kahon ng doughnuts na request nito. “I’m sorry I’m late, medyo may traffic kasi.”

“Okay lang, pumasok ka na dahil gising pa si Jabril.”

“Dada!” Saad ni Jabril at gumagapang ito papalapit sa kanya. Napakaganda ng ngiti sa kanya ng anak. Kabisadong kabisado ang kiliti niya.

“Hi, Cosmos.”

Sa kusina ay nagsimulang gumawa ng kape si Hannah habang sa living room ay naglalaro silang dalawa ni Jabril.

Umakyat sa dibdib niya si Jabril at dumapa ito roon makalipas ang ilang segundo. He lifted him and started to blow raspberries on his chubby cheeks. Panay naman ang hagikhik ng anak niya.

“You’re in a good mood, huh?” Tanong niya rito at lalo lamang lumakas ang tawa nito. Filling the whole house with his laughter.

“Anong ginagawa niyo?” Narinig niyang tanong ni Hannah mula sa kusina.

Counter PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon