Kadena 9

121 9 0
                                    

Nag aabang sa di kalayuan ng simbahan si Greg kung saan ikakasal ang ama.
"Church wedding pa talaga.. Hindi na natakot sa Diyos.. " inis niyang sabi sa sarili.

Nakita niyang isa isa nang nagdadatingan ang mga bisita ng ama niya.

Kinontak na niya si Samuel para sabihing sumunod na siya sa simbahan.

Samantala, tumawid ng kalsada ang magkaibigan para magpunta sa simbahang malapit sa lugar nila.

Itinuro ni Michelle ang simbahan.
"ayan na Maria, malapit na tayo. " pero biglang napahinto sa paglakad nang may napansin.

"napakalaki naman ng bahay sambahan na yan? " nalulula sa laki at ganda ng simbahan.

"teka lang.. Mukhang may ikakasal..."

Napahinto rin si Maria.
"kasal??-- talaga may ikakasal, halika manood tayo." yaya nito at nauna nang lumakad.

"Hey Maria saglit.. Mukhang bigatin yan! Baka hindi tayo papasukin" habol nito sa kaibigan.

Binilisan niya ang pagtakbo para mahabol si Maria.
"sa likod tayo dumaan friendship.. "

Agad namang huminto si Maria at sabay silang pumasok sa likod ng simbahan.

Sa kamamadali ni Samuel hindi na niya napansin ang dalawang babaeng tumatakbo.

Ilang segundo at nagsalpukan silang tatlo.
"arayku.. Hoy anlaki laki ng mata mo pero nakuha mo pa kaming bungguin! " inis na sabi ni Michelle.

"kayo nga itong pahara hara sa daan!" reklamo ni Samuel.

Sinampal siya ni Michelle.
"Bastos ka! Wala kang respeto sa mga babae.. "

Nagulat si Samuel.

Pinuntahan ni Michelle ang kaibigan na tumilapon sa gilid ng kalsada sa lakas ng impact ng salpukan nila.

"naku friendship ok ka lang ba?"

Nanlaki ang mga mata ni Samuel nang makita niya na ang bag na naglalaman ng pera ay nasa ilalim ng ulo ng nakabungguan niya.

Mabilis niyang tinakbo ito. Nang makarating, tatangkain niyang hilahin ang bag, pero nahinto siya nang makita ang mukha ni Maria.

"a-aray ko.. " sinapo ni Maria ang ulo niya.

Matagal niyang tinitigan ang mga mata ni Maria.

Napansin naman ito ni Michelle.
Sinampal niya muli si Samuel.

"abah hindi lang pala malaki ang mata nito may pagkamanyakis pa!" sigaw nito sa kaniya.

Natauhan si Samuel. Saka mabilis na kinuha ang bag. Binuksan ito para maicheck kung ito ba ay nabawasan.

Nakita ito ni Maria. Mga kaparehang kulay ng perang ipinakita sa kaniya ni Michelle. Maraming marami ito na nasa loob ng bag.

Napatitig si Maria kay Samuel.

Mabilis na naizipper ni Samuel ang bag saka tumakbo palayo sa kanila.

"nakita mo ba yon? --" mabilis na tanong ni Maria sa kaibigan.

"ang alin? Wala akong ibang nakita kundi ang bastos na lalaking iyon na may malaking mata!" masungit na sabi ni Michelle.

"marami siyang pera Mitch.. " sambit niya habang minamasdan ang pagtakbo ng lalaki.

Nakita nilang lumiko na ang lalaki sa gilid ng simbahan.

Kinatok ni Samuel ang bintana ng sasakyan ni Greg.

Pinapasok siya agad ni Greg.
"you're late.. Entourage na ng kasal.."

"may bumunggo kasi sa akin sa daan kanina."

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon