Chapter 18

25K 748 232
                                    

COUNTER PLAY

Chapter 18

Mag iilang buwan na rin mula nang umaligid siya at bumalik kay Hannah at Jabril. May progress naman ang relasyon nila dahil hindi na kasing suplada gaya ng noon si Hannah sa kanya. Mas madalas na rin siyang kinakausap nito at mas marami na silang pinag uusapan. Nagkukumustahan na rin sila ng mga araw nila hindi gaya noon na tungkol kay Jabril lamang ang pinag uusapan nila.

Lumabas siya ng opisina bitbit ang isang kahon kung saan naroon ang mga order niyang libro para kay Hannah. Sasabayan niya itong magbasa mamaya. Pero bago iyon ay dadaan muna siyang ospital, naroon na si Chloe at hinihintay siya.

“Hey, aalis ka na agad?” Tanong ni Devlin sa kanya.

“Yes, dadaan pa akong ospital. I’m with Chloe. Bakit?” Tanong niya.

“Wala, but I think you should talk to Cyrus.” Sabi ni Devlin at napapailing ito.

“Why?” Kunot noong tanong niya.

“May bagong boyfriend kasi itong si Karen, kaya parang sinakluban ng langit at lupa itong bata natin.” Paliwanag ni Devlin.

“Wait, what? May boyfriend si Karen?” Napakurap siya.

“Yes, hindi mo ba alam? Mag iisang buwan na yata.”

“What the hell?! I didn’t know that!”

“Well, now you know.”

“Sandali nga, ano pang hindi ko alam? Parang ang daming nangyayari rito na hindi ko na yata alam.”

“Wala namang bago. Sinasabihan naman kita kapag may ganap dito. Anyway, bago ka umalis may concern pala akong gustong sabihin sa’yo.”

Nahilot niya ang sintido dahil hindi pa rin tinatanggap ng sistema niya ang impormasyong sinabi ni Devlin tungkol kay Karen.

“What is it?”

“Mas marami na ang nagiging mga client natin and since you’re busy with your family at naiintindihan naming ang lagay mo, I think it’s best if we add another member to the crew.”

“Okay.” Sabi niya. “Then hire another staff too, Karen cannot accommodate us all, baka mamaya ay layasan na tayo n’yan.”

“No problem, pero kausapin mo si Cyrus, kausapin mo na rin si Karen.” Sabi ni Devlin.

“Sure.” Nagpaalam na siya rito at ganoon din kay Lillian na sumilip sa kanila ni Devlin.

-

“Ano naman iyang dala mo?” Tanong ni Hannah nang dumating siya sa bahay.

“Ah, books.” Sagot niya.

“Oh, more historical romance books?” Tanong nito.

“Yes and children’s books for Cosmos.”

“That’s nice. Open it.” Sabi ni Hannah. May palagay siyang natutuwa ito sa dala niyang libro.

Nanlaki ang mga mata nito nang makitang puro complete series ang binili niya.

“You like it?” Tanong niya. Dinampot nito ang isang bundle ng libro.

“I love it, though nabasa ko na ‘to.” Sabi ni Hannah.

“Kaka-release lang niyan nabasa mo na agad?” Saad niya at naisuklay ang daliri sa buhok.

“Oo, narelease na rin kasi yan sa ebook, last year pa nga, eh.”

“Damn it.”

“Oh don’t worry about it, babasahin ko ulit ‘yan. Plus mas okay ang physical book since I can smell the pages.” Sabi ni Hannah at inalis ang plastic wrap ng libro upang amuyin ang mga pahina.

Counter PlayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon