Kadena 60

84 5 3
                                    

Maaga pa lang ay nakipagkita na si Samuel kay Attorney Joana Ortega para mabigyang linaw siya sa tamang proseso ng kaso ni Maria. Desidido siyang walang basbas ito ng kapatid ay itutuloy niya ang pagbibigay katarungan kay Maria.

Bago rin siya dumaan kela Greg ay nakipag usap na ito sa kakilala ng pamilya nilang pulis na nasa National Bureau of Investigation (NBI). Ipinangako sa kaniya ng kausap na siya'y bubuo ng isang task force para imbestigahan ang inilapit niyang kaso ng kaniyang kapatid sa Sulu. Nagbigay siya ng paunang isang milyon para sa kabayaran ng gagawin nilang trabaho para sa kaniya. Gusto ni Samuel na maging mabilis ang lahat kaya't kahit sariling ipon niya sa bangko ay handa niyang gastusin kahit pa maubos alang-alang kay Maria.

Pinaalalahana niyang kailangan nilang mag ingat sa Sulu dahil sundalo ang mga pinaghihinalaan niyang gumawa ng kahayupan sa kapatid nito.

Habang nagmamaneho papunta sa condo ni Greg ay sumagi sa isip niya ang mga bilin ng abogadong si Attorney Ortega.

"You can file Rape and administrative case for the suspect. Pwedeng yan muna ang maikaso, until we can hear the whole story of the victim. We need also the Victim's Medical examination, Medical Assessment and Treatment of injuries, collection of forensic evidence if possible, psychological evaluation and psychologic support are very good enough proof to win it!" pagsisigurado ni Attorney Joana Ortega.

Nasa isipan pa niya ang boses ng abogada. Paulit ulit Ito sa isip niya. Patuloy na nag iisip kung paano siya makapagsisimulang kumbinsihin si Maria na mag file ng kaso sa Sulu. Iyon kasi ang sinabi ng NBI sa kaniya, kailangan ang akusado ang magfile ng kaso sa lugar kung saan ito nangyari. Isa pa, kinakailangan din ni Mariang maisalaysay ang ginawa sa kaniya sa harap ng pulisya.

Bigla siyang napapreno nang makitang nagtatawiran sa kalsada ang mga tao. Hindi niya napansin ang stop light para sa mga tatawid sa kalsada.

"shit.. Buti na lang nakapagpreno ako.. " sambit ni Samuel nang makitang kaunting espasyo na lang at mababangga na niya ang mga tumatawid.

Kaya nang makatawid at nagbago na ang stop light ay nagdahan dahan na siya sa pagmamaneho.

"kailangan makapagrecord ako ng salaysay ni Maria, at makumbinsing magpamedical assessment.. " hayag nito sa sarili.

Makalipas ang trenta minuto ay narating na niya ang parking area ng condo ni Greg. Sa elevator pa lang ay kinontak na niya si Aileen para ipaalam na kakailanganin niya ang psychological evaluation at psychologic support sa case ni Maria as her Doctor. Sinabi rin niyang kinailangan niya na makapagsalaysay na si Maria ng buong nangyari sa kaniya sa Sulu at kung maaari ay mavideohan ito.

Hindi nangako si Aileen pero gagawin niya ang lahat para matulungan ang pasyente niyang si Maria.

Nang makarinig ng katok si Maria sa pinto ay agad niyang binuksan ito at bumungad si Samuel.

Agad siyang napayakap kay Maria nang makita ang kapatid. Ikinagulat ito ni Maria kaya't napasigaw siya.

"Dok Samuel bakit mo ako niyayakap?!" may takot sa tinig ni Maria.

Nagpupumilit na makaalis sa yakap si Maria.
Napaiyak pa si Samuel nang kumalas sa yakap sa kapatid.

"matagal ka kasing maninirahan sa grandma ni Greg.. Baka hindi na tayo madalas na magkita. Syempre iba na ang buhay may asawa. Mamimiss kita sigurado. At saka mag iingat ka. " sunod sunod na paliwanag ni Samuel.

Kalalabas naman ni Greg ng kwarto dala ang maleta nito.

"bro nandito ka na pala..!" bati nito.

Nakatingin pa rin si Maria kay Dok Samuel dahil hindi mawala ang pagtataka niya sa mga ikinikilos nito simula nang manggaling sila sa Biliran.

"mukha ngang sakto ang dating ko." tuwang sagot ni Samuel.

KADENA_DE_AMORTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang