Kadena 96

25 5 1
                                    

Tuwang tuwang pinakikinggan ni Lionel ang salaysay ni Mitch tungkol sa pagkikita nila ni Greg.

"Well it's good to hear your history together! Mabuti na lang pala at naging pasyente ka niya dahil kung hindi.. Hindi kayo nagkakilala?--- But did you know it already that he's a billionaire grandson of Fuentebello?" maagap na tanong ni Lionel.

Sinagot agad ito ni Mitch.

" Well sir actually when we first met I have no idea about it. Workaholic Po kasi ako at hindi ako mahilig makibalita sa nangyayari outside my world. Kahit sa social media, I never get interested into it kaya he's really unfamiliar to me. Nagulat na lang ako, dahil inaasar na lamang akong babaeng glow in the dark.. yong out from nowhere pero nagawang paibigin ang isang Fuentebello." salaysay ni Mitch.

Sumingit si Greg para suportahan ang sinabi ni Mitch.

"That's true Ninong! I can't believed at first that she didn't know me?! Samantalang sikat na sikat na ako sa social media noon.. Ang bansag nga sa akin ay 'the handsome doctor of social media'. Akala ko nag iinarte lang siyang kunwaring di ako kilala.. pero ito ang nakakagulat Ninong! When she found out about my family history, she broke up with me ng ganon-ganon lang..?" balita ni Greg.

Natawa ang dalawa.

"Sino ba naman ang hindi makikibreak sa'yo.. sa gaya mong bilyonaryo! Ayokong ma-issue sa'yo at sa buong bansa lalo na at kilala na siya sa social media. I chose to stay in my own community, in my own box and the life I used to have before I met you. Mahal ko si Greg but I think we can never have forever because we're in different world. And so I decided to broke up with him.." dugtong ni Mitch.

Napakunot noo si Lionel.

"Wow this is the first time that I heard a woman refused to Greg?! " Di makapaniwalang tanong nito.

Tumawa si Greg.

"Kaya nga Ninong?? --- " asar ni Greg.

Pinitik ni Mitch ang ilong ni Greg.

"Anong kaya nga Ninong??" asar din ni Mitch.

Nagtawanan sila.

Sumeryoso si Greg at nagsalaysay rin.

" Pero dahil sa ginawa niya lalo ko siyang minahal. Because she proved to me that she's not after my money.. kaya niligawan ko siya ulit and tried to win her heart again.." masayang sabi ni Greg.

Kitang kita ni Greg na napapaniwala na nilang dalawa si Lionel.

"That's good Ninong.. just believe on us.. " sa isip niya.

Napasulyap din siya sa relo niya at umilaw ito sa dakong kanluran kaya't pasimple niyang tiningnan ang bandang Kanan ng dine in area at nakita nga niya na naroon ang isang CCTV.

Iniisip na niya kung paano niya ito malalapitan sa mga susunod na oras.

"Well.. well.. I'm just so happy for the both of you.. Greg is my one and only boy. Itinuring ko siyang anak ko. Mula nang siya ay isinilang ni Jane hanggang sa magka-isip, ipinangako kong di ko siya pababayaan. Ibibigay ko lahat ng gusto niya. He inspired me to go on with my career.. kaya ko nga narating ang posisyon kong ito sa army because of him. I want him to be proud of me someday.. kaya sana Maria.. please be a good wife to Greg. Love him unconditionally. Alam mo may mga dark sides tayo.. hindi perfect ang inaanak ko pero sigurado akong pagdating sa pag aalaga at pagmamahal hinding hindi niya yan ipagdadamot sa'yo.. parang ako yan.. kapag nagmahal Todo.. Hinding ka niya pakakawalan, gusto niya pagsisilbihan ka niya habang nabubuhay siya.. " madamdamin ang salaysay na Ito ni Lionel.

May kurot sa puso ni Greg nang mapakinggan ito. Hindi niya akalaing ganito siya binibigyang halaga ng Ninong niya.

Kahit si Mitch ay hindi makapaniwala at nadala sa mga inihayag ng kausap.

KADENA_DE_AMORWhere stories live. Discover now