Kadena 80

75 6 7
                                    

Binuksan ni Greg ang malaking bintana na nasa harap ng kama para pumasok ang sariwang hangin at sinag ng araw. Hinawi rin niya ang makapal na kurtina para lalong pumasok ang mga ito. Saglit lang siya naka idlip, hinintay niyang magkamalay si Maria. Pero dumating na nga ang umaga at hindi pa rin nagigising si Maria.

Kumatok si Delia sa pinto ng kwarto para ibigay ang kapeng barako ni Greg. Nang maibigay ito ay nagpunta siya sa veranda para magpahangin din.

Makailang beses siyang humigop nito, hindi pa rin maalis sa isip niya ang reaksyon ni Maria kagabi.

"shit.. Tama ba ang ginawa ko? Nasobrahan ko yata ang pagbabanta sa kaniya. Sobrang takot na takot siya. " sambit ni Greg.

Sabado ngayon, araw ng pagpunta nila sa condo para kumustahin si Samuel. Pero parang ayaw niyang umalis ngayon ng mansyon at gusto niyang nasa tabi lamang siya ni Maria.

Humigop muli siya ng kape nang tumunog ang cellphone niya. Galing ang tawag sa kaibigan nitong ipinakisuyo sa pag-trace kung kanino nakapangalan ang address na nakita nito sa palad ni Maria noong nakaraang gabi.

"Carlito Suarez?? -never heard that name before. Hindi ko siya kilala? Pakisend mo na lang ang direksyon ng lugar na yan.. Maraming Salamat. " hayag ni Greg.

Nagkusa ang kausap niya na siya na ang bahalang kumuha ng kompletong impormasyon tungkol kay Carlito Suarez.

"it's really a big favor bro but thank you for your offer. Balang araw makakabawi rin ako sa'yo.. " sagot niya.

Tumugon ang kausap at sinabing kulang pa ang ginagawa niya sa pagtulong nito sa kaniya sa isang taong tuition fees nito nong nag aaral pa siya ng kolehiyo.

"don't mention it anymore, you deserved to help bro! " hayag niya sa kausap.

Nabaling muli ang tingin niya sa asawa nang patayin ang cellphone nito.

"I have to convince you Maria to file a case. Kailangan pagbayaran ng sinumang gumawa non sa'yo at ang pagpatay sa Lolo at kaibigan mo. " diin ni Greg sa kaniyang isip.

Naubos na niya ang kape pero hindi pa rin nagkakamalay si Maria.

Bumalik siya sa kama. Ibinaba niya ang blanket ni Maria hanggang sa bewang nito. Nakita niya ang hubad na katawan nito. Naalala niyang hindi na niya pala ibinalik kagabi ang Blouse niyang tinanggal nito sa harapan niya.

Hinanap niya ang blouse sa sahig para isuot muli ito sa asawa.

Madali niyang naipasok sa ulo ni Maria ang damit. Naipasok na rin ang magkabilang manggas sa kaniyang magkabilang braso.

Kinailangan niyang ipatagilid si Maria para maibaba niya ang damit sa likod nito.

Pero natigilan siya nang makita ang mga paso ng sigarilyo sa likod niya. May bakas rin ng hampas ng latigo siyang nakita. Tuyo na ang nga ito pero bakas na bakas ang hirap na ginawa kay Maria. Marahan niya itong hinaplos.
Naramdaman na lamang niyang tumutulo ang luha niya nang mapansing bumabagsak na ito sa kama.

Napailing si Greg.

"this really breaks my heart my love.. Sobra ang pagpapahirap na ginawa sa'yo. " nasambit na lamang ito ni Greg.

Ibinaba na niya ang blouse at ibinalik sa pagkakahiga si Maria.

"mananagot ang gumawa nito sa'yo. Isinusumpa ko, matatahimik lang ako kung mismong ako ang magpaparusa sa gumawa nito sa'yo. " sa isip ni Greg.

Minasdan niya ang mukha ni Maria..

"sana hindi na kita pinakawalan nong gabing yon.." nasambit na lamang niya.

KADENA_DE_AMORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon