Chapter 5

30.9K 980 326
                                    

COUNTER PLAY

Chapter 5

Nasa isang café sila sa mall nang maramdaman niyang nag v -vibrate ang cellphone sa bulsa sa loob ng suit niya. Si Hannah iyon na nag rerequest ng video call.

Agad niyang sinagot iyon dahil gising pa rin si TJ na ngayon ay may mga bagong laruan galing sa mga kaibigan niya. Nalilibang ito sa kakahampas sa lamesa ng bagong stuff toy na galing kay Devlin.

“Hi.” Sagot niya. Hindi naman nakaligtas sa paningin niya ang pagkunot ng noo ni Hannah.

“Nasaan kayo?” Tanong nito agad.

Yari na. Talagang alam kaagad ni Hannah, napakabilis makapansin.

“Uh … nasa café sa isang mall.” Sagot niya. Eksakto namang humilig sa kanya si TJ habang nakatingin sa screen.

“Akala ko may trabaho ka ngayon?” Tanong ni Hannah.

“We took a break.” Sabi niya.

“Hi, Hannah!” Si Wesley na sumingit sa likuran niya at humarap din kay Hannah.

“Oh, hi Wesley.” Sagot ni Hannah at halatang nagulat ito.

“Si Miss Hannah ba ‘yan?” Tanong ni Karen at si Wesley ang sumagot. Ang kasunod ay nasa likuran na rin niya si Karen.

“Oh, hello po, Miss Hannah!”

“H -Hi.”

TJ giggled at gusto yata nito ang nangyayari, tumitingin ito kay Karen at Wesley tapos tsaka titingin kay Hannah na para bang ipinakikilala sa ina ang mga kasama.

“I can see you’re busy, mamaya na lang ako tatawag.” Sabi ni Hannah.

“Uhm, okay. I’ll explain later.”

“Okay.”

Nagpaalam si Hannah sa kanila at pinutol ang tawag. Bumalik naman sa kani -kanilang mga upuan si Wesley at Karen.

Hindi naman niya ipinahalatang dismayado siya. Hindi kay Hannah kundi sa mga kaibigan. Alam niyang gusto ni Hannah na kausapin ang anak pero ayaw nito ng audience.

“Nailang yata sa amin si Miss Hannah, sorry Tom.” Sabi ni Karen.

“Mamaya na lang kami mag uusap.” Sabi niya rito.

“Sa susunod isama natin si Hannah.”

“No.” Sagot niya kay Wesley at sinimangutan siya nito. Dumating naman si Devlin at si Lilliam at naupo sa bakanteng upuan.

Hannah won't like it. Given the situation, he is sure that Hannah won't say yes.

“What did we miss?” Tanong ni Devlin.

“Tumawag si Miss Hannah, she’s so pretty.”

“Oh, sayang di ko inabutan.” Sabi ni Lillian.

“Kaso nailang yata sa amin.”

Hindi naman siya umimik pa. Lalo pa at parang mapapapikit na si TJ sa braso niya. Napangiti na lang siya dahil parang pinipigilan nitong magmulat ng mga mata.

Inayos niya ang pwesto nito sa braso niya at hinele ito. Wala pang tatlong minuto ay pikit na ang anak niya.

“He’s so cute.” Puna ni Lillian. “He’s an angel.”

“Gusto mo ng angel, Lillian?” Tanong ni Wesley rito.

“Bakit?” Kunot noong sagot ni Lillian.

“Wala lang, naisip ko lang na baka gusto mo ng angel pero ‘yang boyfriend mo demonyo.” Wesley teased, and everybody laughed. Maliban kay Devlin.

Counter PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon