Kadena 39

66 7 0
                                    

Napansin ni Greg na hindi siya kinakausap ni Maria ni hindi siya nito tinitingnan. Umiiwas din na makausap siya nito. Sa tuwing umaga, laging nasa rooftop at nagdidilig ng mga halaman at gulay na itinanim niya kapag tapos na ang trabaho niya. Sa tanghali, iniaabot lamang niya ang baunan na may lamang mga pagkaing iniluto niya para sa lunch nila ni Samuel. Sa pag uwi naman ni Greg, palagi itong nasa kwarto lamang niya.

Ipinalagay niyang nahihiya sa kaniya si Maria dahil sa nangyari.

"ako ba ang first kiss niya at ganito siya mag-react? O hindi kaya sobrang nahihiya siya dahil siya ang humalik sa akin at hindi ako?? " panay ang tanong ni Greg sa sarili.

Alas 9:00 ng gabi. Lumabas siya sa veranda at nagpahangin. Nakita niya ang maliliit na paso na may nakatanim na halaman sa gilid ng veranda.

Natuwa siya dahil hindi siya ang taong mahilig sa halaman o kahit pa sa pagtatanim. Binilang niya ang maliliit na paso. Nasa sampu na ang mga ito. Lahat ay tumutubo nang maayos, maliban ang isa na nalalanta na ang mga dahon.

Kumuha siya ng tubig sa faucet sa lababo. Diniligan niya ito. May kinuha ito sa kaniyang kwarto. Bumalik rin sa gilid ng veranda at nagsindi ng sigarilyo. Naalala niya na dalawang linggo na lang at magdiriwang na siya ng birthday nito. Kinuha niya ang cellphone at nagsearch ng mga lugar na pwede niyang puntahan sa araw ng birthday niya.

Gaya ng dati, ipinagdiriwang niya ito kasama si Grace. Pero dahil may dalawang taon ng hindi umuuwi ito ay ipinagdiwang na lamang niya ito mag isa.

Nang may nakita na itong prospect na lugar ay nagpareserve na agad ito ng room, package ng travel na gusto niya pati ang plane ticket. Hindi siya makapindot kung ilang packs ang kasama niya. Natigilan siya dahil maraming taon ding dalawa lagi ang pinipindot niya.

"ano ka ba pindutin mo ng ang 1 dahil dalawang taon ka na ngang mag isa di ba? " sabi niya sa sarili.

Huminga siya nang malalim. Pipindutin na niya ang 1 nang makita niyang dumaan si Maria at dumiretso sa CR. Dahil sa pagkagulat niya nakapindot tuloy siya ng numero at nang makita ang cellphone ay pinindot na niya ang submit. Pero nang reviewhin niya ang inilagay niya ay nanlaki ang mata niya nang makitang 5 packs ang inilagay niya.

"halah bakit lima?? -- mag isa lang ako e." sabi niya.

Inulit niya muli ang sagot pero hindi na umobra. Nagmessage na sa email add niya ang website na inapplyan niya at sinasabi nito na confirmed na ang reservation niya.

"bwisit bakit lima?-hindi pwede mag isa nga lang ako. " gigil niyang sabi.

Sa inis niya, pinatay nito ang cellphone niya.

Dahil hindi binuksan ni Greg ang ilaw sa veranda ay hindi siya napansin doon ni Maria na may dalang tubig para diligan ang mga tanim niyang halaman. Pero nagulat siyang naroon si Greg kaya't napaatras siya.

Pero nakita na siya ni Greg.

"Maria mag usap nga tayo. " pagmamadali ni Greg.

At hindi na sasayangin ni Greg ang pagkakataong ito.

"h-ha? " gulat na sambit ni Maria.

Mabilis na tumalikod si Maria para makaiwas kay Greg pero mabilis siyang hinarangan ni Greg.

"ooppss saan ka pupunta? Alam mo kasi hindi ako sanay na hindi mo ako kinakausap o tinitingnan.. Nagalit ka ba sa akin dahil nalasing ka? Sorry din kung ako ang first kiss mo. Pero maswerte ka na rin dahil hindi ibang tao ang nakahalik sa'yo.. Ako yon. Si Greg. " tuloy tuloy na sabi ni Greg.

Napayuko si Maria at hindi alam ang isasagot.
"pwede bang maupo ka muna, sige na mag usap tayo. Malapit na ang birthday ko, regalo mo na lang to. " pakiusap niya.

KADENA_DE_AMORWhere stories live. Discover now